Chapter 27

44K 948 9
                                    

Esmeralda's POV

"H-hello? Sino po sila?"

Mula sa paghahalo ng mga rekados sa kawali ay naplitan akong sagutin ang tawag mula sa aking cellphone. Hindi na naman naka-register ang number ng tumatawag sa contacts ko.

"Hey, Emee, si Archimedes 'to! Puwede ba kitang yayaing kumain sa labas? A friendly date..."

Napatigil ako sa ginagawa. Nag-apuhap ako ng sasabihin. Hindi ko alam ang isasagot lalo pa't gusto ko munang umiwas kay Dr. Archimedes pansamantala para hindi kami pag-initan ni Dr. Arthur.

"Hey, cat got your tongue? Hindi ka na nakapagsalita d'yan," natatawang untag ng manggagamot sa kabilang linya.

Binitiwan ko ang sandok na hawak saka humugot nang malalim na hininga.
Natatakot talaga akong lumabas kasama siya kahit wala namang masama kung pumayag ako. Ayaw ko lang talaga makabuo na naman nang maling akala ang masungit kong amo.



"Hey, Emee, are you afraid of Kuya again? You want me to ask permission—"


Mabilis akong tumanggi. "No, please! S-sige papayag ako p-pero sandali lang tayo, ha? Ako na lang din ang magpapaalam sa Kuya mo."

"No, I wont settle for a short talk. I need to discuss something to you. It's about work."

Naguluhan ako sa sinabi niya. Alala ko ba'y friendly date lang?
"Work? P-pero may trabaho ako. Hindi ko kailangan ng extra work—"

"Relax. This work wont take much of your time. Kikita ka pa nang malaki," natatawang sabi niya.

"Ano ba kasing trabaho 'yan?" pangungulit ko.

"We definitely need to see each other, Emee. Please..."

Napabuntong hininga ako saka pumayag. Wala naman sigurong mawawala kung pauunlakan ko siya kahit sandali. Ang problema lang ay kung papayag ang magaling kong amo. Tatawagan ko na lamang siya.

Nagpasiya na lang akong makipagkita kay Dr. Archimedes after lunch. Alas kuwatro pa ang uwian ng mga bata kaya malaya pa akong makipagkita kay Dr. Archimedes. Tinawagan ko si Dr. Arthur sa cellphone niya at nagpaalam na may pupuntahan lang akong importante kaya pumayag siya. Mukhang busy na naman ang manggagamot sa ospital kaya aburido noong nagpaalam ako.

Nagkita kami sa isang coffee shop ni Dr. Archimedes. Malapit lang iyon sa ospital. As usual ay napakaguwapo na naman ng manggagamot habang naka de kuwatrong upo sa isa sa mga silya habang relaxed lang na naghihintay. Agad kong ipinaskil ang aking malawak na ngiti nang magtama ang aming mga mata.
Gumanti siya ng ngiti at tumayo saka pinaghila ako ng upuan.


"Maraming salamat, Doc," nakangiting pasalamat ko.


"No worries, Emee," sagot niya saka bumalik sa pagkakaupo sa kanyang silya.
"What would you like to have?"


"Frappe na lang siguro. Chocolate," sagot ko naman.


Agad naman siyang nag-order sa waiter.
Kapagkuway tumitig siya sa akin. Medyo nailang ako kaya nag-iwas ako ng tingin.


"Perfect..." usal niya.


"I'm sorry?" nagtatakang tanong ko.


Head over Heels(Completed)Where stories live. Discover now