Chapter 33

47.2K 1.1K 32
                                    

Esmeralda's POV

"Ladies and gentlemen, I would like to take this opportunity to introduce the future inheretors of our business corporation..."

Kung may kapangyarihan lang ako ay ipinatigil ko na ang oras. Nasa harapan ako ng entablado, katabi si Brent, ang kanyang mga magulang at ang aking Mama. Ang Papa ko ay ang nagsasalita sa stage. Alam ko na ang climax na sinasabi ni Brent, ang opisyal na ipakilala kami sa harapan ng mga business partners ng kompanya.

Hindi ko alam na nakipag-venture din pala ang aking Papa sa ospital nina Dr. Arthur kaya sila narito. Kanina ko lang nalaman na malaking porsyento ang ininvest ng aking ama upang ipatayo ang pinaplanong Rehabilitation Center ng mga Alarcon. Paano ko nga naman malalaman kung abala ako sa pagse-serbisyo sa mismong utak ng ospital na 'yon?

Kanina ko pa gustong tumakas. Lalong nadagdagan ang kaba ko lalo pa at nasa harapan namin sina Dr. Arthur at ang mga kapatid niya na mariing nag-aabang sa pag-a-anunsyo ng aking Papa. Ang ibang mga kapatid ni Dr. Arthur ay matamang nakikinig sa aking Papa ngunit siya ay hindi, bagkus ay mariing nakatitig sa akin na tila ba isa akong bacteria sa kanyang microscope.

Kanina pa hindi mapuknat ang kanyang mga mata sa akin. Kung nakakamatay lang ang mga titig niya ay malamang kanina pa ako isinugod sa ospital. Naiilang ako, kinakabahan, natatakot at hindi maintindihan ang nararamdaman. Tiyak kong malalaman na niya ang tunay na katauhan ko. Alam kong magagalit siya at lalong mawawalan ng tiwala sa akin.

Pero bakit ba ako namomroblema? Umalis na ako sa bahay nila. Hindi ko na siya amo. Wala na kaming kaugnayan sa isa't isa. Kung malalaman man niya ang katotohanan, hindi ko na problema 'yon dahil wala na ako sa kanyang puder. Winakasan ko na ang misyon ko sa kanya, hindi ba? Nangako rin akong kalilimutan na ang nararamdaman ko sa kanya.


"Here she is, my heiress and my one and only daughter...Esmeralda Carillo Suarez!"

Nagising ako sa masigabong palakpakan ng mga tao. Namalayan ko na lang na inaalalayan ako ni Brent papuntang gitna ng entablado. Hindi ko na alam ang nangyayari. Kanina pa wala ang atensyon ko sa mga nagaganap. Nalula naman agad ako sa dami ng mga taong pumapalakpak sa akin. At higit sa lahat, halos manginig ako sa matatalas na tinging ipinipukol sa akin ni Dr. Arthur na halatang nagulat sa inanunsyo ng aking Papa.

Ang mga kapatid niya'y pumapalakpak, malamang dahil hindi ako nakilala. Samantalang ang panganay na kapatid nila, ayon at tila gusto akong sugurin habang nakatitig sa akin. Hindi ko magawang tumingin nang deretso sa kanyang mga mata. Nakokonsensya ako dahil niloko ko siya. Pero nangyari na ang lahat. Hindi ko na maitatama pa ang pagkakamali ko.

Namalayan ko na lang na nagsasalita na pala si Don Gregorio habang pinapakilala ang anak na si Brent. Ang hindi ko inaasahan ay ang sumunod na sinabi ng Don.


"And these two inheretors right in front of you will be tying the knot soon as they were engaged several months ago! Can you give these lovebirds your warm of applaus?"


Mas lalong lumakas ang palakpakan ng mga tao. Nag-iinit na ang mukha ko sa pamumula. Nang ibalik ko ang tingin kay Dr. Arthur ay wala na siya doon. Biglang nabalot ng panghihinayang ang puso ko. Ano kayang nararamdaman niya nang mga oras na iyon? May posibilidad bang nasaktan siya sa nalaman? Dapat ba akong magpaliwanag?

Ano ka ba, Esmeralda! Malamang ay wala 'yong pakialam sa nalaman. Siguro ay may tumawag sa kanya kaya siya nag-walk out.

—-

Parang sinisilihan ang puwet ko habang nakaupo sa loob ng VIP lounge ng isang klinika. Ang klinika ni Dr. Archilles Alarcon! Kung alam ko lang na ang ospital pa lang 'yon ang tinutukoy ng aking Papa kung saan siya magpapatingin sa kanyang puso, sana'y hindi ako sumama!

Head over Heels(Completed)Where stories live. Discover now