Chapter 9

41.3K 1K 22
                                    

Arthur's POV

It was past eight o'clock when I decided to go home. I yawned and grab my nape. I couldn't feel my nape anymore. I feel sore all over. I just finished a twelve hour surgery. If my body was a cellphone battery, the sustainability would probably be 5%.

Binuksan ko ang main door ng bahay pagkatapos ay isinara iyon saka ini-lock. Hahakbang na sana ako paakyat ng hagdanan nang marinig ko ang pagtatawanan ng aking mga anak na sina Ella at Sookie.

Parang napawi ang pagod ko nang marinig ang matinis na boses ng dalawa habang nagtatawanan. They're the only one who can can alleviate my stress. Ipinagpatuloy ko ang paghakbang hanggang sa maulingan ko uli ang pagtatawanan ng dalawa kasabay nang pagsigaw ni Joey.

"You two, get out of this room now!" sigaw ng panganay ko.

I sighed. Joey is the unlucky one who got all my traits. Nakikita ko ang sarili sa kanya kaya hindi kami magkasundo. We both have humongous pride and rock like heads.


"Aminin mo na kasi, nagda-download ka ng mga baduy na koreanovelas kaya nagka-virus ang laptop mo at hindi na gumagana!" narinig kong alaska ni Sookie sa Ate niya.

"Shut up, Sookie! Get the hell out of here!"

Nagtawanan muli ang dalawa kong mga dalaga. Napatigil ako at nakangiting sumandal sa gilid nang nakabukas na pintuan ng library.


"You should say "thank you" to Yaya later, she will make an effort to fix your computer," sabi pa ni Ella.


Yaya? Emee?
Kumunot ang noo ko. What did she do to Joey's laptop?



"Girls, huwag n'yo na asarin si Ate. Matulog ka na Sookie, may pasok ka pa bukas. Ihahatid ko pa si Ella sa kuwarto niya," narinig kong turan ng yaya ni Ella na si Emee.


She's helping the other girls? Paano niya nakasundo ang dalawa kong anak, most especially Josefina?


"You cannot leave this room without finishing this one, Emee! I'm warning you!" narinig kong banta ni Joey kay Emee.


"Hindi ba matagal pa ang deadline ng project mo, Joey? Puwede nating balikan ito bukas. Kailangan na kasi ni Ella na matulog. Masama sa kanya ang mapuyat, diba?"


Matagal bago sumagot ang panganay ko.

"All right! You need to fix this one tomorrow. I'll count on your words or else..."

"Yes, your majesty. Hindi naman po ako aalis. Babalikan ko iyan tomorrow."

Nagpasiya na akong magpakita sa kanila.


"Hi, Daddy!" masayang bulalas ni Sookie nang makita ako. Agad siyang tumakbo sa direksyon ko. Agad din naman akong yumuko at binigyan siya ng halik sa pisngi.

Sumunod naman si Ella na hawak-hawak ang kanyang tungkod. Ako na mismo ang lumapit sa bunso ko at ginawaran din siya ng halik sa pisngi.
Ang panganay kong si Joey ay tila walang narinig at hindi ako nilingon. Si Emee naman ay tila hindi magkamayaw at mabilis na tumayo.

"G-Good evening po, S-ser!"


Nagsalubong ang mga kilay ko sa ikinikilos niya. Ang isa sa pinakaayaw ko sa isang tao ay iyong hindi mapakali kapag kaharap ako. Lalo lamang ako nabubuwesit kapag kaharap sila. It's as if I am a mad man na walang gagawing maganda sa kapwa.


Head over Heels(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon