Esmeralda's POV
Tama si Manang Dalya, maaga ngang gumigising si Ella, at hindi lang si Ella, pati ang iba pa niyang mga kapatid. I'm amazed with the kids' beauty. They look like princesses ripped off from disney movies.
Pawang mga kamukha ni Dr. Arthur ang dalawa, lalo na iyong panganay na nagngangalang Maria Josefina o Joey.Medyo distant ito at mukhang masungit katulad ng ama. Ang ayos pa ni Joey ay iyong style ng mga punkista o emo kung tawagin. Makakapal ang eyeliners, itim ang lipstick at doble ang mga hikaw sa tenga. Agad naman akong nagpakilala sa kanya. Naglahad ako ng kamay.
"Magandang umaga! Ako nga pala si Emee, ang bagong Yay—"
"Who cares?" masungit niyang putol sa akin saka ako nilagpasan at nagtuloy-tuloy na bumaba ng hagdanan.
Oh, someone woke up from the wrong side of the bed!
Nagkibit balikat ako sa kasungitan niya at napatingin sa isa pang anak ni Dr. Arthur na parating.
The next one is the exact opposite of the previous girl, Maria Soccoro o Sookie. Kung si Joey ay maangas at boyish, si Sookie ay kikay. Mahinhin ang mga kilos ng bata ngunit medyo may katarayan ang mukha. Ngumiti ako nang malapad saka nagpakilala din sa kanya."Magandang umaga, Sookie! Ako nga pala si Emee, ang bagong Yaya ni Ella."
Pinagtaasan niya ako ng kilay saka tiningnan mula ulo hanggang paa, just like what her father did yesterday. Nang matapos akong suyurin ng tingin ay inarapan niya ako saka nilagpasan kagaya ng ginawa ni Joey kanina. I screamed inwardly.
One of these days I'm gonna teach these kids good manners. Gosh, this household's hospitality is terrible!
Nagpasalamat ako nang lihim dahil si Ella ang aalagaan ko. Napakalambing at napakabait na bata ni Ella. She's a sweet and kind kid despite of her disability. Hindi mahirap hulihin ang loob ni Ella. Sa dalawang nakatatandang kapatid at sa mismong tatay niya ako mahihirapan. Pero sige lang, pasasaan ba't makukuha ko ang mga loob nila. Tiwala lang.
"Yaya Emee?"
Napatingin ako kay Ella nang magsalita ang bata. Magkahawak ang mga kamay namin habang inaalalayan ko siyang bumaba ng hagdanan para pumuntang dining area. Hindi ko na siya pinagamit ng tungkod upang makagalaw siya nang maayos.
"Yes, Ella?"
"Please don't be upset with Ate Joey and Ate Sookie, they're nice and friendly naman, eh. Just like my Daddy..."
Napilitan akong ngumiti kahit hindi naman niya ako nakikita.
Napakabuting bata!
"Huwag kang mag-alala, I'm not upset. And don't worry about me, baby, I'm just your Yaya," sabi ko.
"No, you're not just my Yaya. You're already my friend."
It made my heart melt. Such a sweet kid. Kahit may kapansanan siya ay hindi iyon naging hadlang sa positibo niyang pananaw sa buhay.
Siguro ganoon din si Dr. Arthur kapag wala siyang sumpong.
Napayakap tuloy ako kay Ella. Natutuwa ako sa kanya."Thanks, Ella. Sana ganyan din kabait ang Daddy mo sa akin, 'no?"
"What?"
Napalundag ako nang may marinig na nagsalita sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Dr. Arthur na nakapamulsang nakatayo sa likuran namin. Salubong ang mga kilay niya at direktang nakatingin sa akin. Naestatwa tuloy ako at hindi alam ang sasabihin.
BINABASA MO ANG
Head over Heels(Completed)
RomanceLOVE ANTIDOTE SERIES 1: Arthur Alarcon, the Feirce Neurosurgeon. Si Esmeralda ay anak ng isa sa pinakamayamang pamilya at haciendero sa kanilang lugar. Hindi lang kayamanan ang kanyang maipagmamalaki dahil taglay niya rin ang kagandahan na hindi mat...