Chapter 24

46K 1.1K 51
                                    

Esmeralda's POV

Paika-ika akong naglakad habang inaalalayan ni Dr. Archimedes. Nadapa ako kanina sa field at nagkaroon ng sugat sa tuhod. Imbes na nanalo kami ay second runner up lang ang nakuha namin. Tuwang-tuwa pa rin kaming binati nina Joey at Sookie kahit hindi kami nanalo.

Nagpasiya kaming humanap ng booth kung saan kami makakabili ng soft drinks dahil nauhaw kami sa sinalihan naming paligsahan. Kahit nagtamo ako ng sugat, masaya ako at nakikita kong nag-eenjoy ang mga bata. Iyon lang naman ang mahalaga sa araw na iyon.

"You know, Emee, this is the first time Uncle Arc finished as a second runner up. He was always the champion in the previous years, you know?" pagmamalaki pa ni Joey.

Lalo naman akong na-guilty.
"Ganoon ba? Ako pa yata ang dahilan at natalo ka."

"Don't worry! There's always a next time. Ang importante ay ayos ka at hindi nagkaroon ng fracture," nakangiting sabi ni Dr. Archimedes.

"Ang sweet talaga ng Uncle Arc namin, o! Bagay kayo ni Emee!" panunudyo ni Sookie.

Namula ang nga pisngi ko sa sinabi ni Sookie. Gusto ko siyang sawayin ngunit nakisama na si Dr. Archimedes sa panunudyo sa akin.

"Really, Sook? Do you think we look good together?" sakay pa ni Dr. Archimedes sa pamangkin.

"Oo, kaso may boyfriend na si Emee, eh!" tila nanghihinayang na sabi ni Joey.

"Oh, that breaks my heart. Kung wala ka sanang boyfriend, Emee, liligawan kita!" kunway nalungkot na sabi ni Dr. Archimedes.

Naghiyawan ang mga bata sa kanyang sinabi na tila ba kinikilig.
Napailing-iling ako sa usapan nang magtito. Alam kong nagbibiro lamang si Dr. Archimedes. Sinasakyan lang niya ang panunudyo ng mga pamangkin.

Natigilan ako nang makita ang pamilyar na lalaking papalapit sa amin. Lumakas ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan siyang nakapamulsang naglalakad sa direksyon namin.

Dr. Arthur? What is he doing here?

Nakasuot siya ng puting long sleeve polo na nakatupi ang mga manggas hanggang siko. Slacks naman na itim ang kanyang suot pang-ibaba. Ang mga mata naman niya ay natatakpan ng itim na salamin. Angat na angat ang kaguwapuhan niya sa mga tao doon.

Mukhang galing pa siya ng ospital. Tumigil siya sa harapan namin at tinanggal ang kanyang salamin. Bumaba ang mga mata niya sa nakaabrisete kong kamay sa braso ni Dr. Archimedes. Agad kong inalis ang aking kamay.

"Kuya! It's a miracle! What brings you here?" pabirong sabi ni Dr. Archimedes sa kapatid.

Si Sookie naman ay agad lumapit sa ama at nagpakarga. Tanging kami lamang ni Joey ang nanatiling natitigilan habang nakatingin sa manggagamot na bigla na lamang sumulpot.

"How's everything?" walang kangiti-ngiting tanong ni Dr. Arthur sa kapatid.

"Oh, we're having a good time! Actually, Joey and Sookie got first prices in the games! You should have watched it though," excited na kuwento ni Dr. Archimedes.

"Fantastic. You can go home, Arc."

Napatingin kaming lahat kay Dr. Arthur dahil sa sinabi niya kay Dr. Archimedes. Nagbibiro ba ang manggagamot? Pero mukha siyang seryoso.

"What? We're not done yet! Marami pa akong games na gustong salihan!" tutol naman agad ni Dr. Archimedes.

Kinabahan ako nang tumigas ang anyo ni Dr. Arthur. "I am already here so your presence is no longer needed. Go home!"

Head over Heels(Completed)Where stories live. Discover now