Chapter 14

41.2K 1K 26
                                    

Esmeralda's POV

"What's this?"

Nanlaki ang aking mga mata nang mabasa ang letter of suspension para kay Joey sa kanyang eskuwelahan. Ibinigay iyon sa akin ni Manang Dalya kanina. Ipinapakiusap niyang ako ang magsabi sa ama ni Joey  tungkol doon.

"A suspension letter! Are you blind?" pabalang na sagot ni Joey sa akin. Nasa loob kami ng kuwarto niya habang naglalaro siya ng kanyang Xbox console.

"Joey, hindi magandang biro ito. Mapapatalsik ka sa eskuwelahan ninyo," mahinahon kong pagpapaintindi sa kanya.

"I don't care! Let them kick me out for all I care!"

Napapikit ako at sinapo ang aking noo.
"Akala ko ba okay na? Naipresent mo naman nang maayos ang report mo, diba? Mataas ang nakuha mong score. Bakit nagkaganito?"

"I told you, they don't like me! There are bitches in my class that hated me so much they tried hard to make my life a hell! Screw that school! I'm not going back anymore!" galit na bulalas niya.


Napangiwi ako sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.
"Kapag nalaman 'to ng Daddy mo, malulungkot 'yon!"

Sandali siyang natahimik saka umismid. "I don't care either. He always think of me as a failure anyway..."

Bumuntong hininga ako saka tumabi sa kanya sa kama. Hinimas ko ang ulo niya. Umiwas naman siya at lumayo sa akin.
"Get away from me..."

"Eh, bakit mo ipinapabigay 'tong letter sa akin? Bakit hindi ikaw mismo ang magbigay sa Daddy mo?"


Hindi siya nakasagot.

"Natatakot kang malaman ng Daddy mo?"

Hindi ulit siya sumagot.

"Kung ayaw mong malaman ng Daddy mo, gawan natin 'to ng paraan."

Doon siya tumingin sa akin. "How?"


Napangiti ako kahit naiinis. Nagdadrama ang bata. Kunwari walang pakialam sa mararamdaman ng ama, iyon pala'y takot din.

"Kausapin natin ang nagsumbong sa 'yo sa principal n'yo."


Nahindik siya sa sinabi ko. "No way! I'm not going to talk to those morons!"


"Ano ba kasing nangyari? Gusto kong malaman," untag ko sa kanya.

Tila nag-alangan pa siyang magsabi sa akin. Mayamaya'y napilitan siyang maglahad ng saloobin.
"I had a crush on this certain guy. He was once my friend. His name is Ysrael. He doesn't know that I like him, he thinks I am a tomboy..."

Tumaas ang dalawang kilay ko. Akala ko rin 'yon noong una, na tomboy si Joey. Nasurpresa akong may crush pala siyang lalaki.

"There were three annoying bitches in my class who likes him too and they spread rumors against me. Now that stupid Ysrael avoided me because of that. I hate his f*cking guts! What a coward!"


Patuloy lang akong nakikinig sa kanya.

"I want to show them what they think of me. I started wearing preppy punked clothes which are prohibited in my school. The Principal started to get my attention and told Daddy about it. Daddy was so mad, he won't listen to me. I didn't bother explaining further because he always think he's right and I am wrong!"


Head over Heels(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon