Chapter 39

51.7K 1.1K 45
                                    

Esmeralda's POV

"What are you still doing here? Didnt I tell you before to leave this house?"

Mula sa niyuyogyog kong cellphone ay nag-angat ako ng tingin kay Brenda. Nasa loob siya ng kanyang sasakyan at ibinaba  ang bintana upang kausapin ako. Mukhang papunta siya sa loob ng mansion ni Dr. Arthur. Ako naman ay nasa labas ng gate mansion at sinusubukang magpa-book sa Grab or Uber Taxi. Ang problema, empty battery na pala ang cellphone ko.

Sa lahat ng taong puwedeng makita ay siya pa ang biglang sumulpot doon. Ang malas ko naman at naabutan niya pa ako roon. Ayoko sana siyang kausapin dahil naiilang pa rin ako sa kanya pero dahil utos ng kagandahang asal ay napilitan akong tumugon sa tanong niya.



"B-binibisita ko lang si Ella. May sakit siya," matipid kong sagot sa kanya.

Tumaas ang kilay niya.
"And you're leaving?"


Napilitan akong tumango.


"Hop in," aniya.


"Ano?" Gusto niyang sumakay ako sa kotse niya? Gustong-gusto talaga ng babaeng 'to na makaalis ako doon.


"I said, hop in! Alam mong wala masyadong Taxi ang pumapasok sa subdivision na 'to. Kaysa agnasin ka r'yan sa paghihintay, sumabay ka na lang sa akin."


Nagdadalawang isip akong pumayag. Hindi talaga ako komportable sa kanya. Kaso kapag hindi ako sumakay sa sasakyan niya, malamang maaabutan ako doon ni Dr. Arthur. Isinantabi ko muna ang pagkailang ko kay Brenda at pumayag sa kanyang gusto. Umikot ako sa kabilang panig ng kanyang sasakyan saka sumakay.
Akmang papasok ako sa back seat nang pigilan niya ako.

"No, not there. Sit beside me."

Napilitan akong magtungo sa passenger's seat at tumabi sa kanya. Ikinabit ko agad ang seatbelt. Ilang minuto pa ay pinaandar niya agad ang sasakyan. Tahimik lang ako sa kanyang tabi.

Mayamaya ay nagsalita siya.
"You're quite a stubborn woman, aren't you?"

Napatingin ako sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"

"You know what I mean. Binalaan na kitang umiwas kay Arthur but you still came back. May kalandian ka rin."


Medyo nainis ako sa sinabi niya.
"I told you I was there for Ella and not for Dr. Arthur," pagatatama ko sa kanya.


Ngumiti siya nang patuya. "Yeah, right! As if hindi mo siya makikita kapag dinalaw mo si Ella. Ibang klase ka rin."


Napapamaang ako sa sinasabi niya. Hindi ko na pinatulan ang mga patutsada niya. Kung alam ko lang na pakitang tao lang ang pagpapasakay niya sa akin sa kanyang kotse ay naglakad na lang sana ako.


"You know what? Arthur loves to play girls like you. You and Margareth shares the same personality; naive, vulnerable and stubborn. Kaya gustong-gusto kang paglaruan ng lalaking 'yon dahil madali kang utuin kagaya ng kapatid ko."

Napatiim bagang ako. Bakit pati kapatid niya ay sinisiraan niya sa ibang tao? Matatanggap ko kung galit siya kay Dr. Arthur pero kay Margareth na sarili niyang kapatid? Ibang klase talaga ang ugali ng babaeng 'to!


"He will kill you just like what he did to my sister..." patuloy niya pa.


Doon na humagalpos ang pagtitimpi ko. Alam kong hindi naging maganda ang relasyon namin ni Dr. Arthur pero hindi ako naniniwalang mamamatay tao siya.


Head over Heels(Completed)Where stories live. Discover now