Chapter 28

43.8K 977 47
                                    

Esmeralda's POV

Gabi na nang makarating si Dr. Arthur sa mansyon. Walang kibong nilampasan niya lang ako at nagtuloy-tuloy sa mga kwarto ng kanyang mga anak. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi niya ako pinagalitan. Natatakot talaga ako na magalit na naman siya sa akin at pagbintangan akong inaakit na naman si Dr. Archimedes.

Nagpasiya akong pumasok na ng kuwarto at matulog. Sumakit ang likod ko sa maghapong paglilinis ng bahay. Matapos kasi ng pagkikita namin ni Dr. Archimedes kanina ay umuwi ako agad para ipagpatuloy ang naiwan kong trabaho.

Mag-iisang buwan na akong mag-isang katulong sa mansion. Ayaw ko sanang isipin ngunit parang sinasadya yata ni Dr. Arthur na huwag maghanap ng panibagong katulong na kapalit ko. Bakit pa nga naman siya maghahanap eh hindi lang paglilinis ng bahay at pag-aalaga sa mga anak niya ang napapala niya sa akin, f*ck buddy niya pa ako gabi-gabi.

Hindi naman ako nagrereklamo sa mga trabaho sa bahay at pag-aalaga sa kanya at mga anak niya dahil masaya naman akong gampanan ang trabahong iyon. Ang hindi ko lang talaga nagugustuhan ay ang pagturing niya sa akin bilang 'parausang babae' lamang.

Sa tuwing ipinipilit niya ang gusto niyang sipingan ako ay wala akong magawa. Hindi sa ayaw ko, iprokrita ako kung sasabihin kong hindi ko nagugustuhan ang ginagawa namin... kaso parang hindi naman niya nirerespeto ang damdamin ko. Sa tuwing natatapos kaming magtalik ay umaalis siyang walang iniiwang kahit isang salita. Parang ganoon lang ang turing niya sa akin, parausan.

Kung iyon ang katuparan ng misyon ko at ang ikaliligaya niya, hihintayin ko na lang na magsawa siya sa ginagawa sa akin at kusa akong paalisin. Atleast nakaganti na ako sa malaking utang na loob sa kanya kahit pa ang kapalit noon ay ang aking dangal.

Hihiga na sana ako sa kama nang makarinig nang sunod-sunod na katok mula sa pinto. Kahit alam ko kung sino iyon ay hindi ko pa rin mapigilang kabahan. Malakas ang loob kong si Dr. Arthur ang kumakatok. Binuksan ko nang bahagya ang pinto at sumilip sa labas. Hindi nga ako nagkamali, si Dr. Arthur nga.

"B-bakit po? May kailangan po ba kayo?" tanong ko.

Seryoso na naman ang kanyang anyo. Ang mga mata niya'y sing lamig ng yelo. Akala ko'y pinalampas na niya ang pagsuway ko sa kanyang huwag nang magpakita pa kay Dr. Archimedes. Nakabuo na naman siguro siya ng konklusyon na hinahabol ko ang kapatid niya. Isa pa iyon sa napansin ko sa kanya.

Possessive si Dr. Arthur. Ilang beses kong naririnig sa kanya sa tuwing nasa mainit kaming tagpo na ayaw niyang may kahati sa akin. Na ang katawan ko ay pag-aari niya lamang.

Gusto ko sanang idagdag na hindi lang naman katawan ko ang pag-aari niya, pati ang puso at isipan ko. Na hindi ko naman kayang tumingin sa ibang lalaki dahil sa kanya ko lang inilalaan ang pansin ko. Kaso baka lalong pumalo ang pride niya kapag pinaglandakan kong mahal na mahal ko siya. Wala nang matitira sa pride ko.

"You know what I want. Open the door," maawturidad niyang utos.

Hindi ko talaga mapigilang kabahan kapag ganoon kadilim ang kanyang awra. Nakakatakot siyang kalabanin. Niluwangan ko ang pinto. Mabilis naman siyang pumasok at dumeretsong umupo sa kama. Humalukipkip siya at tiningnan ako nang masama.

Hindi ako makakilos dahil baka magalit siya. Minsan kasi ay hindi ko alam kung paano gumalaw nang maayos sa harapan niya. Ang bilis niya kasing mairita kapag hindi niya nagugustuhan ang mga ginagawa ko.

"Tell me honestly what were you doing in that coffee shop with my brother?" seryosong tanong niya.

Sunod-sunod akong napalunok. "N-nag-uusap po..."

Head over Heels(Completed)Where stories live. Discover now