Chapter 38

50.7K 1.1K 20
                                    

Esmeralda's POV

"God, Emee, it hurts!" daing ni Dr. Arthur habang sapo ang ulo.

"What do you want me to do?" natatarantang tanong ko. Hindi ko alam kung lalapit sa kanya o hindi. Hindi ko rin kasi alam kung maiibsan ba ang sakit niya kapag lumapit ako.

"Take my Acetaminophen in the drawer," utos niya.

Agad naman akong tumalima at nagtungo sa drawer. Naghanap agad ako ng gamot doon na Acetaminophen. Nang makita iyon ay kumuha ako ng mineral water sa maliit niyang ref saka iyon ibinigay sa kanya. Akmang isusubo na niya ang gamot nang pigilan ko siya. Napadilat siya ng mga mata at napatingin sa akin.

Tinulungan ko siyang bumangon.
"Dont drink your medicine while lying on the bed. Baka mabilaukan ka," sermon ko sa kanya.

Napangiti siya saka umiling-iling na ininom ang gamot na ibinigay ko. Natigilan ako. Ngumiti siya! Namamalikmata ba ako? Kinalma ko ang sarili saka inabot sa kanya ang tubig.

"Sa susunod huwag ka nang uminom nang marami kung ganyang sumasakit pala ulo mo—"

Nanlaki ang nga mata ko sa nasabi. Huli na para pigilan ang sarili ko dahil nasabi ko na. Bakit ko ba nasabi 'yon? Baka sabihin niyang masyado akong pakialamera. Ngunit sa halip na singhalan ako ay ngumiti na naman siya. Napapantastikuhan na ako sa kanya. Matindi pala talaga ang nagagawa ng alak sa sistema ng tao. Nakakapagpabago pansamantala ng ugali.

Hinilot niya ang magkabilang sintido. Nabaghan na naman ako sa nakikitang sitwasyon niya. Masyado na niyang pinapagod ang sarili. Nahihirapan akong nakikita siya sa ganoong kalagayan. Kahit pala ang pinakamabagsik na nilalang ay nagkakaroon din ng dinadamdam sa katawan. At ito namang puso ko, nakita lang na nahihirapan ang mahal ko, natunaw agad.

"G-gusto mo ng masahe?" bigla kong naitanong.

What on Earth were you thinking, Esmeralda?

Natigil siya sa paghilot ng kanyang sintido saka ako binalingan. "Aren't you tired?"

"N-nope. Nakapagpahinga naman ako kanina. Sige na, mamasahiin muna kita bago ako magpasundo sa driver ko," giit ko habang tinatapik ang aking kandungan.

Agad naman siyang humiga sa kandungan ko. Napatingin ako sa mukha niya. Nakapikit na siya. Doon na naman nagsimulang magrigodon ang puso ko. Dahan-dahan kong hinaplos ang kanyang noo.

"Where's Mr. Peralta?" mayamaya ay untag niya.

"Si Brent? Umuwi na siya ng Davao," matipid kong sagot.

"A prince should not leave her princess in a place full of beasts, you know?" makahulugang pahayag niya.

"May tiwala naman siyang hindi aatakehin ng beast ang princesa niya," sagot ko.

Nakita ko siyang umismid. Ang pamilyar na ismid na 'yon. Nagbalik na naman sa dati ang katinuan niya.

"Lasing ka ba talaga?" paniniyak ko.

"I was until I saw your face."

Namula yata ang mukha ko sa sinabi niya. Pero hindi tama ang kilig na namumuo na naman sa puso ko. Kinabukasan ay babalik na naman kami sa dati. Nang matapos ko siyang masahehin ay sakto namang humihilik na siya. Napapalatak ako habang dahan-dahang inililipat ang ulo niya sa unan.

Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Payapa na siyang natutulog. Nakakunot nang bahagya ang kanyang noo kahit tulog. Marahil ay napapanaginipan niya ang lahat ng kanyang responsibilidad sa buhay.
Namagneto yata ako sa pagtitig sa mukha ni Dr. Arthur dahil humiga ako sa tabi niya saka siya malayang pinagmasdan.

Head over Heels(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon