CHAPTER 5 " Who are you?"

1.2K 62 28
                                    

DAVE'S POV

Habang naglalakad ako, may napansin ako sa  di kalayuan. Nagkukumpulan ang mga estudyante at tila may pinapanood na live show.

Kaya pasimple ko itong nilapitan at tinignan ang kung ano man ang nangyayari. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang mga ito.

Ang "the three queens at ang nerd?" ang nerd na nakaingkwentro namin kani-kanina lang.

Nakita ko ang paggalaw ng bawat bibig nila, na para bang may pinag uusapan ang mga ito.

At lumingon si Aubrey sa mga kasama nito, kasabay ang paglipad ng mga itlog patungo sa direksyon ng babaeng nerd.

Ngunit, inihanda niya lamang ang kanyang sarili  at nirelax.

Ang akala ko ay tatama iyon, subalit 'di iyon ang nangyari, dahil nagawa niyang saluin ang mga ito gamit lamang ang mga kamay?

"Impossible"bulong ko

At sa isang kisap mata, napunta muli ang mga itlog sa direksyon nina Aubrey. At sapul, lahat sila ay tinamaan sa mukha.

Paano niya nagawa iyon? Magkaalaman na.

Muli binaling ko ang tingin sa babaeng nerd. At ang biglang paglipad ng kutsilyo sa bandang likuran niya.

"Shit"l curse mentally.

Tatakbo na sana ako upang itulak siya, pero nagulat ako sa ginawa niya, tumalon lamang siya pakanan at hinawi ang hibla ng kanyang  buhok na tumatama sa kanyang mukha.

Wait, ako tutulong? No way! Mas mabuti na rin 'yon.

Pinahiya niya ako sa harap ng maraming estudyante, kaya bagay lang sa kanya iyan.

Pero hindi e', kahit gusto ko ng umalis at  puntahan na lang ang favorite spot ko, pero hindi ko magawa. Parang may naguudyok talaga sa akin na panoorin ito.

Pero parang mabibigo ako sa gusto ko. Parang wala lang sa kanya? Ang paglipat ng kutsilyo? Anong klaseng babae 'yon? Kakaiba.

Dahil kung  iba ang nasa sitwasyon niya paniguradong titili at sisigaw na iyon. At iiyak. Pero siya? Kalamado lang.

Shit..why l keep on describing her action? No! This can't be. May kasalanan pa siya sa amin, lalong lalo na sa akin.

"You're lucky nerd, but we're not yet done."

Rinig kong sabi ni Aubrey. Ngunit 'di siya pinansin ni nerd.

Akmang aalis na sana si nerd ng biglang sumigaw si Anubrey.

"Duwag ka pala eh! "

Pagkasabi no'n ni Aubrey ay napahinto si nerd. At biglang tumalon paikot si nerd, kasabay no'n ang impit na sigaw ng tatlo.

Ang bilis ng pangyayari 'di ko man lang nagawang sundan ang galaw niya.

Inikot ko ang aking paningin upang tignan ang paligid at iisang ekspresyon lamang ang nakikita ko. Lahat sila ay naka nganga. Ngunit sa paglingon ko sa pwesto ni nerd ay wala na ito.

Kaya umalis na rin ako, at tinungo ang dapat kong puntahan kanina pa.

Habang naglalakad ako ay bigla ko na lamang naramdaman ang pagbabago ng paligid. Parang bumibigat na ewan.

Pero hindi ko ito binigyan ng pansin.
Baka kung ano lang ito. At dumeretso na lamang ako sa dapat kong puntahan.

'Yon ay ang pumunta sa mini park nitong school kung saan may isang puno na pwedeng akyatan.

Madalas rin ako doon, lalong lalo na pag nafrustrate ako.

To refresh everything, and to relax. Tahimik at relaxing ang lugar na iyon.

.....

Ngayon ay nandito na ako, pero parang hindi lang ako ang nandito kundi meron pang iba.

But the question is who?

Dahil sa pagkakaalam ko ay ako lang ang pumupunta dito.

At kung sino man ang maglakas loob na tambayan ang lugar na ito, ay paparusahan ko.

Tumingala ako sa puno and there l saw her.

Her?

Isang babae ang natutulog sa taas ng puno?

Paano kung pagsamantalahin siya?

Pero bakit nga ba ako nagalala. Tsss.

Gumalaw ito ng kaunti and there l saw her face.

Anong ginagawa niya dito?

At paano niya nalaman ang lugar na ito?

......

NATHAN POV

Ayon naka pov din, salamat author(tsss...)ang sungit ni author.

Hays...

Back to the story.

So ayun nga, since 'di niyo pa ako kilala ng lubusan ay magpakilala na muna ako.

Pano kasi 'yung iba diyan ay walang pake, at ang sungit pa. Huwag kayo maingay ah pero mabait naman 'yon sadyang kailangan lang, basta makilala niyo rin 'yung taong tinutukoy ko. Daldal ko na ba?

So ako nga pala sa Nathan Guerero 18 years old. Mayaman din kami pero 'di tulad ng masungit na iyon este ni Dave.

At syempre, Ako ang pinaka gwapo sa aming tatlo. Siguro naman kilala niyo na kung sino-sino, at para sa hindi pa.

Dave andrei Sebastian the leader of the group.
Nathan Guerero, ang gwapo sa grupo.
At
Mark Anthony Fontalejo, the serious and observer. Madalas kasi niyang obserbahan ang paligid kaya gano'n.

At kame ang kinikilala nilang "The Three Kings"

Kilala rin kami bilang bully at kinatatakutan. Pero mabait din naman kami.

At nagiging cold lamang ang aura namin, pag kaharap namin ang ibang mga estudyante.

And yes, sa totoo lang hindi isang simpleng eskwelahan ang pinapasukan namin.

ELITE ACADEMY also known as ELISTIC GANGS WORLD.

And the rest is history, na kahit kami na matagal na nagaaral dito at kilala bilang pangalawa sa nakatataas ay parang ang misteryoso parin ang dating ng paaralan na ito sa amin.

At first time din namin, 'yung nangyari sa cafeteria.

Hanga ako sa kanya, ang lakas niya. At higit sa lahat nakakakilabot ang aura niya, daig niya pa si leader.

At sa tingin ko nga, bago pa lamang siya rito, kaya parang 'di niya pa kami kilala.

Kahit ang "the three queens"ay naging biktima na. Nakakapagtaka sobra. Kahit si leader gano'n din.

Pansin ko nga, parang ang lalim ng iniisip ni leader ngayon. Maya't maya pa ay bigang tumayo si leader.

"San ka pupunta dude" tanong ko naman.

"Labas lang ako"sagot naman nito.

Hays...

Makalabas nga rin.

At lumabas na rin ako,

"Sino kaya 'yung babae na iyon" sa isip isip ko naman.

.........

Sino ang nakita ni Dave sa itaas ng puno?

And what do you think will happen next?

Abangan...
-------------------------------------------------------------

Hello readers watsup?

COMMENT
and
VOTE








THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon