CHAPTER 36 " Saving Keira "

614 19 0
                                    


KEIRA'S POV

Naalimpungatan ako nang dahil  sa lamig. Iginalaw ko ng dahan dahan ang aking ulo nang  bigla na lamang ito kumirot.

"Ugh" daing ko, dala na rin ng hilo at biglang pagsakit ng ulo ko. Nang maalala ko ang nangyari, ang pagdukot sa akin ng mga lalakeng nakaitim at ang mga lalakeng matagal ko ng hinahanap.

Bigla na lamang kumulo ang aking dugo nang maalala ko ang tattoo na iyon ang tattooo na nakatatak sa aking isipan. Ang tattoo na nagpapaalala sa akin sa masakit kong nakaraan. Ang tattoo na kinamumuhian ko.

Tatayo na sana ako ng mapagtanto akong may nakatali sa kamay at paa ko. Kadena ang ginamit nilang panali, ano ako aso? Papatayin ko kayo! Papatayin ko kayong lahat!

Kaya pala ang lamig dahil  nasa loob  ako ng kulungan na gawa sa bakal at  umuulan  ng malakas sa labas. Sige lang, at magpapakasaya muna kayo habang nasa loob pa ako ng pesteng  kulungan na ito.

The heck, wala bang balak na tumulong ang apat na iyon? Nakaka inis, bwesit, ang tanga ko, ang hina hina ko. Huwag na huwag nilang magkamaling idamay muli ang mga magulang ko, dahil sa oras na mangyari iyon. Durugin ko ang pagkatao nila. Grrrrrrr

Kailangan kong makalabas dito, at makatakas nang sa ganoon ay mahanap ko si Kiella. At makauwi sa bahay.

Pilit kong alisin ang kadenang nakatali sa kamay ko, pero bigo ako dahil isang matibay na kadena ang ginamit nila. Matatalino rin pala kayo, sige lang.

Masakit na rin ang kamay ko at paniguradong namumula na ito. Gayun pa man ay sinikap kong alisin ito. Pinagpapawisan na rin ako dahil sa tindi ng pagkatali nila.

Nang may napansin ako sa kabilang kulungan, dalawang babaeng sugatan at masasabi ko ring pinahirapan sila ng husto.

At ang pagpatay nila kay Kristine. Pero alam kong buhay pa ito, kailangan ko rin siyang hanapin, at makausap bago mahuli ang lahat.

Sinilip ko ang mga ito dahil parang pamilyar sila sa akin. Pero wrong move dahil nauntog ako sa pader, shit ang sakit.

Nadagdagan lalo ang sakit ng ulo ko. Sino kaya sila?

Lumagapak ang pintuan  sa kwartong kinabibilangan ng dalawang babaeng sugatan. At pumasok doon ang mga lalakeng nakaitim at inakay ang isang babae. Ang isa naman ay binuhat nila na barang baboy.

Shit, ano ang gagawin nila sa dalawa? Dinala nila ito sa isang, teka, nasa loob ako ng laboratory?

Pagkabukas nila ang pinto nakita ko mula rito ang ginawa nila sa dalawa.

Kristine? Kiella? Shit, tama nga ako na buhay pa si Kristine, at si kiella. Bakit? Anong ginawa sa kanila?

Ipinasok sila sa loob ng cube at naglagay ng kung ano anong klase ng apparatus sa katawan nila. Hindi lamang dalawa ang naroroon. Kundi lima. Ang dalawa ay may laman na ito subalit ang isa sa gitna ay wala pa.

Bigla na lamang tumulo ang luha ko, bakit? Dahil sa nakita kong paghihirap na ginawa sa kaibigan at sa kapatid ko.

Gustuhin ko man silang tulungan pero paano? Kung nasa loob ano ng pesteng kulungan na ito.

Nang biglang bumukas ang pinto ng kulungan kung nasaan ako, at pumasok dito ang isang lalakeng...

"Dave?" 'Yan ang tangi kong nasabi ng maaninagan ko na ang kanyang mukha.
Paano niya ako nahanap? At paano siya nakapasok sa loob ng impyerno na ito.

"huusssshhh" nilagay niya ang kanyang hintuturo sa labi ko, dahil may narinig kaming ingay mula sa labas.

Tumango na lamang ako bilang tugon, sa totoo lang ay hindi kapanipaniwala na tulungan ako ng isang 'to.

THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now