CHAPTER 24 " Unknown Number "

670 33 7
                                    

KEIRA'S POV

Monday na ngayon, and syempre  may pasok kami. Nandito na rin ako sa Classroom at si Kristine ay  lumabas muna para mag c.r.

Wala pa rin naman ang professor namin, kaya ang boring, may ilan na rin akong kasama dito. Pero hindi ko pa nahahagilap  si Lorraine.

Kailangan ko siyang makausap. At nagtataka na rin ako kung bakit hindi na siya pumasok pa mula nung nangyaring insidente.

Pero sabi naman ng ilan sa mga kaklase ko ay nandito lang si Lorraine, kung nandito nga siya bakit hindi siya nagpapapakita  sa akin? parang isang ilap na ibon,ganon..

Hayyssstt.

.............

Nandito na rin ang prof namin. Pero wala pa si Kristine, saan kaya pumunta ang babaitang 'yon? Matanong nga mamaya.

Nagpapaliwanag  ang prof namin tungkol sa paaralang ito. Pero hindi ako nakinig dahil inaantok nanaman ako.

Madaling araw na kasi akong natulog dahil sa pesteng tattoo na hindi ko mahanap hanap. At ganon rin ang sabi sa akin ng private investigator namin.

At may inasikaso rin akong ibang bagay na makakatulong sa pahahanap sa mga magulang ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa sila or should l say namin nahanap

Ring...ring...ring...

Break time na pala, Hindi ko man lang namalayan ang oras dahil lumilipad nanaman itong isip ko.

Hayysss,

Panay buntong hininga na lang ang ginagawa ko.

Naglalakad ako ngayon papunta sa cafeteria, at luminga linga rin na baka makita ko si Kristine o kahit si Lorraine man lang pero nabigo ako.

Kaya tinuloy ko na lang ang paglalakad ko hanggang sa dumating ako sa cafeteria.

Pagkarating ko ay umorder na agad ako, at kumain na rin. Habang kumakain ako ay biglang nag ring ang cellphone ko.

Unknown number calling...

Sino naman kaya itong tumatawag? dahil sa pagkakaalam ko ay hindi ako nagbibigay ng number ko sa kahit sino, pwera na lang kung importante.

Baka si Kristine ito o 'di kaya si Lorraine kaya sinagot ko na 'yung tawag.

"Nasaan kana?"ako.

Pero parang may mali eh, hindi kaya isa to sa mga tauhan ng kalaban, o 'di kaya siya rin 'yung tumawag sa akin nung nangyaring karumal dumal sa bahay.

"Magkikita tayo mamaya, kung gusto mong makita pa ng buhay ang mga magulang mo. Pero kung ayaw mo, isa ka sa mga walang kwentang anak."siya.

At pagkatapos niya itong sabihin ay binaba na niya ang tawag.

Anong gusto niyang ipahiwatig, mga magulang ko? ibig sabihin hawak nila ang buhay ng magulang ko, at sa oras na mahuli ako, papatay nila ang mga ito.

Beep...

1 message received.

Kaya binuksan ko ito.

"Magkita tayo dito sa #2patawad street, puno ng misteryong barangay, kamatayan city.

Sa may tapat ng black and white warehouse."

What the? anong klaseng street to? pinagloloko ba nila ako.

Kaya para masigurado ko ay nagsearch agad ako sa Google.

At tama nga naman sila, medyo malayo nga lang, sa tingin ko 2km ang layo.

Bahala na si batman,
Ang mahalaga ay tutulungan ko ang mga magulang ko. At sana naman ay mabawi ko na sila.

Hindi na rin muna ako papasok sa ibang subjects ko dahil mas kailangan kong unahin ang mga magulang ko.

...............

KRISTINE'S POV

Nagpaalam ako kay Keira na mag c.r na muna ako pero ang totoo niyan ay may pupuntahan akong iba.

Gusto kong bumawi sa kanila, at sa mga pagkukulang ko. Hindi ko rin mapatawad ang sarili ko sa oras na may mangyaring hindi maganda sa Ama ko, at Ina ni Keira.

Sa totoo lang ay hindi ako ang nanghuli sa kanila kundi si lady C.

Inutusan niya lamang akong bantayan sila, dahil may tiwala siya sa akin.

Pero hindi ako dapat maging sunod sunuran  niya. Dahil hindi naman niya hawak ang oras at buhay ko.

Kailangan ko ring magdesisyon kahit minsan man lang.

Kaya nandito ako ngayon sa tapat ng selda ng dalawang  taong itatakas ko.

Oo tama kayo, itatakas ko sila, at ako rin ang tumawag kanina kay keira.

Ginamit ko lang ang voice changer para hindi niya ako makikilala.

Sa tingin ko nga ay nagtataka na rin siya sa mga kinikilos ko, pero sana maunawaan niya pagdating ng araw, sana.

"Pakawalan mo na kami, parang awa mo na ."pagmamakaawa ng lna ni Keira.

Pero hindi ako nagpakita ng kahit anong ekspresyon. Wala rin akong sinabi na kahit ano.

Inilabas ko sila sa seldang tinutuluyan nila at naglakad kami palabas.

"Saan mo  kami dadalhin?" Tanong sa akin ng aking ama.

Hindi ko na lamang  siya pinansin at tuloy tuloy parin ang lakad namin, mahirap na baka mahuli kami.

Inaksyunan ko silang huwag magingay dahil may narinig akong paparating.

Ilang oras rin ang lumipas bago kami nakalabas, malaki kasi itong lumang mansyon, kaya gano'n na lang kami katagal.

Nakalabas kami ng ligtas at walang nakakaalam, nagtataka pa nga ang mga magulang ni keira, pero alam kong sabik na nilang makita ang anak nila.

Pagkarating namin sa lugar na pinagusapan ni Keira ay hinintay namin ito.

Medyo matagal na kami pero wala pang Keira ang dumating.

Saan na kaya 'yon? at nabasa niya kaya ang text ko?

Keira saan kana?

......

Yan na po muna

Happy reading.

......

COMMENT
AND
VOTE

THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now