CHAPTER 30 " Fight "

638 17 1
                                    


NATHAN'S POV

Nandito kami ngayon sa entrada ng laboratoryo, kasama ko si Lorraine at ang kaibigan niya. Nagulat nga ako nung malaman ko na magkakilala sina Lorraine at ang nerd na tinutukoy ni Mark. At ang nerd na nakaingkwentro namin sa canteen.

Tahimik lamang kami na nagmamasid sa paligid. At pasimple ko namang sinulyapan ang kaibigan ni Lorraine. Nakasuot ito ng mask na binigay ko kanina at parang wala lang sa kanya ang kakaibang temperatura.

At ramdam ko rin ang lamig  nitong presensya. " Who are you? " Napatanong na lamang ako sa aking sarili.

"May nakapasok!" Rinig naming sigaw mula sa loob.

"Shit" mura ko

Dali dali kong kinuha ang tatlong Jacket na itim sa bag pack ko,  at binigay sa kanila.

At lumabas agad  kami, dahil baka maabutan pa kami ng mga iyon.

Tumakbo kami palabas at pasimpleng tinignan ang paligid. At akala namin ay ligtas na kami pero hindi naman pala. Paglabas namin ay tumambad sa amin ang mga kalalakihang armado, nakaitim ang mga ito. At tinutukan kami ng baril.

"Nagulat ba namin kayo mga bata? " tanong ng namumuno sa kanila.

Buti na lang at may suot kaming jacket na itim at mask. Dahil kung wala ay paniguradong
Makikilala nila kung sino kami.

Sina Dave at Mark ay Nasa head quarter namin at patuloy na iniimbistiga ang tungkol sa kambal at sa kemikal. Ako naman ay nakapagdesisyon na obserbahan ang part na ito.

"Hindi naman sa nagulat niyo kami, kundi nakapagtataka." Rinig kong sagot ni Keira at ngumisi pa ito.

Ang lamig ng boses nito, kinilabutan at parang binuhusan ng yelo ang buo kong katawan. Para din namang natinag ang mga kalakihan at nagkatinginan ang mga ito.

"Hulihin niyo sila." Utos ng namumuno

3rd PERSON'S POV

"Hulihin niyo sila!" Utos ng namumuno.

Kaya naman ay hinanda agad nina keira ang kanilang mga sarili. Pumwesto ito sa unahan at pumikit. Si Lorraine naman at naging alerto dahil ramdam niya na hindi lang ito ang kanilang kalaban ngunit marami pang iba. Si Nathan naman ay nagfocus dahil parang nataranta na ito.

Sumugod ang mga kalalakihan sa kinaroroonan ni Keira. Ngunit, hindi pa naman ito nakalapit ay napatumba na niya ito.

"Huwag niyong distorbohin ang taong busy." Sabi ni Keira sa kanyang isipan.

Bang... Bang... Bang..

Binaril ng isa sa mga tauhan ng kalaban si Keira. Ngunit, sa kasamaang palad ay naiwasan niya lamang ito. Tumambling patalikod si Keira at hinugod ang baril sa bewang ng kalaban at ginamit niya ito sa taong bumril sa kanya.

Bang...

Isang tira lang at sapul ito sa dibdib ng lalaki, dahilan ng pagkamatay nito. At nag left kick naman ito ng may naramdaman siyang tao sa kanyang gilid.

"Ugh" daing nito.

"Nasaktan ba kita." Pangaasar ni Keira sa lider ng kalaban habang ito ay namimilipit sa sakit na nakuha mula kay keira. Sinuntok siya ni Keira sa sikmura at sa private part nito.

Sa kabilang banda naman ay napangisi na lamang si Lorraine sa nakita niyang galing at husay na taglay ni keira.

"Ugh" daing niya, dahil hindi namalayan ni Lorraine na may sumusugod na pala sa kanya mula sa likod. At sinuntok pa nito ang kanyang sikmura. Kaya napaluhod ito.

THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now