CHAPTER 33 " Trapped "

576 17 1
                                    


DAVE'S POV

Nandito kami ngayon sa head quarter, busy scanning and searching some stuff tungkol sa paaralan na ito. At si Mark naman ay abala sa pagsesearch ang tungkol sa chemical na ginamit nung nangyaring insidente. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin kaming ganoong katibay na impormasyon tungkol dito.

At si Nathan naman ay nagpaalam sa amin. Upang alamin kung sino ang nasa likod ng laboratory sa likod ng paaralan. Dahil isa itong misteryong na sa tingin ko'y malapit nang mabunyag.

"Dude, tignan mo 'to." Sabi ni Mark na titig na titig sa monitor ng Computer. Kaya naman ay nilapitan ko siya upang tignan kung ano ito. At laking gulat ko sa nakita kong dalawang larawan ng  babae?

Who are they? Binasa ko kung ano ang impormasyong nakasulat dito na mas lalong ipinagtaka ko.

"A cursed blood of a twin merge with the blood of so-called  previous extraordinary woman. And it was experimented by master J."

'Yan ang nabasa ko. The heck, what do they mean? Extraordinary? And who is master J? Tinignan ko naman si Mark na tila ay   hindi niya rin nakuha ang ibig nitong ipabatid.

" I think, this is just a clue." Sabi ni Mark at napabuntong hininga na lamang ako. Kung tutuusin nga ay hindi namin dapat to gawin. Pero hindi iyon pwede. Bakit? Dahil isa kami sa namumuno sa paaralang ito.

Bumalik na lamang ako sa aking ginagawa at binasa ang kung ano mang impormasyon ang mayroon sa profile ni Keira. Paano ko siya nakilala? It was when Mark told us about what he got about them.

Binasa ko sana ang family background niya, pero walang nakalagay ni isang impormasyon. I try to hack her account pero ang hirap. Parang may kumokontrol din dito.

At bigla ko na lang naalala yung babae sa cafeteria, at ang papel na napulot ko. Hindi kaya siya ang may gawa no'n? Pero impossible dahil walang sino man ang naglakas loob na lapitan ako o dumaan sa tabi ko.

Napailing na lamang ako dahil sa dami ng iniisip ko. Bakit ba kasi ang hirap? Bahala na nga, tinuloy ko na sana ang pagiiscrol nang biglang nagbago ang ihip ng hangin at biglang bumigat ang temperatura. The usual temperature I felt since then.

Pero isinawalang bahala ko na lamang ito. At nagfocus muli sa ginagawa ko, ganoon din si Mark.

Beep.

One message received from the highest.

"Classes will be cancelled on the last day of the month. July 30 20** , it will be canceled due to the unfixed incident."

'Yan ang message na natanggap ko. Unfixed incident? E magiisang buwan na rin ang nakaraan. Tsk.

"Dude, here read this." Sabi ko kay Mark habang inaabot ko sa kanya ang cellphone ko.

"Ano ang ibig sabihin nila? Unfixed incident? 'Di ba naayos na nga iyon." Tanong ni Mark na ikinalingon ko.

"Hindi ko alam, pero pakiramdam ko may dapat tayong malaman." Sabi ko kay Mark. Dahil 'yon ang totoo.

Nang biglang umingay sa labas. Kaya naman ay nagkatinginan kami ni Mark.

"Bakit ang ingay sa labas? Tignan natin? " paanyayang tanong sa akin ni Mark. Tumango na lamang ako bilang tugon at tumayo na. Ganon din ang ginawa ni Mark

Pagkalabas namin ay kinilabutan ako sa lamig ng hangin, pakiramdam ko ay may nangyayaring hindi maganda. At ang kaninang ingay na narinig namin mula sa loob ay wala naman pala, siguro napapraning lamang kami.

Pero hindi e, dahil may iba akong nararamdaman na hindi ko rin mawari kung ano iyon.

"May napansin kaba sa mga estudyante?" Tanong sa akin ni Mark, which make feel uneasy.

THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now