CHAPTER 29 "Finding what's inside the laboratory"

629 18 1
                                    


"Know that you don't know " by Socrates

KEIRA'S POV

Dinala ako ni Lorraine dito sa likod ng  office of the council. Nakapagtataka nga e, dahil humingi lang naman ako ng tulong sa kanya ang tungkol sa mga taong may tattoo sa pulsuhan.

And this place was creepy and the atmosphere is different. 'Yung pakiramdam pag nasa gitna ka ng sementeryo.

May mga malalaking puno at mga bushes. Malungkot na kapaligiran at kakaibang ihip ng hangin.

At ang sabi  niya ay dito ko raw makikita ang mga taong hinahanap ko. But it is impossible, wala naman sigurong taong tanga ang manirahan dito. Ang creepy na nga ng lugar may kakaibang pakiramdam pa.

Kung ano ang presensyang meron dito ay siya namang nararamdaman ko minsan. Whenever I'm alone, and before the incident happened

Possible kayang may misteryong nakatago dito?

Pilit ko ring obserbahan ang paligid pero wala naman akong ibang nakikita kundi mga malalaki at matataas na puno lang.

"Pinagloloko mo ba ako? Wala naman akong nakikita dito e." Sabi ko naman kay Lorraine

Kahit anong gawin ko kasi ay wala akong nakikita. Ano ba kasing meron dito?

" Try to observe." Tugon niya pa.

Kaya ay ginawa ko ang sinabi niya. Kinilatis ko ang bawat sulok ng lugar na ito. Tinititigan ko rin ng maigi ang bawat madilim na parte at kung ano ano pa.

Hanggang sa nadapo ang aking paningin sa may bandang gilid ng pader. May mga baging at may bushes na pumapalibot dito. Pero halatang may daanan ng tao dito.

Maglakad na sana ako palapit doon ng may nagsalita malapit sa kinaroroonan ni Lorraine.

"What are you two doing here?" Sabi ng isang tinig. At tinig lalake?

Lumingon ako kung saan nanggaling ang tinig na iyon. At nagulat ako sa nakita ko. It was one of those Jerks l hate the most. Akala mo sino. Tsss

" Ikaw?" Pasigaw na tanong ko. Hanggang ngayon kasi ay naiinis parin ako sa kanila.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Lorrainne  at nakakunot noo pa ito.

"Yes/Oo." Sagot namin at sabay pa.

"You Jerk, what are you doing here?" Tanong ko sa kanya.

Siya na ba ang sinasabi ni Lorraine? Na makita ko dito? Pero wala naman akong napansin na may tattoo ito sa may pulsuhan.

"Ako ang dapat na magtanong niyan? Dahil sa pagkakaalam ko ay mas nauna akong pumunta dito kumpara saiyo." Sabi niya habang palinga linga sa paligid na wari'y may nararamdaman ito.

Ano ngang pangalan nito. Pilit ko namang alalahanin ang pangalan ng asungot na ito.

"Anyway, I'm Nathan, Lorraine's friend." Pagpakilala niya ng maayos. At lumingon pa ito kay Lorraine ng may ngiti sa labi.

Lorraine's friend?

Pagkasabi niya no'n ay tinignan ko naman si Lorraine. Nakakunot noo ito at parang 'di kapanipaniwala ang sinabi ni Nathan.

" Ah, yes. We're friends." Sabi naman ni Lorraine na parang nagaalinlangan.

At parang ang seryoso nitong si Nathan. Ibang iba siya sa una naming pagkikita. Na may pagkapilyo ang dating. But now it was different.

"So since, You already know each other. Then we better work for it together." Sabi ni Lorrainne at pasimple itong tinignan ang nakita ko kanina.
g
"What do you mean by ' we better work for it together'?" tanong ko kay Lorrainne.

THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant