CHAPTER 31 " Their reasons "

635 21 1
                                    


" Blood is thicker than a water." By anonymous

KIELLA'S POV

Alam kong kilala niyo na ako, pero hindi pa gaano. At alam ko rin na ang ilan sa inyo ay naiinis na sa akin kung mayroon man.

Kiella Alonso is my name, 17 years old and a second year student, taking up civil engineering. At ang tungkol sa pagkatao ko? Ay wala akong masyadong alam. Madalas ay parang lutang ako at wala sa sarili. 'Yung tipong hindi ko alam kung saan ako nanggaling.

Ang gulo ng buhay ko, at parang may nag mamanipulate sa pagkatao ko. 'Yon nga lang ay hindi ko masabi kung may ganoon ba.

"Hija, are you okay?" Napalingon ako nang may narinig akong kumausap sa akin.

" Ah, yes tita. I'm perfectly fine." Tugon ko.

Actually, siya ang presidente ng paaralang ito. Kaya kung napapansin niyo ay nakapasok parin ako sa paaralang ito kahit late na.

Pero may kondisyon, at 'yon ay ang bantayan si Keira. Hindi ko nga alam kung bakit e, at sabi niya pa ay kailangan kong magpanggap na mabait. Tss.

Hindi ako mabait, at hindi rin naman ako ganoon kasama. I just hate nerds and weaklings. At wala rin akong pake sa mga tao.

At ang alam ko lang ay may pinsan ako which is si Kristine. Pero hindi kami gano'n ka close. Dahil may misyon ding binigay sa kanya at 'yon ay ang gawing best friend si keira.

"Good. " sabi niya at umupo sa kanyang upuan.

Siya rin ang tumayong magulang ko at kasangga ko. At sabi niya sa akin ay patay na ang mga magulang ko due to a car accident.

" Ah, tita pasok na po ako." Pagpaalam ko.

Tumango lamang ito bilang tugon, at nagsmirk? Why? Pero hindi ko na lamang ito binigyan ng pansin.

........

Nasa school na ako ngayon at nakaupo sa bench. At lumingalinga sa paligid bigla bigla na lang kasi nagbabago ang klima sa loob ng campus.

" We need to talk." Rinig kong sabi ng isang tinig mula sa likuran ko.

Lumingon ako at don ko nakita ang nakakunot noo n Kristine. Ang magaling kong pinsan lang naman pala.

"Oh, hi." sabi ko na naiilang. Hindi kasi ako sanay.

Lumapit ito sa akin at hinatak ako patayo. At dinala sa likod ng isang building kung saan binabawalan ang mga estudyante na makalapit dito.

"Aray naman kung makapag hatak ka wagas, at pwede naman tayong magusap do'n ah." reklamo ko. Kayo kaya, ang higpit pa naman ng paghawak niya.

" We need to talk privately, at dito lang ang pwede." sabi niya gamit ang seryosong boses.

" Okay, at tungkol saan ang paguusapan natin?" Tanong ko, dahil bago sa akin ang mga ganitong galawan ni Kristine. Madalas kasi ay minumura at sinusumpa niya si keira.

" Bakit? May bago nanaman bang ipinagawa sa iyo sina tita." dugtong ko pa.

" Wala, l just realized something." Tugon nito habang tumitingin sa paligid na wari'y binabantayan niya kung may nakasunod ba sa amin.

"Talaga? And what is that."
medyo naexcite ako sa sinabi niya.

" About you." She said seriously.

kaya naman ay nagseryoso ako, at bigla na lamang bumigat ang tensyon sa pamamagitan naming dalawa. Pagdating kasi sa seryosong usapan ay nagseseryoso ako.

"Kilala ko kung sino ka talaga kiella. So please listen to me. And sana ay maniwala ka sa mga sasabihin ko." sabi niya saakin, kaya naman ay napakunot noo ako.

THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora