CHAPTER 46 " FINALE "

826 20 1
                                    


3rd PERSON'S POV

Sumabog ang laboratory at sinadya iyon ni Cassandra. Bakit? Dahil ayon sa kanya ay iyon ang tanging paraan upang patayin si Keira at ang mga kapatid nito.

Lingid sa kanyang kaalaman ay nakaligtas sina keira.

"Bilisan niyo, kailangan nating makalabas dito!" Sabi ni keira sa kanyang kapatid. Hawak din nito ang pader ng laboratory na gusto ng bumigay.

"Ate sa likod mo!" Sigaw ni Kim, nang may nakita siyang lalake na sumusugod kay Keira.

Nadaplisan sa tagiliran ni Keira ang boomerang hinagis ng lalake. Gayun pa man ay nagawa niya paring saluin ang mga kasunod nitong tira sa kanya.

Nakalabas na sina Kristine, Kiella, Kim, at si Ma'am Erine, isa siyang guro  at asawa ni Sir Jung at anak nila si Aubrey. 'Yon ang pagkilala nito sa magkakapatid.

Sa kasamaang palad ay hindi nakalabas agad si Keira. Dahil sa dami ng sumusugod sa kanya.

"Sino ka?" Tanong ni Keira sa lalakeng nakaitim.

"Kunalimutan mo na pala ako." Tugon nito kay Keira, na tila ay nangaasar. Pagkatapos ay lumingon ito sa kinaroroonan ni niya..

Nagulat at nagtaka si Keira sa kanyang nakita at tila ay di kapanipaniwala.

"Tito?" Gulat na bigkas ni Keira

"Ako nga, kumusta? Naenjoy kaba? " tanong niya pa. Kaya naman ay nainis si keira.

May hawak itong Chainsaw, at may kadenang nakasabit sa leeg nito.

"Tito anong ibig sabihin nito?" Keira

"Kung ano iyang niisip mo, ang patayin ka." Sinugod niya agad si Keira at walang pagalinlangan nitong iwinasiwas ang chainsaw na hawak niya.

Si Keira naman ay panay iwas ang ginawa niya. Hanggang sa nacorner siya nito.

"Alam mo bang, noon pa gusto na kitang patayin, dahil sa mangaagaw mong ama. Na dapat ay saakin lang ang iyong ina pero dahil sa magaling mong ama ay hindi iyon ang nangyari. Kaya nung nalaman ko,  na ganoon din ang nangyari kay Cassandra ay nakipagsundo ako sa kanya na patayin.
Kayong mga anak nila.!" Bulyaw nito kay Keira at nakatutok ang hawak nitong chainsaw sa mukha ni Keira.

Walang ibang nagawa si Keira kundi ang makinig sa mga hinanakit nito.

Inangat ni Sebastian ang hawak niyang chainsaw at pinaandar ang makina nito.

"Yaaah!" Sigaw ng babae at isinaksak niya sa tagiliran si Sebastian gamit ang matulis na bakal.

"Kristine?" Tawag pansin ni Keira ng mapagtanto niya kung sino ito.

Ngunit, hindi siya lumingon at pinansin si keira. Kundi ay pinatay niya ng tuluyan si Sebastian. Isinaksak niya ng paulit ulit a g katawan nito. Kinuha niya ang chainsaw at ginamit niya ito. Hinati hati ni Kristine ang katawan  ni Sebastian. Pakatapos ay bigla na lamang nawala ang katawan nito.

"'Yan, ganyan  nga kalabanin niyo ang clone ko, hanggang sa mapagod kayo." Sabi niya.

"Bakit buhay parin ang babaitang iyan" sa isip isip niya.

Si Kristine ay parang wala sa sarili at pinanggigilan nito ang clone ni Sebastian.

"Hayop ka! Kasalanan niyo kung bakit nagkagulo ang lahat." Sabi ni Kristine

"Kristine, tama na. Kailangan  na nating lumabas, dahil guguho na ang laboratory.

Pumapalibot sa kanila ang apoy at nahuhulog at sumasabog na rin  ang mga chemical sa loob.

THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now