CHAPTER 25 " She saved her parents "

692 31 5
                                    


3rd PERSON'S POV

Nagdalawang  isip si keira kung makikipagkigkita ba siya do'n sa nagtext sa kanya. Dahil iniisip niya na baka niloloko lamang siya nito.

Pero sa huli ay nakapag desisyon din ito. Iniisip niya kasi ang kapakanan ng mga magulang niya.

Idagdag mo pa ang sinabi sa kanya ng caller " kung ayaw mo, isa ka sa mga walang kwentang anak."

Hindi na rin siya pumasok pa sa mga susunod na subject. At mas inuna niya ang mga magulang niya.

Habang nasa byahe siya ay  hindi niya napansin na sinusundan na pala siya ng dalawang itim na sasakyan.

Ngunit, siya ay palinga linga sa paligid at tinatanda ang kung anu ano ang dinadaanan niya.

Nang biglang may nahagilap ang kanyang mata. 'Yon na ang dalawang sasakyang itim.

Sa una ay isinawalang bahala niya lamang ito, dahil sa isip isip niya e baka iisa lamang ang kanilang destinasyon. Ngunit, hindi nagtagal ay parang kinukutuban na ni Keira ang kung sino man ang sumusunod sa kanya.

Medyo malayo layo na rin kasi siya mula sa city.

Dahil sa tingin niya e, medyo probinsyang lugar pala ang pinupuntahan niya.

Liblib ang lugar na dinaanan niya, maraming mga matataas na puno. In short, creepy ang lugar. Pero hindi niya na lang 'to binigyan ng pansin.

Sinubukang  lumiko ang sasakyan ni Keira, at ginaya ito ng dalawa pang sasakyan, binagalan, pinabilis ang ginawa ni Keira at 'yon at 'yon talaga ang ginagawa ng mga ito.

Kaya napakunot noo na lamang siya.

"Sisundan ba ako ng mga ito?"
Tanong niya sa sarili niya. Nang biglang may humarang na sasakyan.

Hininto niya rin ang kaniyang sasakyan at tinignan kung sino ito. At tama nga ang hinala niya na sinusundan siya ng dalawang sasakyan at kasabwat nila ang isa pa.

"Sasabak pa yata ako sa laban nito eh, bakit ba ang daming umeepal sa buhay ko.tsss" sinabi niya na lamang sa kanyang sarili.

Bumaba ang apat na lalake sa sasakyang hinarangan sa sasakyan ni Keira. Subalit, tahimik lamang si Keira sa loob ng kanyang sasakyan at  hinahanda na lamang niya ang kanyang sarili sa susunod na mangyayari.

Armado ang mga lalake at malalaki ang katawan nito. Hindi niya rin makilala ang mga ito dulot ng maskarang nakatakip sa mukha nito.

Maya-maya pa ay bumaba na rin ang mga taong nakasakay sa dalawa pang sasakyan. At pinalibutan nila ang sasakyan ni keira.

Sa bilang ni Keira ay nasa 13  ang dami nito, at iisang baril at dalawang kutsilyo lamang ang dala niya. At higit sa lahat ay nacorner siya ng mga ito.

Tinutukang ng baril ang lalake si keira sa labas ng bintana at may sinabi ito. Ngunit wala ni isang salita ang kanyang naintindihan.

Pasimpleng hawak din ni keira ang manubela ng kanyang sasakyan at inikot niya ito ng biglaan.

Kaya ang kalabasan  ay nagsitalsikan palayo ang mga kalaban at naka injured ang mga ito dahil sa lakas ng impact na kanilang natamo.

Napasmirk naman si keira dahil gumana ang plano niya.

Tinulak niya ng malakas ang pinto ng kanyang sasakyan at natamaan ito sa ulo ng mga kalaban.

Binunot  na rin niya ang kanyang baril at binaril niya agad ito sa noo ng kalaban. At namatay ito.

Hindi isang  simpleng baril ang baril ni Keira dahil may lason ang bawat bala nito. Kaya kung sino man ang matatamaan ay mamatay ito ora mismo.

Bang... Bang...Bang...

THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon