CHAPTER 39 " One vs Ten "

595 20 0
                                    


DAVE'S POV

Kasama ko ngayon si Keira sa isang silid at nagpahinga ng saglit. Ito ang pang sampu na pinuntahan namin, ngunit wala kaming nahanap na kahit isang estudyante.

Para sa mga medical courses ang building na ito, kaya may nakikita akong mga gamit na ginagamit nila sa activities. Mga  gunting, glops, at iba pa na nakakalat sa lapag.

Tinignan ko naman si Keira. Tahimik lamang ito at nakasandal ang likod  niya sa  pader. Nakapikit at nakakuyom ang kamao nito.

Nang biglang nagpatay sindi ang ilaw, gabi na rin na sa tingin ko ay alas sais na ng gabi at umaambon pa sa labas.

"Keira, tara labas na tayo dito" paanyaya ko sa kanya. Pero tila ay wala itong narinig kaya naman ay kinalabit ko ito ng ilang beses. Iminulat niya ng kanyang mata at lumapit sa akin na ikinagtaka ko.

" Delikado sa labas, may apat na tao ang nakabantay sa may pintuan at huwag ka munang gumalaw dahil may detector silang hawak." Bulong niya

Paano niya nalaman? At paano niyang nasabi kung ilan at kung ano ang hawak nito.?

"Ready your self, tatalon tayo sa bintana dahil 'yon lang ang ligtas na lugar na pwede nating daanan."  Sabi nito, na mas ikinagulat ko. Nasa ikalimang palapag kami. Buti sana kung nasa ikatlo o ikalawa lang.

"Nababaliw ka na ba? Nasa ikalimang palapag tayo, at higit sa lahat hindi ka pa ganoon kagaling." Paalala ko sa kanya.

"Trust me Dave, hindi mo pa ako ganoon  ka kilala, we need to get out of this room in ten seconds dahil na trace na nila tayo." Sabi niya, pagkatapos  ay hinatak niya ako at tumakbo kami papunta sa bintana.

Sinuntok niya ito tsaka niya ako tinulak pababa. Kaya wala na rin ako magawa. At buti na lang ay sa  bermuda grass ako bumagsak kaya hindi ganoon kasakit at kalakas ng impact ang natamo ko.

Ngunit ang buong akala ko ay sumunod siya, pero nabigo ako dahil walang Keira ang tumalon. Tatakbo na sana ako ng makita ko sina Lorraine at Nathan na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko.

"Where is Keira?" Agad na tanong sa akin ni Lorraine habang lumilinga linga ito sa paligid.

"Nasa taas" tugon ko sa kanya at tinuro kung saan ako nanggaling.

" I'm serious, Dave. Where is Keira?" Tanong muli nito

" Nasa taas nga, tinulak niya ako pababa dahil natrace na raw sa amin ang mga kalalakihang nasa labas ng room kung nasaan kami." Paliwanag ko na ikinakunot noo nila.

" Kailangan natin siyang sundan, nasa panganib siya. And may nahanap kaming limang estudyante at dinala na namin ito sa head quarter." Paliwanag ni Lorraine habang tumatakbo kami.

Bakit ba kasi ang laki ng paaralan  na ito? Where are you Keira? Ang tanga mo Dave. Tss

Paakyat na kami ngayon ng building, at tahimik din naming tinatahak ang lugar. Nang may narinig kaming lagapak sa ikalimang palapag kung saan kami nanggaling.

Kaya mas binilisan namin ang kilos hanggang sa nakaakyat na kami ng tuluyan. At isang Keira na may hawak na patalim ang naabutan namin at gigil na gigil itong patayin ang mga kalaban.

May mga nakahandusay na at naliligo sa sarili nilang dugo, at may tatlo pang kaharap si Keira.

"Huwag kayong lumapit!!!" Sigaw nito na ikinagtaka namin. Aino ang sinasabihan niya? Kami? O ang kalaban niya.

"Sumunod na lang tayo." Sabi ni Lorraine. Ang lamig ng boses ni Keira, at masasabi ko ring puno ito ng galit.

Bang... Bang... Bang..

THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now