CHAPTER 15 " Changes "

823 50 26
                                    

KRISTINE'S POV

Dalawang linggo na ang lumipas mula nung nangyaring insidente sa school. At isang linggo na rin ang lumipas mula nung nangyaring karumal dumal sa bahay nina Keira.

At mula nung araw na iyon hanggang ngayon  ay hindi parin namin natawagan ang mga magulang niya.

Kaya kumuha kami ng private invistigator upang alamin ang kalagayan ng mga magulang niya, at  ang tungkol sa nangyari.

Dahil isa parin itong malaking katanungan na gumugulo sa aming isipan.

...........

Ang dating masungit kong bestfriend ay nagbago na.

Tahimik at hindi na ito kumukibo. Walang bakas na ekspresyon ang kanyang mukha, maging ang kanyang pananalita.

Malaki rin ang pinagbago niya. Dulot na rin siguro sa tinding frustration na kanyang nararamdaman, gayon pa man ay iniintindi ko pa rin siya.

At ngayong araw na ito ay magsisimula na muli ang klase, naayos na rin nila ang mga nasirang facilities at bumalik na muli sa normal ang lahat.

Pero para sa akin ay hindi pa tapos, at hindi parin normal ang lahat, dahil simula pa lang iyon at maaring may susunod pa.

Hindi kami dapat makuntento, ang kailangan ay alerto sa kahit anong oras.

.............

Naglalakad kami ngayon papunta sa locker namin upang kunin ang mga books na gagamitin.

Actually, kasama ko si Keira ngayon, 'yun nga lang ay tahimik lang siya at di umiimik.

Pagbukas ko ng locker ay kinuha ko na ang dapat kong kunin. Paglingon ko kay Keira ay nakatitig lamang ito sa isang pirasong papel na hawak niya. Ngunit bigla niya lang itong pinunit, at galit ang makikita mo sa mata niya.

"Keira, tara na baka malate na tayo."yaya ko sa kanya.

Tinignan niya lamang ako, at naglakad na.

Grabe nakakapagtampo...

............

Pagkapasok namin sa loob ng silid ay tumahimik agad ang mga kaklase namin.

Oo magkaklase kami ni keira, nagulat nga ako nung nalaman ko pero mas okay  na rin iyon, para mabantayan ko siya ng maayos.

Saludo kay keira ang mga kaklase namin dahil sa ginawa nito upang iligtas sila.

*ldol ko talaga si Keira, at utang natin sa kanya ang buhay natin.*

*Tama, kaya dapat respetuhin natin siya.*

*Pasikat lang :yan akala mo kung sinong magaling.*

*Oo nga, 'di nababagay sa kanya para respetuhin.*

'Yan ang ilan sa mga bulong bulungan ng mga kaklase namin.

Kung may positive, syempre may negative. Mga tao nga naman, so insecure. Maya-maya pa ay dumating na rin ang guro namin.

"Good morning class. But before we start, let's welcome first your new classmate, Hija come in." Ma'am.

*May bago nanaman? 'di ba sila natatakot dito*bulong ng kaklase ko.

Siguro nga walang nakakaalam ang tungkol sa nangyaring insidente.

Hayys..

...........
Ano kaya ang nakasulat sa papel?

At

Sino kaya ang bagong estudyante?

.............

Abangan....

'Yan na po muna.

Happy reading.

COMMENT
   AND
VOTE

THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Onde histórias criam vida. Descubra agora