CHAPTER 10 "With her"

1K 54 30
                                    

NATHAN'S POV

May napansin akong babae na naglakad papunta sa may likod ng building na naglaho. Na tila ay may hinahanap ito at may hawak na cellphone? Siguro signal ang hanap niya.

Malapit na siya sa may pinagbabawalan na area. Kaya pinuntahan ko ito upang pigilan. Medyo nahuli na rin ako dahil nakapasok na siya sa loob.

Sinundan ko na lamang ito sa loob.

"Teka lang ah, may pupuntahan lang ako." Pagpapaalam ko sa kanila.

Tumango lamang si Dave bilang sagot.

Pagkapasok ko sa loob ay may naramdaman akong kakaibang presensya na nagmamasid sa amin.

At buti na lang ay hindi pa ito masyadong nakalayo. Kaya naman ay nilapitan ko siya.

"Miss what are you doing here?" Tanong ko.

"Ay palakang kalbo."  sabi nito dahil sa gulat

Lumingon naman ito at napatunganga. Gwapo ko talaga.

"Anong tinutunganga mo diyan?" Tanong ko habang nakanganga ito.

"I said what are you doing here"pag uulit ko pa.

Ngunit ay hindi niya ako pinansin at tinuloy niya pa sana ang paglalakad.

"STOP" sabi ko na may halong pagbabanta.

"Ano ba? kita mong may hinahanap 'yung tao" bulyaw niya.

"And one thing is, hindi kita kilala"
she said irritatingly.

"Oo, at hindi rin kita kilala, bulag kaba? bingi? O sadyang manhid ka lang?"sabi ko naman dahil na rin siguro sa inis.

Wala pa kasing naglakas loob na sagutin ako, kami. Kundi siya pa lang at yung nerd na astig.

"Anong sinasabi mo?" Tanong nito at napakunot noo.

"Don't you see that everyone here are worried, of what happened a while ago?" Tanong ko

"A while ago? "paguulit nito

"Or maybe you're just a newbie here, kaya wala kang pake alam sa nangyayari." Dugtong ko pa.

(Paaakkk)...Isang malakas na sampal.

Sinampal lang naman ako ng babaeng ito. The fuck, hindi niya ba ako kilala?

"Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan, you don't even know me right? Nandito ako dahil nag alala ako sa bestfriend ko, hindi kita pinansin o kinausap man lang dahil hindi kita kilala, at higit sa lahat kinakabahan na ako mula sa pagpasok ko hanggang sa ngayon. kaya pwede ba, umalis kana alis..."sabi niya at tila naiinis ito .

"I'm sorry at umalis kana diyan." Sabi ko at umalis na.

Mga babae nga naman tss.

Pagbalik ko ay naabutan ko na lang ang mga estudyanteng umiiyak at  nawalan ng malay. At ang pinaka nakuha ng atensyon ko ay ang pagtakbo ni Dave papunta sa babaeng hirap na sa paghinga. At ganon din ang babaeng sinampal ako.

Pagkatapos ay iniwan na niya kami upang tulungan ang mga biktima.

DAVE'S POV

Nasa clinic ako ngayon at binabantayan ang babaeng ito. Hindi ko nga alam kung bakit ko ito ginagawa.
Nandito ako nakaupo sa tabi ng kama niya at tinititigan ang kanyang mukha.

Maganda ang hugis ng mukha nito, may mahabang pilik mata, matangos na ilong at mapupulang mga..

Shit, why l keep on staring her and describing? E' kung sarili ko nga ay ayaw kong idescribe. Pero sa totoo kang ay hindi ko pa alam ang pangalan nito.

THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now