CHAPTER 34 " Ang paghuli "

569 20 2
                                    

KEIRA'S POV

" CONGRATULATIONS SA MGA NAIWAN SA LOOB." rinig naming tinig ng babae na nagsalita sa microphone.

Ano ang ibig niyang sabihin na naiwan sa loob?

"We're trapped, lahat ng exits ng campus na ito ay sarado. At hindi naming matukoy kung bakit at higit sa lahat ay wala kaming nakikita na exits." Sabi ng isang guard? The heck, may nangyari nanaman ba?

"Ano ang ibig niyong sabihin? Tsaka, nandito naman kanina ang mga estudyante." Sabi ni Nathan na naguguluhan.

"Tama kayo, pero bigla na lamang sila nawala pagkatapos mangyari ang kaguluhan na iyon." Guard. Kaya naman ay lalo kaming nagtaka.

Nagkatinginan naman kami, at tumango. Paano nangyari 'yon? Kanina lang na parang nawala sa sarili ang mga mag aaral, tapos ngayon ito na. At naiwan sa loob? Ibig sabihin ay hindi lang kami ang naririto.

"Let's check out all the rooms, dahil baka hindi lamang tayo ang nandito." Suggest ni Dave

Kaya naman ay agad kaming tumakbo pabalik sa room namin. Kasama ko si Lorraine at ang tatlong unggoy.

Lumagapak ang pinto sa lakas ng pagbukas ni Dave, at walang sino man ang nasa loob. Where are  they? Parang kanina lang.

" Bakit wala sila rito?" Nathan

"Guise look! " sigaw ni Lorraine mula sa kabilang gilid.

Pinuntahan namin siya at doon namin nakita ang aming guro sa Ingles. Nakakasuka itong tignan, ngunit ay mas dinaig ang awa ko. Binaboy ang kanyang katawan, punit ang kanyang damit at may isinaksak sa parte nito. Isang bakal? At ang bugbog sarado nitong katawan. At ang daming hiwa na halos ay maputol na ang mga daliri at paa nito.

"Shit, we need to get out of here. We're not save anymore." Mark na palinga linga sa paligid.

At heto nanaman ang bigat ng temperatura at ang kakaibang init at lamig. Kinilabutan ako sa biglang pagihip ng hangin at kasabay nito ang biglang paglipat ng isang bagay patungo sa direksyon ko. Buti na lang ay mabilis ang reflexes ko kung hindi ay paniguradong tumama na iyon sa akin.

"Kutsilyo?" Dave

Isang kutsilyo ang binato sa akin? sino? Luminga linga ako upang hanapin ang may gawa nito pero nabigo ako dahil wala akong nakita ni isa.

"Tara na labas na tayo." Dave at hinila ang kamay ko palabas ng room.

Si kiella, nasaan na siya? Shit, I need to find her. Hindi pwedeng wala akong magawa ngayong alam ko, na kapatid ko siya. Hinablot ko ang kamay ko mula sa pagkahawak ni Dave.

"I need to find her. I need to find Kiella as soon as possible, dahil alam kong nandito rin siya sa loob." Sabi ko sa kanila

Nagtaka naman sila sa sinabi ko, well I'm empress K, the number one in the gangster world kaya malamang ganito na lamang kalakas ang reflexes ko.

"Not now, Keira. Dahil delicado, lalo na't naipit tayo sa ganitong sitwasyon. We better go now to the head quarter, para magplano." Suggest ni Dave.

"Tama siya Keira. And you need to know some important pieces of your life." Dagdag naman ni Lorraine

At si Kristine, patay na ba talaga siya? Nasaan na ang bangkay niya? Alam na kaya ng mga magulang niya ang nangyari. Bigla ko na lamang naalala ang paraan ng pagpatay niya na parang edited ang picture. Shit, Kailangan kong alamin iyon.

"Let's go." Paanyaya ko sa kanila kaya naman ay lakad takbo ang ginawa namin. Ang tahimik ng paligid pero dama ko ang sama ng titig mula sa malayuan. Nang biglang may humatak sa akin at tinakpan ang aking bibig.

THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon