CHAPTER 43 " HIDE AND SEEK"

574 14 2
                                    


CASSANDRA'S POV

Wanna join my game? Just pm me. Siguro naman ay kilala niyo na ako, dahil kung hindi pa ay ipapahuli ko kayo sa aking mga laruan.

HAHAHAHAHA

Ako si CASSANDRA, ang maghahatid sa inyo sa impyerno at sunugin ang kaluluwa niyo.

Paniguradong maging masaya kayo, sa oras na itapon ko sayo sa alaga kong apoy.

Humanda kana, dahil paparating na, paparating na ang KAMATAYAN, HAHAHAHAHA.

At gusto ko ay pagmasdan niyo ako kung paano ako maglaro, LARONG PATAYAN. At kayo mga nagbabasa, kayo ang maging tagapanood ko, kaya dapat ihanda niyo na rin ang sarili niyo HAHAHAHAHAHA

.......

Hawak ko na ngayon ang pinakamamahal niyong si Keira at ang mga pakialamero't pakialamera. Ngayon, tignan natin kung may magagawa pa kayo.

"DALHIN NIYO SILANG LAHAT SA PLAZA!!!" utos ko.

"NASAAN NA ANG CHEMICAL NA GAWA MULA SA DUGO NI KEIRA!!!"

"Ito po, " sabay abot sa akin ng aking laruan.

Ngayong mas malakas na ako kumpara sayo Keira, kaya ay wala ka ng laban. At mapasaakin na ang lahat ng kayaman niyo, at lahat ng lakas niyo.

"HAHAHAHAHAHAHA"

...................

3rd PERSON'S POV

Nagdiwang na si Cassandra, dahil para sa kanya ay nakuha niya na ang lahat ng gusto niya.

Pero ang hindi niya alam ay hindi pa pala, dahil mas lalo niya lamang ginising ang lakas na nasa loob ng katawan ni Keira.

Winasak ni Keira ang Cube glass dahil sa tindi ng galit nito. At ganoon rin ang ginawa niya sa cube glass kung saan naroroon ang kapatid at kaibigan niya.

Hiniwa pa nito ang kanyang pulsuhan at ipinainom niya ang kanyang dugo sa apat na walang malay na babae.

Maya maya pa ay naimulat na nila ang kanilang mga mata, kaya naman ay napangiti ng tipid si Keira.

Sa Kabilang banda naman ay pinapahirapan nila ang mga estudyante gamit ang iba't ibang klase ng sandata.

"Tama na po, parang awa niyo na" pagsusumao ng isang estudyante dahil sa sakit at hirap.

.............

DAVE'S POV

Nasa plaza na kami ngayon at kitang kita ko ngayon ang kalat ng mga bangkay ng mga estudyante maging sa mga guro.

Ang walang awa nilang pagpaslang, kalat ang lamang loob at masangsang na amoy ang tangi kong nalalanghap.

Marami kami ang narito sa labas ngayon, at ang lakas lakas parin ng ulan. Makulimlim na kalangitan at tila galit ang buong sanlibutan.

Nasaan na ang nangunguna sa bayan?
Ang mga pulis? Nasaan na ang aming kalayaan sa isang demonyong punangungunahan.

Katapusan na kaya ito ng karamihan?

Paano na ang mga pangarap na aming minimithi? Ang kapatawaran mula sa mga taong may sala, sa mga taong nagkulang ako.

Ano na ang aming gagawin?

Ang aking kababata? Si keira? Nasaan na siya? Ang babaeng lihim kong iniibig noon pa man.

Oo aaminin ko na may pagtingin ako kay Keira mula nung una naming pagkikita. Hanggang sa ngayon.

Pero paano ko ito sasabihin? Kung hanggang dito na lamang kami.

Napaiyak na lamang ako, siguro ito ang unang beses kong umiyak at nagsisi.

"KUMUSTA?" ang tinig na iyan, ang tinig na kinaiinisan ng lahat.

"BAKIT PARANG AYAW NIYONG MAGSALITA? NAPIPI NA BA KAYO." asar niya

"KUNG GANOON MAS MABUTI PA SIGURONG SIMULAN NA NATIN ANG LARO."

Sa pagkakataong ito ay inangat ko ang aking tingin,  pero kung minalas ka nga naman,ang taong kinasusuklaman ko ay ngumisi nung tinignan ko siya.

Marami sila, at may hawak na mga armas, hindi ko nga lubos maisip kung saan galing ang mga kalalakihan na iyan.

"Tama na po, parang awa niyo na" pagmamakaawa ng isang estudyante, at lumuhod pa ito.

Nakakaawang tignan ang mga itsura namin, bugbog saradong katawan at may mga sariwang sugat pa.

Nakakulong kami sa isa isang kulungan. At nakatala ang aming mga kamay at paa.

" NGAYON, ILABAS NIYO ANG MGA 'YAN!!" Utos niya

Kaya, binuksan nila ang mga kulungan at tinulak kami palabas.

Hindi ko magawang tumayo o gumalaw man lang dahil, namamanhid na 'yung katawan ko. Gustuhin ko mang lapitan ang mga kaibigan ko pero hindi ko kaya.

Yakap yakap pa ni Nathan si Lorraine na tila ay pinoprotektahan niya ito. Si Mark na Kasama ang mga first year students. Si Aubrey kasama niya ang kanyang ama at yakap niya ito. Ang ama ni Keira na umiiyak at pinapatahan ang ina ni Keira. Ang iba naman ay kanya kanyang proteksyon ang ginagawa para sa isa't isa.

Ako? Para akong patay at nawalan ng pag asa. Walang keira ang nagpapakita hanggang ngayon. Nasaan na siya?

"HUWAG NA KAYONG UMASA PANG MAY TUTULONG SA INYO, DAHIL WALA NG KEIRA ANG DARATING,HAHAHA!!!"

Sa sinabi niya, ay parang nadurog ang buong pagkatao ko. Napakawalang kwenta ko. Hindi ko man lang siya nagawang tulungan.

"BIGYAN KO KAYO NG TATLONG MINUTO PARA MAGTAGO!!! MAGLARO TAYO NG HIDE AND SEEK. AT KUNG SINO MAN ANG UNA NAMING MAHANAP AY SIYA ANG UNA NAMING PAPATAYIN!!! SIMPLE LANG HINDI BA? HAHAHA"

Natigilan ang lahat na tila ay walang narinig, ang kaninang putla nilang mukha ay mas dumoble pa.

Nanginginig at halos hindi na makatayo pa, samantalang sila ay tuwang tuwa pa sa kanilang mga nakikita.

"TIME START NOW!!!

.........

COMMENT
AND
VOTE





THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now