CHAPRER 8 "The fight ll "

1K 57 25
                                    

UNKNOWN'S POV

Sige ganyan nga, Keira lumaban ka, para malaman ko kung hanggang saan ang kaya mo.

"Lady C, nagawa na namin ang iniutos niyo" pagbabalita sa akin ng aking kanang kamay.

"Mabuti, dahil kung hindi, alam niyo na ang mangyayari. Makakaalis kana" sabi ko sa kanya at umalis na rin ito.

Tignan natin kung anong magagawa mo para iligtas sila.

At higit sa lahat, kulang pa ito sa ginawa niyo sa akin.

"WAHAHAHAHAHA"

Maghihiganti ako!
...................

3rd PERSON'S POV

Umalis na si Kristine sa lugar kung saan siya napadpad. At ang lalakeng nakita niya roon ay pinagmasdam lamang siya paalis. At Napangiti ng tipid.

" Mga babae nga naman, tsss." Sabi nito at napailing na lang.

Pinagmasdan niya lamang ang likod ni Kristine hanggang sa tuluyan na nga itong nakalayo.

Pagkatapos no'n ay umalis na rin ang lalake sa lugar na iyon, dahil may naramdaman itong isang kakaibang presensya. At bumalik rin ito kung saan ang mga kaibigan nito at nangyaring insidente.

Sa kabilang banda naman ay medyo gumaan na ang loob ng mga estydyante.

At Ang buong akala nina Lorraine at Keira ay tapos na ang laban. Ngunit, nagkakamali sila, dahil dumoble ang dami nito.

Ang kanilang mga kaklaseng lalake naman ay tumulong na rin. Sa pakikipagbakbakan.

Ang iba naman ay umiiyak at halos di na makatayo at kabadong kabado. Putlang putla na rin ang ilan sa mga babae.

Magulo?

'Yan ang salitang makapag describe sa silid nila. Sa silid kung saan sila naroroon.

Lingid sa kanilang kaalaman ay may nagmamasid sa bawat kilos at galaw nila, lalong lalo na kay Keira.

Para sa kanila, napakaimposible ang nangyayari ngayon dahil sobrang kakaiba. At hindi lang basta kakaiba.

"Shit, bakit 'di matapos tapos ang laban na ito?" tanong ni Lorraine sa kanyang sarili. dahil pati siya ay gulong gulo na sa nangyayari.

Partida, unang araw niya pa lang sa Elite academy, para sa misyon na ibinigay sa kanya .

"Who are they, at bakit may taglay silang kakaibang lakas, at tila minamanipula lamang?"
Sabi ni keira sa kanyang isipan na may halong inis. Dahil pagod na pagod na rin siya at may mga sugat pa sa binti kung saan tumama ang patalim.

..........

Sa kabilang banda naman ay nag alala na si kristine dahil hanggang ngayon ay 'di niya pa rin matawagan ang best friend niya.

Sinubukan niya na rin tawagan ang mga magulang nito pero 'di niya matawagan kaya lalong dumoble ang takot at kabang nararamdaman niya.

Pinauwi na rin ng mga school councils ang mga estudyante at ang ilan sa mga guro .

Ang mga imbistigador naman ay patuloy parin sa pag iimbistiga sa nangyaring insidente.

Ayon naman sa namamahala sa academy, nangyari na raw ang ganitong insidente, 18 years na ang lumipas. Kaya kahit sila ay nagtataka kung ano ang dahilan at sino ang nasa likod nito.

...........

KEIRA'S POV

Nasaan na ang mga school council, bakit hanggang ngayon ay wala pa ring dumadating?

Pagod na ako, inutusan ko na rin Ang mga kaklase ko na tawagin kahit sino na makakatulong sa amin at ng makalabas kami ng ligtas dito.

Kailangan kong magisip ng plano, not as keira pero bilang si empress k.

Empress is back.

At may napansin akong kulay pulang bilog sa may leegan nila. Kailangan kong makuha iyon at apakan upang samabog.

Dahil parang may laman din itong katulad ng ginamit nila sa pag spray.

"Lorraine o kung sino ka man talaga, kailangan ko ng tulong mo upang makuha natin ang kulay pulang bilog sa leegan nila."
Sabi ko habang tinuturo ito upang mapansin niya.

Then she nodded.

Nakatalikod kame sa isa't isa ngayon, ang mga lalake naman ay pinoprotektahan ang iba.

Kumuha ako ng pagkakataong tumalon ng paikot at sinipa ng malakas ang mga kalaban para matulog.

Si Lorraine naman ay nakaharap ang limang unggoy. At napatumba niya agad ang mga ito.

Kaya dali dali naming kinuha ang mga pulang bilog. At boom tama nga ang hinala ko, na antidote ang laman nito At may kakayahang gawing visible ang isang bagay.

Nakatinginan muna kami bago kumilos muli.

Kumuha kami ng patalim na ginamit ng kalaban kanina at sinaksak ito sa bandang dibdib nila

"3 more" sabi ko at napaismid

Kinuha ko ang tatlong patalim sa may lapag at inihagis ito a direksyon ng mga kalaban, at ayun sapul .

Kinuha na ni Lorraine ang mga pulang bilog at binigay sa akin.

Pinag sama ko ang mga ito at inapakan ng napakalakas .

Then...sumabog ito ng malakas.

Pagkasabog nito ay unti unti naming nasilayan ang labas may mga taong nakapaligid at may nag alalang mukha.

May mga Pulis din at iba pa. Nakanganga rin ang ilan ngunit karamihan ay nagtataka.

Maya maya pa ay may nakita akong babaeng tumatakbo patungo sa direksyon ko habang umiiyak.

At bigla ko na lang din naramdaman ang pagod at hilo at dahan dahan na rin akong napaluhod dahil namamanhid na  ang aking mga paa at nanlalabo na rin ang aking paningin.

Pero bago ako tuluyang bumagsak ay narinig ko pa ang sigaw ng bestfriend ko.

"Bestieiieee"

With that, tuluyan na rin akong nilamon ng kadiliman.

At naiwan paring tanong sa aking isipan  kung sino nga ba talaga si Lorraine.

.......

sino ang taong may pakana ng lahat?

What do you think will happen next?

........

'Yan na po muna,

At sorry po sa mga grammatical and typos error.do with my action scene.

Sana po ay nagustuhan nyo.

Maraming salamat.

COMMENT
AND
VOTE













THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now