CHAPTER 26 " Twins problem "

711 28 4
                                    

UNKNOWN'S POV

"Lapastangan, sinong naglakas loob na itakas ang dalawang iyon!!!" Sigaw ko na puno ng galit.

Ngunit, walang sino man ang sumagot. Sa inis ko ay hinagis ko ang base na malapit sa kinaroroonan ko.

Maya maya pa ay biglang bumukas ang pinto at pumasok rito ang kanang kamay ko.

"Oh ! Kristine buti naman at dumating ka pa "
Sabi ko sa magaling kong pamangkin. Ngayon alam niyo na? Na pamangkin ko si kristine at kaibigan niya pa si keira na anak ng taong mahal ko at ng mangaagaw niyang asawa.

Kapatid ko ang nanay ni kristine, at hindi ko lang basta bastang kapatid dahil kambal ko siya. Kaya napagkamalang ako ang nanay ni kristine noon.

At ang magaling namang ina ni keira, na kambal ko rin ay inagaw niya sa akin ang taong mahal ko. At oo, triplets kami.

Kaya nung nalaman kong triplets din ang kanilang naging anak. Ay gumawa ako ng paraan upang paghiwalayin sila, nang sa gano'n ay haharapin nila ang magkaibang buhay.

At dahil taglay ng pamilya nila ang kakaibang lakas ay naisipan ko itong eksperimetuhan, hawak ko na rin naman ang dalawa nilang anak e, samantala 'yung isa ay hindi namin nakuha. At ang malas din ay siya ang malakas sa kanilang tatlo. Gayun pa man ay ginamit ko ang isa laban kay Keira, at ang isa naman ay nakaratay sa laboratory. Upang eksperimentuhin, dahil ang dugo nila ay may kakayahang gawing invisible ang isang bagay, at kung sakaling makulong ka dito ay mamatay ka.

Ngayon, tignan natin kung kaya nilang bawiin ang anak nila. Sa bagay kinuha niya ang dapat na sa akin, at ako ay maghihiganti lang naman para patas.

" Ah, kasi po tita, may pinagawa sa amin ang aming guro kaya ngayon lang ako nakabalik." Paliwanag niya

Nakatakas man kayo ng ligtas sa mga kamay ko , ayos lang dahil gusto ko ring mahirapan kayo ng unti unti habang ang iyong mga anak naman ay mawawala na sa sarili at kalabanin kayo.

Umalis na rin ang pamangkin ko at bumalik ng muli sa paaralan, ang loko e nagpakita lang pala dito .

Pamangkin ko siya at anak siya ng kapatid ko, at half sister niya si Keira. At ng dalawang bihag ko pa.

Humanda kayo dahil nagsisimula pa lamang ako. At tignan natin kung matatanggap mo pa rin ang mangyayari sa buhay mo.

KEIRA'S POV.

Sa wakas ay nabawi ko na ang mga magulang ko, at alam ko rin na mahanap ko ang mga kapatid ko. Maghintay lamang kayo dahil malapit na si ate. At mahahanap ko rin kayo. Mga kalaban! magbabayad kayo, konting araw na lang malapit na.

Nasa bahay na sina mommy at ayaw ko muna silang palabasin, para siguradong ligtas sila mula sa mga kalaban.

Sa ngayon naman ay nasa school ako at naglalakad mag isa sa hallway ng school at hinahanap naman ng aking mata si Lorraine.
Isa pa tong si Kristine, parang busy masyado. Sana naman ay magpakita sila para naman ay masabi ko sa kanila lahat ng nalalaman ko.

At base sa nagawa kong imbistigasyon ay nasa loob ng paaralang ito ang may gawa ng lahat lahat.

Malapit na ako sa room namin ng may narinig akong naguusap sa likod ng room.

"Nakatakas ang dalawang mag asawa." Sabi ng isang pamilyar na boses.

" At galit na galit na rin si lady C, sa nalaman niya." Sabi naman ng isa pa.

" Ano kaya ang pinaguusapan nila?" Tanong ko naman sa sarili ko.

At marami pa silang sinabi, at nang banggitin nila ang pangalan ko ay napantig talaga ang tainga ko.

"Si Keira ay gusto nila itong hulihin at patayin." Sabi ng kaboses ni kristine?

"Buti na rin 'yon, para mawala na 'yon, at ako na ang sunod na maging tagapag mana. Kaya ayos lang." Sabi ni wait, kiella?

Sila ang naguusap ng tago? at close pala sila. pero nakapagtataka nga lang dahil parang naninibago ako sa kilos ni Kristine. At ang bago naming kaklase, sino siya?

Ayaw ko man umalis pinilit ko na lang ang sarili ko na umalis doon dahil baka mahuli pa nila ako.

Kung anu man ang pinaguusapan nila ay sana hindi ito ang ikasisira ng pagkakaibigan namin

Pero sa ngayon ang kailangan kong bigyan ng pansin ay ang mga taong may tattoo na bungo ng tao sa may pulsuhan nila. Nang matapos na itong gulong mayro'n ang pamilya ko.

At para na rin maibalik ko ng ligtas at bubay ang dalawa kong kapatid.

.........

Ayan may hint na kung sino ang kalaban?
Nagbago ng dahil sa pagibig.

.........

Yan na po muna,
Happy reading

COMMENT
AND
VOTE









THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon