CHAPTER 21 " Her Past "

796 38 5
                                    

KEIRA'S POV

Since saturday ngayon ay napag pasyahan kong panoorin ang kung ano man ang nilalaman ng disk na binigay sa akin ng driver namin.

Si kristine naman ay nagpaalam sa akin na may pupuntahan siya. At sa tingin ko ay importante ito kaya hinayaan ko na lamang siya.

Nang hawakan ko muli ang disk, pakiramdam ko sobrang bigat ng nilalaman nito. At kinakabahan na rin ako, nanlalamig ang aking mga palad. Pero wala ng urungan 'to. Kung ano man ang laman nito sana ay makayanan ko, pero bakit ganito 'yung pakiramdam ko.?

Hayyysss,bahala na nga.

.........

Nagsisimula na ang video, prente akong nakaupo  at titig na titig sa T.V.
Ang unang lumabas ay note, kaya binasa ko ito.

"Sana ay maunawaan mo ang mga malalaman at madiskubre mo anak, at sana mapatawad mo kami. At alam namin na sa oras na mabasa at mapanood mo ito ay posibleng wala na kami. at lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng daddy mo.

-your Mom.

Bakit? bakit Mom, may tinatago ba kayo sa akin? may hindi ba akong nalalaman, at kailangan kong malaman.Nasaan na kayo? alam niyo bang gulong gulo na ako, sa mga nangyayari sa buhay ko, buhay natin.

Sana ligtas kayo, Sana hindi pa huli ang lahat. At sana, kung ano man ang ipinapahiwatig niyo ay makakaya ko.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, bakit parang ang sakit, sakit, bakit?.

Napahinto ako sa pag iisip ng kung ano anong posibleng mangyari ng magsimula na ang palabas.

18 years ago.

~uwaaaahhh~ iyak ng tatlong sanggol.

Tatlong batang sanggol? posible rin pala iyon.

At halatang kakapanganak pa lang nito, may bahid na dugo at mga babae.

Pero 'di pinapakita ang ina nito, kaya medyo nagtataka at na cucurious ako sa susunod na mangyayari.

"Congratulations, Triplets ang anak niyo Mr. and Mrs Montenegro."sabi ng doctor.

Montenegro? Bakit ?kamag anak ba namin sila? Tanong ko sa sarili ko.

"Talaga po?"sabi ng babae.

Teka, parang kaboses niya si Mommy, at parang kasama niya rin si Daddy.

"So, ano ano ang ipapangalan natin sa kanila?" Tanong muli ng doctor.

"Hmmmp, Keira, kim, at k..." Hindi natapos magsalita ang babae ng may narinig silang gulo sa labas ng pinto.

At do'n ko na rin nakilala at nakita kung sino ang nasa video.

Mom?..Dad?..

At this time, dumoble ang kaba ko, dahil pakiramdam ko hindi to isang sipleng bagay lang na kailangan kong malaman.

Sinilip ni Dad, kung sino ang gumugulo sa labas ng pinto. At do'n niya nakita ang mga taong nakamaskarang itim. At may dalang mga armas.

"Sino kayo?" tanong ni Dad at makikita mo rin ang kaba nito, at ang pagkabigla.

"Ako? nakalimutan mo na?" ngumingiti ngiti pa ito na tila ay nangaasar pa.

"Ako lang naman ang magdadala sa'yo at sa pamilya mo sa isang masamang bangungot." dugtong pa nito.

"Anong ibig mong sabihin?" Litong tanong ni Dad.

"Baka ngang kinalimutan mo na ang ginawa ng iyong ama sa pamilya namin, kaya magbabayad ka, oo ikaw, dahil wala na rin naman ang matanda na 'yon. "Sabi naman nito.

THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant