CHAPTER 40 "Untitled part"

577 19 0
                                    


MARK'S POV

Ligtas na ang limang estudyante, at hinatid ko na sila sa loob. Pero ang nakapagataka ay bakit hanggang ngayon ay wala pa silang apat.

Gabi na rin  at delikado sa labas, kaya nagaalala na ako para sa kanila. Gustuhin ko man silang hanapin  dahil baka may nangyaring masama. Pero hindi ko pwedeng iwan ang mga ito.

Namumutla sila sa takot at nanginginig. May mga bahid ng dugo pa ang mga damit nila kanina. Dahil nagpanggap  daw sila bilang patay.

Nang biglang umalingawngaw ang ingay sa buong Campus, at ang kulay pulang ilaw na nagpatay sindi.

"HAHAHAHAHA, MATAPANG KA KEIRA!!! PERO TIGNAN NATIN KUNG HANGGANG SAAN KA DALHIN NG TAPANG MONG IYAN KUNG MALAMAN MONG HAWAK KO SILA!!!HAHAHA" kinilabutan ako at nabitawan ko ang hawak kong flashlight, dahil sa boses nitong nakakatakot na akala mo'y  nasa ilalim ng lupa.

Nagyakapan naman ang limang babae, dahil sa tindi ng takot. Oo, mga babae sila at mga first year college pa lang. Nasa dulo kasi ang building nila kaya hindi sila agad nakalabas. Kaya ang nangyari ay natrapped din sila.

Hindi lang daw silang lima ang naiwan, kundi halos kalahati ng first year students ang natrapped, 'yon nga lang ay hindi nila alam kung saan pumunta ang iba. Patay na ba o buhay pa.

"K-kuya, yung kapatid ko po, na-nahiwalay po siya sa akin, tulungan niyo p-po akong ha-napin siya." Sabi ni Eliah

Paano ko nalaman ang pangalan niya? Sa I.D niya.

"Ako din po kuya, y-yung best friend ko po, hindi ko po alam kung saan siya napunta." Sabi naman ni Janice

"Sige, huwag na kayong umiyak, dahil baka matunton nila tayo rito. Susubukan ko, tutulungan  namin kayo." Sinabi ko na lang para gumaan ang pakiramdam nila.

Pero sa totoo lang ay natatakot na rin ako. Kaya nilalabanan ko ang takot ko at sinusubukang magpakatatag.

"HALUBUGIN NIYO ANG BUONG CAMPUS, AT DALHIN DITO SA HARAP KO ANG MGA ESTUDYANTENG MAHULI NIYO!!! KILOS NA!!!" Sigaw nito na ikinalaglag ng panga ko.

"Huwag kayong mataranta, at matakot,protektahan ko kayo." Sabi ko sa kanila.

Pinatay ko lahat ng ilaw na mayroon dito sa loob at bantay sarado ako sa cctv. Para malaman ko kung  may palapit na sa kinaroroonan ng head quarter namin.

"Manalangin lamang tayo, na sana ay ligtas sila sa labas, at sana ay hindi nila tayo mahanap."

.........

NATHAN'S POV

Natapos na ang laban sa pamamagitan nina Keira at ng mga gorilla. Hindi ko lubos maisip na kayang gawin ni Keira ang pagpatay katulad ng kalaban. Isang karumal dumal ang ginawa niyang pagpaslang sa mga kalaban.

"Dalhin mo kami sa iyong pinuno" utos nito  sa isang gorilla na hindi niya pinatay. At sa tingin ko ay ito ang gawin niyang pain sa kalaban.

Nagsilabasan naman  kaming tatlo at tinungo kung saan si Keira.

Isang malamig na titig ang iginawad niya sa amin. At nagpatuloy na ito sa paglalakad.

"Sino ang pinuno niyo?" Tanong nito sa lalake. Sobrang lamig ang presensya nito at ganoon rin ang boses niya.

"Hi-hindi ko po alam" tugon ng lalake, na nanginginig.

"Nadamay lang ako rito, isa lamang akong guard, ang guard na nakausap niyo kahapon." Sabi nito, kaya naman ay natigilan si Keira at inalis nito ang maskarang nakaharang sa mukha ng lalake.

Totoo ang sinabi nito, at putlang putla na rin ang kanyang mukha dahil sa takot.

"Parang awa niyo na, ayaw ko pang mamatay, kailangan ako ng anak ko, kailangan niya ang tulong ko." Pagmamakaawa ni Manong guard.

THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang