CHAPTER 44 " HIDE AND SEEK II "

547 15 0
                                    


NATHAN'S POV

"TIME START NOW!!!" Sigaw niya

Kaya naman kahit nahihirapan akong tumayo dahil sa natamo kong mga sugat sa paghila nila at kahit nakatali pa ang aking kamay at paa ay pinilit ko pa ring tumayo.

Tinulungan ko rin si Lorraine dahil hirap na hirap na ito. Ika ika kaming naglakad at naghanap ng  pwedeng pagtaguan.

Habang sila ay pinagmamasdan lamang kami, na naglalakad palayo at ang ngising nakakakilabot ay hindi ito nawawala sa kanilang mga labi.

May hawak na chainsaw si ma'am Cassandra. At ngising ngisi ito.

Ngunit, ang nakapagtataka ay bakit wala si Keira. Nasaan siya?

"Nathan, nakita mo ba si Keira?" Tanong sa akin ni Lorraine habang palinga linga siya sa paligid.

Umiling ako at sinenyasan ko rin siya na tumahimik.

Pumasok kami sa isang room at nagtago sa teachers table. Sa tingin ko ay maging ligtas kami rito.

"Bakit dito tayo nagtago?" Tanong ni Lorraine

Kaya napalingon ako, ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Nakikita ko rin ang magandang hugis niyang mukha, sa tulong ng liwanag na nagmumula sa maliit na butas nitong lamesa. Ang inusente at matapang nitong mata, mahabang pilik mata, katamtaman na tangos ng ilong, Ang buhay na buhay nitong nunal sa baba at ang ala rosas nitong labi.

Hindi ko namalayan na palapit ng papalapit na ang mukha ko sa mukha niya at konting galaw na lang ay mahalikan ko na siya.

Nang  biglang bumukas ang pinto ng room kung saan kami kaya dahil sa gulat ay naramdaman ko na lang ang init ng kanyang labi sa labi ko.

Nanlaki ang mata nito, pero hinayaan niya lang akong halikan siya. Kaya naman ay tinuloy ko ito at hinayaan ko na lamang ang kung sino ang nakapasok sa loob.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya at ganoon din sa akin. Maya maya pa ay naramdaman kong iginalaw na niya ng dahan dahan ang kanyang labi at tinugon ang mga halik ko.

Hindi ko alam pero napangiti ako at hindi rin ako nagsisi sa ginagawa namin ngayon. At first gusto ko siya, lalong lumalim nung parati kaming nageespiya sa labas ng laboratory.

At alam ko rin na ganoon rin ang kanyang nararamdaman. Sobrang bilis ba ng pangyayari? Wala e. Hindi nasusukat sa dami ng regalo, sa tagal ng panahon ang pagmamahal. As long as nararamdaman mo at alam mong pareho kayo ng nararamdaman. Ay masasabi niyo na mahal niyo nga ang isa't isa.

"I love you, Lorraine." Pagtatapat ko.

'Yon din naman ang totoo, ayaw ko ng paligoy ligoy. Ako yata ang gwapo sa grupo baka nakalimutan niyo na.

Tinignan ko si Lorraine, na umiiyak?
Bakit may mali ba?

"Hush,hush" pagpatahan ko dahil baka marinig kami sa labas.

Niyakap ko na lamang siya ng mahigpit at hinalikan sa kanyang noo.

"Mahal din kita Nathan. Hindi ko alam kung paano at bakit, basta iyon ang alam ko." Sabi niya nang biglang kumalabog ang pintuan.

Nagkatinginan naman kami ni Lorraine at inobserba ang paligid. Magkahawak kamay kami habang sumisilip sa labas kung sino ang  pumasok.

Sobrang higpit ang hawak namin sa isa't isa na tila ay ayaw namin bitawan.

Tatlong estudyante ang pumasok sa loob at hingal na hingal ito.

"I-ilock niyo ng maayos yung pinto." Utos ng babae, sa dalawang lalakeng kasama niya. Nanginginig ito at putlang putla ng dahil sa takot.

THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now