CHAPTER 22 "Kristine's hope "

764 35 13
                                    

SOMEONE'S POV

Nangangati na  talaga akong patayin 'yang Keira na iyan, pero mas gusto ko siyang makitang nahihirapan, para naman maranasan niya talaga ang nararanasan ko. Wala na ang mama ko dahil nagpakamatay ito, dahil sa pesteng pagibig na 'yan, at ang magaling kong ama ay mas pinili niya ang pesteng nanay ni Keira. At ang taong naging tatay ko na sana ay iniwan din ako nang dahil pa rin sa ina ni Keira.

At buti nga sa kanya ay patay na siya, wala na ring sagabal  sa mga plano ko.

Sino ang pumatay? e 'di sino pa, ang magaling na Keira na 'yan.

Magulo ba? kasalanan to ni Keira eh, lahat na lang napupunta sa kanya. At ngayon ay maglalaro muna ako. Naboboring na rin kasi ako dito.

Pupunta na muna ako sa kulungan ng malandi at ng mangiiwan.

"Oh!  buhay pa pala kayo?" Tanong ko

"Pakawalan mo na kami, parang awa mo na, at kung sino ka man, alam kong may dahilan ka kung bakit mo ito ginagawa."sabi ng magaling na ina ni Keira.

"Talaga, paano kung ayaw ko, may magagawa ba kayo? " ako.

Nakakainis, 'yung kahit gusto mo ng patayin pero hindi mo magawa.

"Pasalamat ka at hindi ko pa kaya." Sabi ko at tinuro turo ang mukha ng aking ama.

Oo, tama po kayo, Ama ko ang Ama ni Keira, ibig sabihin kapatid ko, siya. Pero sa Ama lang. Pagkasabi ko no'n ay umalis na ako, naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko.grrrrr

At si lady C  ay hindi ako iyon. 'Yon lang ang akala ng karamihan, at isa lamang   akong tagasunod dito. Kaya wala akong alam tungkol sa iba pang mga nangyayari.

Pero ayaw ko munang magpakilala kung sino ako. Dahil kilala niyo na ako. At si lady C?  makikilala niyo rin siya.

Nakakapagod na ring maging plastic, nakakapagod na, pero kailangan at may dahilan ako.

.............

KEIRA'S POV.

Hapon na pero wala pa rin si kristine, hindi ko rin alam kung saan siya pumunta kanina.

At ang tungkol sa mga nalalaman ko ay kailangan ko muna itong  ilihim, mahirap na. Pero 'yung totoo masakit parin. At kailangan ko lang magpakatatag. Mahirap pero 'yun  ang dapat, kaya 'di bale na, dahil alam ko namang may katapusan din ang lahat.

~click~

Narinig ko ang pagbukas ng pinto, at pagsara nito. Pinuntahan ko ito at tinignan kung sino ang pumasok.

At...

"Oh, buti naman at dumating kana. Anyway, may nakuha na  silang impormasyon  tungkol kina mommy." Sabi ko sa kanya. Pagkasabi ko no'n ay parang natigilan siya, at parang ewan.

"Ah, g...ganon ba, mabuti naman." Sabi niya na parang hindi natutuwa.

"Oo,bakit,parang.."

Hindi ko natapos ang gusto kong sabihin ng magsalita siya.

"Naku bes, okay lang ako, sige ah, magbihis lang ako."siya.

Bakit parang may mali, may dapat ba akong malaman, hah kristine? Naman oh, huwag mo namang dagdagan pa 'yung problema ko.

Haayyssssttt.

Nakapagtataka...

.............

KRISTINE'S POV

Pagpasok ko sa condo namin ay  hindi ko inasahan ang mga sasabihin ni Keira.

Para akong binuhusan ng tubig no'n, dahil na rin siguro sa pagkabigla. Parang kinakain na kasi ako ng konsensya ko sa mga pinaggagawa ko.

Oo, alam kong mali.

Alam ko na ngang mali  pero ginagawa ko pa rin tanga diba?

Pero sana, maiintindihan mo ako, pagdating ng araw, sana.

Ayaw ko na, tigilan ko na 'tong kahibangan ko, kailangan ko siyang tulungan. kaya dapat, tigilan ko na 'yung mga binabalak ko.

Ang nakaraan ay nakaraan na, at ayaw ko ng ibabalik pa 'yon, dahil may masasaktan nanaman.

Patawad Keira, kapatid parin kita.

Siguro, nga hindi mo alam, pero ako alam ko naman, kaya dapat intindihin kita.

At may dahilan ako kung bakit, nasa panig ako ng kalaban, 'yon ay ang tulungan ang dalawa pa nating kapatid. ang dalawang kambal mo. patawad.

Hindi na rin ako lumabas pa, baka mapansin niya ang mugto kong mata. Dahil sa iyak. Kailangan ko na ring magbago.

At Oo, nga pala, ang akala niyong kalaban ay ako po iyon. Pero hindi po ako ang tunay na kalaban, tagasunod lang ako.

At dahil, sa kakaiyak ko ay naramdaman ko na lang na nilalamon na ako ng kadiliman, hanggang sa nakatulog na ako.
Zzzzzzzzzzzz....

............

So ayan na po, alam niyo na kung sino talaga si Kristine.

Pero ang tanong sino ang totoong lady C?ang tunay na kalaban?

Abangan....

...........
Happy Reading

COMMENT
AND
VOTE





THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now