CHAPTER 28 " Hidden laboratory "

639 24 3
                                    


KEIRA'S POV

Sa totoo lang napapagod  na rin ako, pagod na pagod. I even feel hopeless and useless.

Gano'n pa man ay wala sa bokabularyo ko ang salitang sumuko.

Break time na pala ngunit ay hindi ko man lang ito namalayan dahil naglalakbay nanaman ang aking isipan.

"Lets take a break." Rinig kong sabi ng katabi ko.

Tinignan ko ito at tumango. Lumabas na rin pala ang iba naming kaklase at konti na lang ang nasa loob.

Wala na rin si Kristine, at hindi man lang ito nagawang magpaalam, knowing that we're best friend. Kaya parang naninibago talaga ako sa kanya. Kung noon ay parang isip bata ang dating nito, but now she have changed.

At napagpasyahan na rin naming Lumabas, at pumunta sa cafeteria.

~ Cafeteria ~

Pagdating namin ay agad akong bumili ng makakain at ganoon din si Lorraine, at naghanap agad kami ng vacant table.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa pamamagitan naming dalawa. Walang sinong gustong magsalita at tila inaantay lang kung sino ang mauna.

Hindi ko na natiis pa, kaya ako na ang unang nagtanong.

"Who are you?" Tanong ko

"Cough.. Cough..." Napaubo ito sa tanong ko.

Kaya inabutan ko agad siya ng tubig, dahil baka nabulunan.

"Who are you Lorraine De La Cruz?" tanong ko muli at seryoso kong tinitigan ang kanyang mata.

"Malalaman mo rin, not now, this is not the right time yet. I'm sorry Keira." Tugon nito.

"Okay, I'll not insist you then." Sabi ko naman sa kanya.

Pero bakit ayaw niyang ipaalam sa akin? ang buong katauhan niya.? May tinatago rin ba siya? Katulad ni Kristine?

"Can you help me?" Tanong ko muli.

Hindi ko man siya kilala ng lubusan but l know we're interrelated, ramdam ko iyon.

"Okay sure, tungkol saan?" She said as she continue eating.

"Tungkol sa mga taong may tattoo na bungo sa kanilang pulsuhan." Sabi ko sa kanya at bigla rin itong napahinto sa pagnguya ng kanyang kinakain.

"May alam kaba tungkol sa kanila?" Tanong ko muli

"Bakit gusto mo malaman ang tungkol sa kanila?" Tanong naman nito.

Kailan pa naging sagot ang tanong?

"Dahil sila ang may simula ng lahat." Sagot ko ng walang pagalinlangan.

"Bilisan mo, at sumama ka sa akin." Pagkasabi niya no'n ay binilisan ko sa paglamon ang kinakain ko.

Pagkatapos ay hinatak na niya ako palabas ng cafeteria.

"Where are we going?" I said seriously.

"Sa lugar kung saan mo makikita, ang mga taong tinutukoy mo." Sabi nito.

Ano ang ibig niyang sabihin?

..........

LORRAINE'S POV

Ligtas na rin sina tita, At hindi ko alam kung papaano, dahil sobrang bilis ng pangyayari.

At Katulad ng sinabi sa akin ni Keira ay pumayag ako na maguusap kami.

May kutob na rin ako, kung tungkol saan ang paguusapan namin, at kung ano ito.

Nasa cafeteria kami ngayon at tahimik na kumakain walang sinong gustong magsalita kaya parang bumibigat ang tensyon sa pamamagitan naming dalawa.

THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now