CHAPTER 18 " The Encounter "

811 46 19
                                    


LORRAINE'S POV

Since hindi niyo pa ako kilala ng lubusan ay magpakilala na muna ako.

I'm Lorraine De la Cruz, 18 years old, at ako po 'yung tumulong kay keira sa pakikipag laban. Actually, unexpected po talaga 'yung nangyari.

Also known as the secret agent under Keira's family. And I'm her cousin, pero hindi niya ito alam.

Her mom send me here in the Philippine, para mabantayan si keira. Dahil may kutob silang may mangyayaring hindi maganda.

Ang totoo kasi ay alam nila, kung sino talaga si keira pero ang pagkakaalam ni Keira ay walang alam ang mga magulang niya.

Akala ko isang lampang keira ang makikilala ko at babantayan ko, pero nagkakamali ako dahil daig niya pa ang presensya ng ama niya.

Hindi ko tuloy lubos maisip kung bakit kailangan ko pang bantayan si keira, malakas at matalino naman ito kumpara sa akin.

.................

Habang nakikipag laban kami sa mga taong nakamaskara ay pamilyar ang isa sa kanila pero alam kong clone lang sila.

Ang akala ko nga no'n ay makukulong na kami sa loob ng building na iyon buti na lang ay mautak si Keira kundi patay na ako ngayon.

Hayysss,

Pagkatapos ng laban na iyon ay nawalan ng malay si keira siguro napuruhan siya.

Ako naman ay dumeretso palabas ng campus dahil aalamin ko kung sino ang may gawa no'n.

Pero huli na ang lahat kaya nakatakas na ang mga ito. Napagpasyahan ko na lang ipaalam ito sa mga magulang ni keira.

Ngunit nahuli nanaman ako dahil nasa kamay na ng kalaban ang mga magulang ni Keira.

Nakapagtataka, dahil hindi ganon kadali ang mahuli sa isang Montenegro, dahil taglay nito ang lakas.

At sa oras na malaman ito ni Keira ay maging magulo na muli ang buhay nito.

Kaya gumawa na ako ng hakbang upang hanapin sila bago mahuli ang lahat. Hindi na rin muna ako pumasok. Dahil mas kailangan ko itong unahin.

............

Sa ngayon ay nandito ako sa taas ng puno, tingin ko ay nasa likurang bahagi ito ng paralan, nagmamasid, at binabantayan si Keira.

May kakaibang presensya rin dito. 'Yung tipong kikilabutan ka na lang anu mang oras. Habang palinga linga ako ay may napansin ako sa 'di kalayuan.

Parang may pinto na gawa sa bakal pero halata na may gumagamit iyon.

('Yon rin ang nakita ni kristine nung naligaw siya.)

Kaya sinubukan ko itong tignan ng maayos at inobserbahan. Tama nga ang hinala ko, na may nakatago sa likod ng paaralang ito.

Nilapitan ko ito at nagmamatyag sa paligid, para kasing may nagmamasid sa bawat galaw ko. Pero hinahayaan ko lang ito.

Dahan dahan kong nilapitan at binuksan ang pinto, at do'n kong nadiskubre na isang laboratoryo ito.

Maraming mga naka lab gown, at may kaniya kanyang ginagawa. Pero may isang pwesto ang naagaw ng atensyon ko.

Sa isang glass tube, may nakaratay na babaeng hubad, naka oxygen lamang ito. May mga naka connect ding apparatus papunta dito.

Hirap na hirap na rin ang babaeng ito. Gustuhin ko mang tulungan siya pero hindi ko magawa, marami sila, at nagiisa lamang ako.

Tulad ng sinasabi nila, na huwag kumilos ng padalos dalos. kaya, kailangan ko munang magplano. Habang nagiisip ako ng plano ay biglang may tumakip sa bibig ko.

THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now