CHAPTER 9 " The lucky Girl "

998 57 30
                                    


DAVE'S POV

Nasa head quarter kami ngayon ng biglang nag patay sindi ang ilaw. At parang nagbago rin ang atmosphere sa loob ng campus.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Nathan.

"I don't know" tugon ko.

Red lights are all over, simbolo na may masamang nangyayari.

"Lets check out"sabi ko

Tumakbo kami palabas ng head quarter, at naabutan namin ang mga kapwa naming estudyanteng nagtatakbuhan.

Our head quarter is located near the office of the council.

"Anong nangyari? bakit kayo tumatakbo?"Tanong ni Mark sa isa sa mga estudyanteng tumatakbo. At hingal na hingal pa ito.

"Kasi po,....'yung.....building ng mga...civil engineering... Na...ging invisible." sagot niya na medyo natatakot sa presensya namin

"Hah,what?" Mark.

Nahihibang na ba siya? Ang building naging  invisible? tss.

"Tara, tignan natin" Nathan.

Tumakbo na muli kami papunta do'n.

Shit.....

Tama nga ang sinabi niya, nawawala ngayon ang building, ni hindi namin makita na kahit anong bakas nito.

Maraming mga estudyante ang pumunta rito, may mga pulis rin at ang iba ay nageembistiga sa nangyaring insidente.

Maraming natataranta, umiiyak, at namumutla dahil sa takot. Siguro maraming estudyante ang nasa loob ng building na iyon.

Maya maya pa ay may narinig  kaming tunog, mga nababasag mula sa kawalan.

"Dude baka naman may paraan pang gawing visible ang building na 'yan." Nathan.

Sa sinabi niya ay napaisip ako, kung mayroon man ano iyon? At paano naging invisible ang building na iyan? Sino ang may gawa nito?

:Yan ang mga tanong na pumupukaw sa aking isipan. Isa na rin siguro sa mga dahilan ang kakaibang presensyang naramdaman ko kahapon.

At ang babaeng nakaingkwentro at nakasagutan namin sa kantina. Ang taglay nitong lakas at lamig na presensya.

Sino siya? May kinalaman kaya siya sa insidenteng ito.

Dahil sobrang hindi kapanipaniwala ang nangyayari ngayon. Sa loob ng tatlong taon namin dito sa paaralan na ito, pero walang nangyaring ganito.

This might be the legend behind everything. Around this campus nor  in every students in this institution.

At kailangan ko pang hanapin ang babaeng iyon dahilan ng paghiya namin at ang pag agaw ng tambayan ko. No one is exempted, whether you're a new student or what.

"Teka lang ah, may pupuntahan lang ako." Pagpapaalam sa amin ni Nathan at dali dali itong umalis kung nasaan kami.

Tumango lamang Ako bilang tugon. Hindi ko na rin pinansin kung saan ito tutungo dahil ang atensyon ko ay nasa kawalan.

At nabigla ako nung nagsalita na ang pinakamataas sa council. Ang paraan ng kanyang pagsasalita ay para bang may iba itong ibig sabihin.

"STUDENTS, GO AND GET YOUR THINGS THEN GO HOME. CLASSES ARE CANCELED ALREADY.NOW GO!!!..." Pagaanunsyo ng council at nagsmirk?

Kaya nagsialisan na ang mga estudyante, pwera na lang sa isa at parang may hinahanap ito. At hindi mapakali, sa kanyang kinatatayuan.
Bigla na lang din nagsitayuan ang mga balahibo ko nang maramdaman ko muli ang kakaibang presensyang pumapalibot sa amin at ang bigat nito sa pakiramdam.

Nakabalik na rin si Nathan, at tila may tinititigan ito mula sa hindi kalayuan.

Kaya naman ay sinundan ko ang titig nito. And there I found out kung kanino siya tumitingin. At walang iba kundi doon sa babaeng hindi mapakali.

At muli inilibot ko ang aking paningin. Hindi lang pala isa, kundi marami sila ang nandito. At ayaw nilang umalis kahit anong taboy at pananakot pa ang ginawa sa kanila.

Hayyyysss...

Makaalis na nga muna.
At umalis na rin kami, dahil ang mga pulis na raw ang bahala at ang iba pang naroroon. Isang napakalaking impossible.
Ito na ba ang sinasabi nila?  sa oras na dumating ang babaeng may kakaibang lakas ay posibleng may magbabago, mawawasak, at maglukuksa.

Ito ay naaayon lamang sa history na aming pinagaralan. Ibig bang sabihin nito ay nandito na ang babaeng taglay nito?

Ang kakaibang lakas, ngunit ang tanong ay sino?

Ito na ba?

Ngunit napahinto kami.

At biglang parang yumanig ang lupa, dahil sa pagsabog, at ngayon nakikita na namin muli ang kaninang invisible na gusali.

Mula sa kinatatayuan ko, nakita ko ang ilan sa mga estudanteng tila pagod na pagod, may ilang nahimatay at umiiyak.

Pero isang tao lang ang nakuha ng atensyon ko. At  ano mang oras ay  mahihimatay na rin ito.

"Bestieieie"rinig kong sigaw.

Siya ang babaeng di mapakali kanina na tinititigan ni Nathan, at tumakbo ito sa kinaroronan ng babae.

Shit..Napamura na lamang ako. Nagtataka man ako sa sarili ko dahil parang bago sa akin ang pakiramdam ng pagalala ay ginawa ko parin ang nais ko.

Sinundan ko ang babae sa pagtakbo at sakto  sa pagdating namin ay nawalan ng malay ang babaeng tinitigan ko kanina.

Binuhat ko ito at dinala sa clinic ng school, buti na lang ay hindi umuwi ang mga nurse dito. At ang pagdikit ng balat ko sa balat niya ay para akong nakuryente? At nang tignan ko ito ay bigla na lang ako kinabahan. 'Yung pakiramdam na hindi mo masabi kung ano  at ang bilis rin ng pintig ng puso ko.

Pero binalewala ko na lamang ito. Sa totoo lang ay ngayon lamang ako natutong tumulong. Dahil ni minsan ay hindi ko ito ginawa.

Kasama ko rin ngayon ang kaibigan  ng Babae. At iniwan ko na sina Nathan at Mark doon sa nangyaring insidente.

"Nurse Anne kindly check her." Sabi ko.

Nagtaka ito sa ginawa ko. Dahil ito ang unang beses kong magdala ng babae dito.

Gayun pa man ay inasikaso niya ito agad.Hinintay kong lumabas si nurse Anne upang malaman ko kung ano ang natamo ng pasyente.

At yung kaibigan niya naman ay parang wala ito sa sarili. Kaya hinayaan ko na lang muna siya.

" Excuse me, Mr. Sebastian nasa maayos na ang pasyente ngunit sa tingin ko ay hindi siya magigising agad dulot ng chemical na kanyang nalanghap." Sabi nito.

" Salamat" tugon ko at tuluyan na  rin itong umalis.

"Miss, can you call her parents, and inform what have happened earlier?" Tanong ko sa babae kaya naman ay parang nagising ito.

" Ah, yes. I've called her parents many times but they're both in un coverage area. Tinawagan ko na rin ang numero nila sa bahay pero ganoon din. At tsaka bago lang din ako dito, nakalimutan ko na rin 'yung address ng bago nilang tinutuluyan." Paliwanag nito and she is now hopeless.

" Okay, l prefer na rumito na lang muna siya. And don't worry kompleto naman sa kagamitan ang clinic  na ito." I suggested her.

Tumango lamang ito bilang sagot at medyo umaliwalas na ang mukha nito.

"Lahat ng bagay ay nagbabago. At walang permamenteng postura."

Maari ring may katapusan ito  at aral na maiwan sa iyong isipan.
..........

Sino kaya ang tinutukoy niyang babae? At babaeng tinulungan niya sa unang pagkakataon?

Sino nga ba?

Abangan....

..............

Thank you po sa patuloy na pagbabasa sa kwentong ito.

COMMENT
 AND
VOTE

THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now