CHAPTER 38 " Revelations ll "

634 16 0
                                    


HER'S POV

Sinubukan kong pasukin ang panaginip ni Ate, upang kausapin siya. Nang sa ganoon ay maging ligtas siya sa kamay ng kalaban. At bigyan ng babala para maging handa siya sa lahat ng bagay.

Ngunit, hindi ganoon kadali ang nangyari, dahil dinaig ako ng masama niyang panaginip.

Ang pangyayari na iniiwasan kong mangyari at maranasan niya ay may posibilidad na mangyari. Huli na ba ako?

Paano na? Anong ang gagawin ko?

.........

Sa ngayon ay nandito ako sa tapat ng katawang lupa ko. Ilang araw lamang nila ako pinahinga. At pagkatapos ng araw na iyon ay nilagyan nanaman nila ang iba't ibang gamot at isinabit ng kung ano anong apparatus sa katawan ko.

Bakit hindi  na lang nila ako patayin, dahil sa totoo lang pagod na pagod na ako, at sa tingin ko nga ay wala na akong pagasang mabuhay ng normal.

Napapaiyak na lamang ako habang pinagmamadan ang katawan kong nakakaawa.

At buti sana kung ako lang, pero hindi e'. May kasama akong guro dito na tulad ko ay nakaratay sa loob ng cube glass. At may bago nanaman, dalawa silang babae na ang isa ay kahawig ko pa.

Kaya ay nagtaka ako, sino siya?

...............

KEIRA'S POV

Nagising ako dahil sa hindi ko mawaring pakiramdam na bumabalot sa loob ng silid na ito, na para bang may masamang mangyayari.

Iginalaw ko ang aking braso, at iminulat ko ng dahan dahan ang aking mata. At hindi pamilyar na silid ang bumungad sa akin. Nasa'n ako? Bakit nandito ako? At bakit parang may kulang sa pagkatao ko?

Nang biglang pumukaw ang napanaginipan ko kagabi sa aking isipan. Ang walang awa nilang pagpaslang sa mga magulang ko, sa mga kapatid ko at sa kanilang lahat. Naikuyom ko na lamang ang aking kamao, dahil sa tindi ng galit nanararamdaman ko.

At biglang kumirot ang siko ko, shit. May mga sugat pala  ako, gawa ng mga lalakeng iyon.

Tama nga si Lorraine,  na dito ko mahanap ang mga taong may tattoo. Ang mga taong sinimulan ng lahat. Pagbabayaran niyo ito. Papatayin ko kayo, at hindi ko hahayaang mangyari ang kung ano man ang binabalak niyo.

At si Dave, utang ko sa kanya ang buhay ko, kaya kailangan kong bumawi. Siya ang  tumulong at nagligtas sa akin. Sheda! Bakit? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko? Hindi naman ako kinakabahan. May nangyayari ba na hindi ko alam? Pero iba itong nararamdamn ko. Ang pagyakap niya ang pagaalala niyang mukha nung mga oras na iyon. Shit.

Umiling na lamang ako. si Kristine, at si Kiella, nangangailangan nila ang tulong ko. At tama ang kutob ko na buhay ang best friend ko. At ang mga larawan na pinakita nila ay edited lang lahat.

Just wait for me, my beloved sister and friend, empress K is back.

Bumangon ako habang hawak ko pa ang aking buhok, dahil parang may kulang sa pagkatao ko. Nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa  nito ang nagaalalang mukha ni Lorraine? At Dave? Nilang lahat? Bakit?

Sinalubong ako ng higpit na yakap ni Lorraine? Bakit? Hindi naman kami ganoon kaclose at bakit sila nagaalala at masaya? Ang gulo.

"Teka lang ah, bakit niyo ako niyayakap, at nasaan ako? Tayo? Kailangan ko ng umalis, kailangan ng tulong ko sina Kristine at Kiella." Sabi ko sa kanila habang inaalis ko ang pagkayakap sa akin ni Lorraine..

" May dapat kang malaman." 'Yan ang tugon sa akin ni Lorraine.

"Tungkol saan" tugon ko, hindi ko na ring binigyan ng pansin  ang mga sugat ko, dahil nakabenda naman ito.

THE SISTERS AGONY    [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon