Simula

468K 12.1K 4.9K
                                    

REVISED EDITION - 2023-

Simula

Her Blind Love

"ACESO, she was the goddess of curing sickness and healing wounds..." Saglit akong napatigil habang nagbabasa at napaisip.

Aceso, apelyido ko 'yon! Goddess pala 'yon?

"Fleureah! Nagbabasa ka na namang bata ka! Mamaya na iyan at tulungan mo ako! Napakaraming bisita!" Mabilis kong ibinaba ang libro sa may counter at mabilis na inayos ang suot ko pagkatayo.

"Opo, Nay!" Tumakbo ako palabas ng kusina at hinagilap si Nanay pero nang walang bakas niya ay nangunot ang noo ko at dumiretso sa hall habang inaayos ang ponytail ko.

Nasaan na ba iyon?

Tumulong kasi ako ngayon sa mansyon na pinagtatrabahuhan ng Nanay ko dahil may malaking party na nagaganap.

"Cheers!" Mula sa pwesto ko ay umangat ang tingin ko sa stage habang may nagsasalita.

"For a more fruitful year to Sandejas Mining Corporation!" nakangiting sabi ni Iñigo Sandejas, iyong panganay na anak ng mga amo ni Nanay. Sa pagkakaalam ko ay abogado iyan at marami silang negosyo! Tapos ngayon may minahan sila?

Pinakatitigan ko ang tatlong magkakapatid sa gitna ng stage. Ang isa naman ay sa pagkakaalam ko ay si Zeijan na palaging nakangisi at mukhang palaging gustong maglaro, pangalawang anak siya. Lumipat ang tingin ko sa lalaki sa may kanan at kaagad na nangunot ang noo ko, ito ang pangatlo sa magkakapatid pero ngayon ko lang ito nakita.

May seryoso itong mukha, itim na buhok, ang panga nito ay prominenteng nakahubog at maging ang ilong nito ay napakatangos. Ang mga asul niyang mga mata ay nagsusumigaw ng lamig at sa bawat pagtaas ng sulok ng labi niya ay nangungunot ang noo ko.

Bakit ang gwapo niya? Para siyang iyong nababasa ko sa mga pocketbook na bidang mga lalaki! Makisig, matangkad, matipuno at mayaman!

Tumawa siya habang nakikipag-usap sa mga kapatid niya at nakita ko ang pagsayaw ng ilaw sa mga mata niya. Nakagat ko ang labi at lumapit pang lalo sa may mga bisita nang pasimple para silayan ang mukha niya.

Ayon nga sa mga nababasa ko, he actually looks so sinfully handsome, 'yong tipong siya 'yong forbidden fruit pero gusto mong tikman?

Napangiwi ako sa naisip at mahinang tinampal ang pisngi ko. Baliw ka na, Reah! Masyado mong dinibdib ang mga love story na binabasa mo!

Nakita ko ang bulungan ng mga babaeng bisita sa isang lamesa malapit sa akin at mukhang pinag-uusapan nila ang magkakapatid habang kinikilig. Sabagay, sino bang hindi magkakagusto sa tatlong 'yan?

Perfect package na! Gwapo, macho at pak, may datung pa!

Muli ay ibinalik ko ang tingin sa nakaitim na suit at bowtie na pangatlong kapatid nila na nakangiti habang nakikinig sa speech ng Kuya niya. Humalukipkip ako at pinagsawa ang sarili ko sa kakatitig sa kanya.

Hayaan ko muna si Nanay, minsan lang ako magka-crush dito sa may amin kaya susulitin ko na! Tiyak kasing babalik na sa Maynila itong mga 'to!

Gumalaw ang kanina ko pa tinititigan at umikot ang mata niya. Natigilan ako at nanigas nang magsalubong ang mga mata namin. Naramdaman kong parang may sumuntok sa tiyan ko at pumilantik ang puso ko.

Ilang segundo ang titigan namin at halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may dumapong kamay sa braso ko.

"Hoy! Reah! Hinahanap ka ng Nanay mo!" sabi ni Krista sa akin.

"Huh? Ano?" Bumalik ang tingin ko sa stage at nakita kong nakatingin pa rin sa akin iyong lalaki.

"Reah!" sigaw ni Krista.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon