Kabanata 9

281K 10.4K 3K
                                    

Kabanata 9

"ATE, aalis ka na?" Malungkot na sabi ni Allia habang pinagmamasadan akong ayusin ang mga gamit ko.

"Oo, Allia." Malungkot kong sabi. Saglit kong iniwanan ang mga gamit ko na inaayos ko kanina pa at lumapit sa kanya. Dumukwang ako sa kanya sa sofa at tinignan siya.

"Kailangang umalis ni Ate, e," I smiled at her.

"Bakit ka aalis, Ate? 'Di ba pumapasok ka na? May pasok ka, 'di ba? Bakit ka aalis?" Malungkot niyang tanong. Miski ako ay nalulungkot na mahiwalay sa kanila pero wala naman akong magagawa.

"Allia," tawag ko sa kapatid ko, marahang hinaplos ko ang pisngi niya. "Si Kuya Dash mo, kailangan niyang operahan."

"Si Kuya?" I nodded.

"Si Kuya Dash, kailangang dalhin sa ospital para gumaling na siya. Para makakita na siya. Sabi ko sa kanya.

She knew Dash since then, I told her stories about Dash, everything. His situation and how much I like Dash. Alam iyon ng kapatid ko, siya ang pinagsabihan ko ng lahat dahil alam kong itatago niya ito.

We're really close and sometimes, she shares her crushes with me, too.

Too bad, she can't talk to Dash kaya hanggang kwento lang ako sa kanya. Hindi rin pwedeng ipakilala ko ang kapatid ko kay Dash dahil baka magkagulo pa. Allia saw Dash with her own eyes too, minsan ng dinala ko siya sa mansyon para ipakita si Dash sa kanya.

"Paano ang pag-aaral mo, Ate? Paano na kami ni Nanay, high school pa lang ako, tapos aalis ka pa." I sighed and sat beside her at our sofa. Kinabig ko siya at niyakap.

"I won't leave you, Allia," sabi ko naman. "Babalik naman si Ate, kailangan ko lang tulungan si Kuya Dash." Dagdag ko pa.

Niyakap ko pa siyang lalo at hinaplos ang buhok ng bunso kong kapatid.

"Hindi ko kayo pababayaan ni Nanay, saglit lang naman ako roon. Hindi mo namalayan nakabalik na ako." Sabi ko naman sa kanya. "Atsaka, doon ako mag-aaral sa Maynila kaya walang magiging problema. Hindi naman ako titigil."

"Hindi mo kami iiwan, Ate?" she asked innocently. My heart broke but I gave her a sweet smile while shaking my head.

"'Di mo gagayahin si Kuya Johann?" aniya sa lalaki naming kapatid. "'Di mo kami iiwan ni Nanay, kagaya niya?"

I felt the pain throbbing in my chest hearing her saying that. At young age, alam na niya ang depinasyon ng sakit at lungkot.

Hindi lang kami noon ni Nanay ang nalungkot sa nangyari kay Tatay noong namatay siya, Allia got hurt too, tanging si Johann lang ang natirang lalaki sa pamilya namin at siya ang kinapitan naming mag-iina but he left us, too.

Ang sabi niya magtatrabaho lang siya sa Maynila but we later found out na nag-asawa na pala siya, ni hindi man lang namin kaagad nalaman.

"Hindi, hindi ko kayo iiwan." Umiling ako sa kanya at hinawi ang buhok niya. "Allia, hindi naman tayo iniwan ni Kuya Johann mo, may family kasi siya kaya nandoon siya ngayon."

Johann left us, his family but I can't let my sister think he abandoned us. She's young at ayoko tumatak sa isip niya ang tampo sa Kuya niya.

If possible, I want my family to be back together. Gusto kong masaya lang kami, kagaya ng dati. Kahit simple lang ang pamumuhay namin ay masaya kami at para sa akin 'yon ang pinakaperpektong nangyari sa buhay ko but I know it was beyond impossible dahil unang-una, wala na si Tatay at may pamilya na si Johann.

It's only the three of us na nagtutulungan para maging matatag ang isa't-isa.

"Bakit hindi na siya tumatawag sa atin? Ate, ilang taon ng walang balita kay Kuya."

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon