Kabanata 8

290K 10.4K 3K
                                    

Kabanata 8

"BYE, Reah!" I smiled when my friends waved me goodbye at natawa pa ako nang sumunod pa sila sa akin pagkatapos kong kumaway pabalik. Kakaway tapos sasama rin? Napangiti ako.

Cath, Noemi, and Angeline became my friends at the university.

Naging magkaklase kami sa iilang mga subject pero dahil sa irregular ako ay hindi kami masyadong nagkikita. Sila rin ang nakakasama ko madalas dito kapag break at sabay-sabay kaming kumakain.

Magpinsan si Noemi at Angeline habang si Cath naman ay bestfriend na nila simula pa noon. In our literature subject, nagkaroon ng group reporting noon but since I have no friends ay naisip ko na mag-so-solo flight nalang ako but these girls approached me and that's when we started our friendship.

"Naiingit talaga kami sayo, Reah!" ani Cath habang naglalakad kami papunta sa may sakayan ng traysikel.

"Bakit naman?" Nakangiti kong sabi.

"Syempre, fourth year ka na ngayong sem! Samantalang kami nasa second sem pala sa third year!" Maktol naman ni Angeline.

"Anong nakakainggit do'n?" Natatawa kong sabi. "Kayo ang nakakainggit, atl east kayo, matatapos n'yo ang pag-aaral nyo sa tamang edad. You didn't stop, ako tignan n'yo, I'm just fourth year pero 'yong edad ko pang-nagtatrabaho na."

"Magti-twenty-three ka na, 'di ba?" Noemi asked.

I nodded at napanguso naman ito.

"Bakit ganun? Ang ganda-ganda mo pa rin! Hindi ka mukhang twenty pa lang kung hindi nineteen! Baby face!" She exclaimed.

Nag-init naman ang pisngi ko kaya napatikhim ako at nag-iwas ng tingin.

"Wala naman," sabi ko. Nakita ko ang pagngiwi nila sa sinabi ko at sinamaan ako ng tingin ni Noemi.

"Pa-humble!" She hissed.

"Humble, em hindi nga totoo!" Sabi ko naman. Yakap-yakap ko ang libro ko habang naglalakad kami.

"Asus, itong si Fleureah kapag ako nainis aabangangan ko 'to sa isang kanto!" Cath exclaimed.

"E, crush na crush nga siya no'ng mga senior!" ani Angeline.

"Crush? Wala 'yon. Imposible." Napailing ako.

"Impossible? E, halos kulang na lang mag-confess sa 'yo 'yong mga 'yon! Atsaka si Trevor, 'yong gwapo na pamangkin no'ng principal! Crush na crush ka no'n!"

Agree ako nang sinabi niyang gwapo 'yong si Trevor Sanchez. Senior iyon dito sa amin at second sem na siya ngayong pasukan.

It was true what she said, that boy has a crush on me or I don't know? Baka nagbibiro lang?

"Kapag niligawan ka, sasagutin mo? Twenty-three na 'yon!" Sabat ni Cath.

I shook my head. Kaya rin tumagal iyon sa pag-aaral dahil sa pagloloko kaya nag-i-i-stop at repeater.

Hindi naman sa nang-huhusga but I don't like boys who don't take their acads seriously, I mean yes, you can drink, and you can have fun but you must prioritize your study first.

He's lucky enough na nakakapag-aral siya, samantalang 'yong iba hindi so I think it's a major turn on if the guy has a degree. It depends, but that's only my preference.

"Ayoko nga, gusto n'yo kayo na lang..." I answered. They groaned.

"E bakit, may gusto kang iba 'no?" Nag-init ang pisngi ko sa sinabi ni Noemi at wala sa sariling napangiti.

"So, meron nga!" "So, sino 'yan, huh? Mas gwapo ba kay Trevor 'yan?"

"Hmm, oo..." ngumiti ako. Nakita kong natigilan sila at nanlaki ang mata.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon