Kabanata 12

256K 9.1K 2.8K
                                    

Kabanata 12

I wanted to run and cry.

Gusto kong magwala but it seems like my feet isn't moving, tila'y napako ako sa kinatatayuan ko at hindi malihis ang mata ko habang magkayakap sila sa harapan ko.

"Can you see us now, Mr. Sandejas?" nakangiting sabi ng doktor.

Dash moved away from their hug and nodded. He was smiling, bakas ko ang kasiyahan sa mga mata niya habang tumatango at narinig ko ang hagulgol ni Ma'am Lena.

"Salamat. Salamat..." she was sobbing.

"M-Mom..." ani Dash na marahang bumitaw sa lumuluhang si Rheallyn para lumapit sa ina.

"Anak ko..." Dash hugged her Mom who was crying hard. Pati si Sir Ejercito ay naluluhang lumapit sa kanyang mag-ina.

I saw Kuya Iñigo and Zeijan going near to their brother who was hugging their crying Mom.

Napaatras ako nang bahagya nang makita ang nakangiting si Rheallyn habang nakatingin sa pamilya ni Dash. She was beautiful and her features are soft na animo'y anghel. Bagay sila.

"M-Mom," lumayo nang bahagya si Dash at nakita ko ang pagngiti niya at bumaling ang pansin niya kay Rheallyn na nakatayo roon at nakamasid.

"Come here, babe," aniya kay Rheallyn. Nanginig ang kamay ko at pakiramdam ko ay piniraso ang puso ko.

"Ako?" she asked him and I almost shivered when I heard her voice. I thought I am hearing myself speaking!

I... I didn't even know that we almost have the same voice!

"Yes, come here," inilahad niya ang kamay.

Rheallyn moved softly towards him at nakatitig lang ako roon. Hindi naman na nila ako napapansin dahil nasa may likuran ako nila Kuya Iñigo, pero ako, kitang-kita ko sila.

At nang iabot ni Rheallyn ang kamay niya kay Dash ay mas nadurog ako.

"Here's my fiancée," ani Dash sa masayang tono at napaatras na ako roon.

A tear fell from my eye at nahuli ko ang tingin sa akin ni Thallia.

She wasn't saying anything but she was eyeing me silently. Wala akong mabakas na saya sa mata niya at nang malungkot akong ngumiti ay tumango na lang siya kaya walang ingay akong lumakad palabas. Hindi ko alam kung napansin nila ang pag-alis ko o hindi pero pagkalabas ko ng kwarto ay walang habas na tumulo ang luha ko.

Napatakip ako sa bibig ko nang mapahagulgol ako at nang makitang nakatingin sa akin ang ilang dumadaan ay mabilis akong lumakad paalis at patakbong inakyat ang rooftop ng ospital.

Nang makitang walang tao roon ay mabilis akong napadausdos ng upo at sinakop ang mukha ko.

I cried. I cried hard like a lost child, I cried like a child na inagawan ng pagkain.

Wala na, Dash is gone from my life.

I thought about this for a long time, noon pa man ay napaghandaan ko na 'to at akala ko ay wala akong sakit na mararamdaman but what am I feeling right now?

Why am I this shattered? Napasinghap ako at nanlabo ang mata ko sa panibagong mga luha.

Hindi ko alam! Hindi ko napaghandaan ang ganitong klaseng sakit!

I cried harder while recalling him calling her babe, his fiancée. I can't even explain how this sadness and pain feels. My body is literally shaking and my heart was throbbing hard painfully.

I can't breathe! Parang may nakadagang mabigat na bagay sa dibdib ko na pumipigil sa aking makahinga.

Dapat ay maging masaya ako, dahil kahit papano'y nagawa ko ang gustong mangyari ng magulang niya at nakapag-aral pa ako but I felt otherwise. Sa halip na maging masaya ay parang mababaliw ako sa sakit at lungkot. Napahawak ako sa dibdib ko at tumungo sa mga hita ko habang yakap-yakap ito.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon