Kabanata 30

337K 10.9K 5.4K
                                    

Kabanata 30

"WALA pa rin balita hanggang ngayon." Narinig kong sabi ni Zeijan habang kinakausap sila Tito at ang mga kapatid niya. Tita Lena cried and I lost conciousness earlier after hearing the news dahil sa pag-iyak at panghihina.

Hilam sa mga luha ang mata ko at nakatulala lang ako sa paa ko. Skye is comforting me, kanina pa siya nakaupo sa tabi ko at nagsusumiksik sa akin.

"Anak, uminom ka muna," inabot sa akin ni Nanay ang isang baso ng tubig at tinanggap ko iyon at nanghihinang uminom.

"Magiging ayos din ang lahat, anak," ani Nanay sa akin kaya napatungo ako at napapikit.

"'N-Nay," nilingon ko siya at mabilis na niyakap. "'Nay, 'yong asawa ko." Napahikbi na naman ako.

"Sshh," alo niya sa akin. "Magiging ayos din si Dash. He's fine, sigurado ako d'yan."

"Nay, s-sorry kung hindi ko nasabi sa 'yong ikinasal na ako kagabi," singhot ko at niyakap siya. "S-sorry, Nay."

"Hindi naman ako galit, anak," aniya sa akin. "Nagpaalam naman sa akin si Dash sa gagawin niya."

Natigilan ako at gulat na napatitig sa kanya.

"P-po?"

"Kagabi pa lang ay nagpaalam na si Dash na papakasalan ka niya, sabi niya ay handa na raw siyang pagalitan ko."

Napatungo ako at mas napahikbi sa sinabi ni Nanay.

"Hindi ako galit kasi alam kong sa tama at mabuting tao ka napunta at alam kong mahal ka niya. Isa pa anak ay alam kong kaya mo nang panindigan ang mga desisyon mo, malaki ka na at malaki na ang naitulong mo sa amin ng mga kapatid mo. Kung saan ka masaya, doon ako palagi."

"N-Nay," napasinghap ako at yumakap muli sa kanya para sumubsob sa leeg niya. "Nay, salamat."

"B-babalik si Dash, 'di ba?" pagkausap ko sa kanya at tumango siya sa leeg ko at mas niyakap ako.

"Oo, anak. Babalik ang asawa mo, isa pa ay babatukan ko pa 'yon sa ginawa niya." She tried shifting the mood kaya maliit akong napangiti at yumakap muli sa kanya.

My chest was heavy and tightening, hindi ako makahinga habang umiiyak.

Kausap ko lang siya kanina, katabi ko lang siya kagabi tapos... tapos ganito 'yong mababalitaan ko?

The chopper he was flying has no leads 'til now. Ang sabi nila ay nawalan sila ng signal at naputol ang linya para malaman ang lokasyon nila Dash.

They told us that they heard them panicking before the line went down so I was really worried! That was my husband in there!

Hindi naman namin ginusto 'to, walang nag-expect ng ganito pero sana pala ay hindi na lang ako pumayag na umalis siya kanina! I should have let him stay with me!

Natatakot ako, paano kung may masamang mangyari sa kanya. Paano kung sumabog 'yong helicopter? Paano kapag...

Mas gumulo ang utak ko at pagod na sumandal.

They were telling me that everything's going to be fine pero hindi ako kaagad naniniwala. Mas nangingibabaw sa akin ang takot na baka may masamang nangyari.

I remembered our phone call, just him talking about things like that was weird. Kung doon pa lang sana ay naramdaman ko na ay sana hindi ko na siya pinatuloy!

"Ate?" Napalingon ako nang magsalita si Zidney sa tabi ko.

"Z-Zid," mahinang tawag ko. Hinawi ko ang luha sa mga mata at kahit nanlalabo ito ay inabot ko siya.

Her brave black eyes softened but she couldn't mask the fear and pain lingering as she assured me.

"Magiging ayos din ang lahat, Ate," she tried consoling me.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon