Kabanata 4

294K 10.6K 2.3K
                                    

Kabanata 4

"GAGA ka!" Isang hampas sa braso ko ang nagpabalik sa hinagap ko.

"Ano?" nangunot ang noo ko kay Krista.

"Malantod ka!" irit niya. "Akala ko ba hindi muna love life ang aatupagin mo?"

"Huh? Hindi naman ako nagla-love life," sagot ko habang tinitingnan siya.

"Anong hindi?! Ano 'tong nalalaman kong nagpapanggap kang jowa ni Sir Dash?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at mabilis na tumakbo para takpan ang bibig niya.

"Ano bang sinasabi mo?! H'wag ka ngang maingay!" I hissed. Nagsalubong naman ang kilay niya at hinatak ang kamay ko paalis sa bibig niya.

"So totoo?! Huh?" sita niya.

"Hindi ko naman siya boyfriend! Ano, uhm... Nagpapanggap nga lang akong fiancée niya." Paliwanag ko at iniikot ang tingin ko sa paligid.

"Wow! Fiancée? Aba matindi! Akala ko jowa lang, bride-to-be na pala ang peg mo!" Napa-face palm ako sa lakas ng boses niya.

"Manahimik ka nga," sinipa ko siya pero hindi siya nanahimik at nanlalaki ang mata habang tumatalon.

"I can't believe this! O to the M to the G! Of all the people sa mga Sandejas ka pa na-involve? You're so swerte, Reah!" tili niya.

"I am doing this para sa pag-aaral ko..." sabi ko naman. Marahang hinila ko siya para mapunta kami sa tagong lugar at para humina ang pag sigaw-sigaw niya.

"Pag-aaral na naman siya, o!" Ngumiwi siya sa akin. "If I know tuwang-tuwa na naman 'yang keps mo dahil sa fafa ka napunta!"

"'Yang bibig mo talaga!" sigaw ko. Halos sabunutan ko siya sa inis. "I am just pretending! Atsaka hindi naman 'to magtatagal! Kapag naayos na ang operasyon niya ay titigil na ako..."

"Asus! Pa-humble ang ate mo! Lelang mo, Reah! Kunwari ka pa pero kilig na kilig ka! Parang ganiyan 'yong sa pocketbook na binabasa natin 'di ba?" Napaisip ako pero tumango rin sa sinabi niya.

"Oo, medyo..." sagot ko, nangingiti.

"Medyo ka d'yan! Oo na oo to the highest level!" she exclaimed. "Look naman 'yong itsura ni Sir Dash, pak na pak! Grabe 'yong good boy awra niya ang sarap niya i-kiss!" tili niya.

"Anong i-kiss?" kumunot ang noo ko. Ni hindi ako natawa sa sinabi niya at sa halip ay nakaramdam ako ng inis.

"Iki-kiss ko! Kasi ang gwapo gwapo niya! Alam mo ba, girl. Secret lang natin 'to huh, pero ang swerte-swerte mo!" sabi niya.

"Ano? Anong sikreto na naman 'yan?" tanong ko.

"Secret lang, huh, pero sa kanilang tatlo si Sir Dash talaga ng crush ko!" humagikhik siya. Nanliit naman ang mata ko at sumimangot.

"'Di ba? 'Di ba? Agree ka ba sa 'kin? Ang gwapo niya 'di ba?" Halos maghugis puso ang mata niya pero hindi ako sumagot. Hindi ko rin alam kung bakit napuno ako ng inis dahil sa sinasabi niya. Ayokong magsalita dahil baka bigla kong masabi na may gusto rin ako kay Dash.

I mean, ako ang nauna! Ako lang dapat!

"Hoy! Reah, huh! Ikaw na ang bahala kay Fafa Dash, kahit 'di mo ako sinasagot sa kakadada ko rito! Go lang nang go!" Itinaas pa niya ang kamay at ginaya ang boses ni Ruffa Mae.

"Oo na, manahimik ka na..."

"Oh, e, bakit nakasimangot ka? Bakit crush mo rin ba si Sir Dash?" humalukipkip siya at tinaasan ako ng kilay. "Kung bibigyan lang ako ng chance, gusto ko makipag-swap sa 'yo tapos palit tayo—"

"Hindi kita bibigyan ng chance!" irita kong sabi. Natigil siya at ngumisi sa akin. Alam kong inaasar niya lang ako pero naiinis talaga ako sa sinasabi niya.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon