Kabanata 20

340K 10.5K 6K
                                    

Kabanata 20

NARAMDAMAN ko ang pagsikip ng dibdib ko sa nakita. I felt like my heart was twisting, na animo'y pinipisil iyon sa sakit.

"Excuse me!" Napausog ako nang hinawi ako bigla ng isang babae roon. Bahagya akong napatid dahil doon kaya napahawak ako sa pader.

"Kiss mo naman pabalik si Rheallyn, Dash!" a woman cheered. Nakita kong magkahiwalay na ang mga labi nila pero nakakapit pa rin siya sa leeg ni Dash.

"He's shy!" she cheered. Nagtawanan ang mga tao roon at nakita kong hindi pa nakakabawi si Dash at napailing.

"Kiss na 'yan! Kiss!" They cheered again. Nanghihina ang tuhod ko habang pinapakinggan iyon.

"Stop it," saway ni Dash sa mga ito bago marahang humakbang palayo.

"KJ mo naman, Dash!" a man teased. Tumawa naman siya at marahang tinanggal ang kamay ni Rheallyn sa leeg niya.

"Nahihiya kasi! Private na 'yong ibang kiss namin!" she exclaimed. Para naman akong pinagbagsakan ng langit at lupa. I saw her encircled her hands on Dash's arms at naglakad sila.

"I never knew you'll do this," ani Dash na namamangha pa at nagugulat. "And these people," tinuro niya ang mga tao roon. "I can't even invite these people here, how did you do it?"

"Of course I have my ways!" sabi niya kay Dash. Nakita ko ang paghalik niya sa pisngi ni Dash. "And of course, I love you, s'yempre kailangang invited sila!" Natutuwang nagpalakpakan at naghiyawan na naman ang mga tao roon.

"Stop staring at them," natigilan ako sa pagtingin sa kanila nang may magsalita sa likod ko. I shifted my gaze and saw Thallia, Kuya and Zeijan.

"Hello," I smiled a little.

"Hello your face, wala kang maloloko rito," ani Thallia na nakasimangot.

"Huh?" kunwari'y naguguluhan kong tanong.

"Come on, Reah," she glared at me. Nakita ko naman si Kuya Iñigo na binulungan si Thallia at napangiwi naman ito at siniko ang asawa.

"Halika, Reah-tot," ani Zeijan sa akin at nang hindi ako sumagot ay hinawakan niya ang siko ko at inaya ako palabas.

Kasama ko sina Thallia, Kuya Iñigo, at Zeijan habang palabas kami. Dumiretso kami sa garden nila at kaagad akong naupo sa bench habang nakaupo naman si Thallia sa tabi ko at 'yong dalawa ay nasa harapan ko.

"We don't know anything about this," panimula ni Kuya Iñigo.

"Tinawagan lang kami na pumunta rito tapos nagulat kami sinabi na lang sa amin 'yong plano nila," ani Thallia sa tabi ko. Nang tingnan ko si Zeijan ay tumango lang ito bilang pagsang-ayon.

"Ayos lang naman. I-I am not mad." Ngumiti ako.

"You should be mad! Tingnan mo nga si Dash, kasama 'yong mahaderang 'yon!" Thallia exclaimed.

"I should, yes." Tumango at nagbuntonghininga. "But I don't have the right..."

Natahimik sila.

Zeijan cursed under his breath, murmuring he knows this will happen. That he had warned everyone.

"I know Dash loves you, Reah," biglang nagsalita si Kuya kaya napatingin ako sa kanya.

Mapait akong napangiti.

"I... We don't know about that," sagot ko na lang. "I think he's not."

"He is," ani Zeijan. Hindi naman na ako kumibo at nagbaba na lang ng tingin.

As much as I want to believe them, I just can't. Yes, he's sweet, he treats me well but he doesn't even know me, the real me.

And he has Rheallyn...

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon