Kabanata 17

289K 10.4K 4.1K
                                    

Kabanata 17

TAHIMIK lang kami habang nakaupo doon sa bench. I was staring at the flowers at ilang beses ko nang naririnig ang paghugot niya ng hininga. Sumulyap ako sa kanya at nakita kong niluluwagan niya ang necktie niya. He was still wearing his uniform. Tinanggal nga lang niya ang suot niyang kulay navy-blue na suit at nakita kong ipinatong niya iyon sa hita niya.

Lumingon siya sa akin kaya nag-iwas kaagad ako ng tingin.

"S-sorry if I cried earlier. Stress lang ako," mahinang sabi ko.

"Here," nagulat ako nang iabot niya sa akin ang kulay puting panyo kaya nilingon ko siya. "Take it," he smiled a little.

Kaagad ko namang inabot 'yon mula sa kamay niya.

"S-salamat," I said softly. Tumango siya at iniangat ang longsleeves niya paakyat sa may siko.

Pinunasan ko naman ang mukha ko gamit ang panyong ibinigay niya at kaagad kong naamoy ang pabango niya.

"Do you wanna go somewhere?" Bigla ko siyang nilingon nang sabihin niya iyon.

"Hmm?"

"Kumain ka na?" Nilingon niya ako. He combed his hair with his fingers and glanced at me.

"Hindi pa," I answered him. His forehead creased while looking at me.

"Why? Hindi ba kayo kumain no'ng lalaking kasama mo kanina?" he suddenly asked. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Lalaki?" my mouth parted. "H-how did you—"

"Pumunta ako sa university," he said stiffly.

My mouth parted.

Don't tell me...

"You mean..."

"Yeah, that's my car," he answered me.

My heart jumped, mabuti na lang ay sa may tagong part ng garden itong bench na kinauupuan namin. May puno na nakaharang kaya hindi kami pansin.

"But why? Bakit ka pumunta do'n?" I asked curiously. Kinuha ko ang ipit ko sa bagpack ko para itali ang buhok ko. He was just staring at me and sighed.

"I...I was about to go home tapos nadaan ko ang university so, sabi ko dadaanan na lang kita." he shifted his gaze on the grass.

Tumango lang naman ako at napangiti ng maliit. What he told me somehow calmed me, ayos na 'yon, at least he thought about that.

"Come on!" Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at inilahad ang kamay niya sa akin.

"Bakit?" I asked as I was staring at his hand.

"Let's eat," he told me. Napatingin naman ako sa kanya at umawang ang labi ko.

"N-ngayon na?" I asked him.

"Don't skip meals, that's what you told me," he said.

Nang hindi ako sumagot kaagad ay inabot niya ang kamay ko para patayuin ako. "So, you shouldn't skip meals either." He put his hand on mine and pulled me softly.

Natulala naman ako saglit sa kamay naming magkahawak pero natigilan lang ako nang may maalala.

"Dash..." I stopped him. Nilingon naman niya ako at tumigil.

"Why?"

"Uh..." sumulyap ako sa mansyon nila pabalik sa kanya. "Rheallyn was there."

Kahit natutuwa ako sa sinabi ni Dash ay naisip ko si Rheallyn. She may feel disappointed that Dash wasn't there to attend her. I know that hurts kaya hindi ako pwedeng maging makasarili. Hindi naman siya nagsalita at nakita kong nakatitig lang siya sa akin.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon