Kabanata 1

340K 12K 3.5K
                                    

Kabanata 1

UMAWANG ang labi ko at kaagad na napaatras.

Ano 'to? Bakit?

"Magandang gabi po, Sir..." narinig kong bati ni Nanay sa pinuno ng pamilya.

"Magandang gabi rin, Licia..." he smiled. Nakita ko ang tahimik na sina Sir Iñigo at si Sir Zeijan at nang bumaling akong muli kay Dash ay kumirot ang dibdib ko.

Anong nangyari?

Gusto kong magsalita at magtanong pero alam kong wala akong karapatan, napuno ng kaba at awa ang puso ko habang nakamasid sa kanya na walang imik na nakaupo sa wheelchair niya.

Is this really Dash? Is this really the man who captured my attention?

"Dash will stay here for awhile..." ani Sir Ejercito.

Umawang ang labi ko nang mapagtantong siya nga ito. Napaatras akong lalo at mabilis na lumabas ng bahay para makasagap ng hangin. Napahawak ako sa dibdib ko na mabilis ang tibok at malalim na huminga.

"O, anong ginagawa mo rito?" Napaayos ako ng tayo nang makita si Krista na kararating lang. May hawak pa siyang walis at dust pan na halatang katatapos lang maglinis.

"Uh, wala naman..." mahinang sabi ko. Hindi pa rin makapaniwala sa nakita ko.

Noong una ko siyang makita ay maayos pa siya, puno ng sigla at nakangiti pero ngayon... Bakit?

"Kawawa naman si Sir Dash 'no?" ani Krista na ikinatigil ko.

"A-ano bang nangyari?" tanong ko sa kanya pero umiling lang siya at ngumuso.

"Hindi ko alam, Reah, e. Basta kanina lang sinabi sa akin na ganyan nga ang lagay niya..." aniya.

"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?" pigil ang boses ko na h'wag magalit sa kanya.

"Aber! At bakit ko sasabihin sa 'yo? Nagtanong ka ba?"

"Hindi..." bulong ko. "Ano lang kasi..." Sumilip ako sa loob ng bahay at nakitang nag-uusap pa rin si Nanay at si Sir.

"Wala, ano, saan ka pupunta?" pag-iiba ko sa usapan.

"Sa loob, pinalinis kasi nila 'yong sa may garden tapos ayos na kaya tutulong ako maghain. Ikaw?" Kinagat ko ang labi at tumikhim.

"Tutulong din ako," sagot ko naman bago ngumiti. Tumango-tango naman si Krista at nauna nang maglakad sa akin. Kaagad akong pumikit para kalmahin ang sarili ko bago tumayo at naglakad muli pagpasok. Sumulyap pa ako kay Nanay na kausap pa rin si Sir Ejercito at kay Dash na hindi pa rin umiimik.

"Hoy, halika na!" Nagitla ako nang biglang tawagin ako ni Krista kaya umayos ako ng tayo at mabilis na naglakad palapit sa kanya.

"Ayan na!" sabi ko at mabilis na tumulong sa mga maid na naroon para mag-ayos ng mga pinggan.

"Hija, kamusta na pala iyong trabaho mo?" ani Manang Gema, isa na rin sa may katagalan ng maid dito. Ka-edad lang din siya ni Nanay.

"Ayos naman po," sabi ko sa kanya. Tinutukoy niya iyong trabaho kong waitress kapag gabi. Kagaya kasi nito ay may sideline ako roon sa kakilala ko sa bayan kaya nagtatrabaho ako, pandagdag na rin pantustos sa pag-aaral ko para makapasok na ako sa first sem ngayong taon.

"Hindi lang po ako pumasok ngayon kasi kumpleto naman po ang mga waitress kaya hindi ako kailangan..." dagdag ko.

"Gano'n ba? Napakasipag mo talagang bata ka!" ngiti niya sa akin. "Ang swerte ng nanay mo sa 'yo!"

"Ako po ang swerte sa kanya!" ngiti ko. "Nagtatrabaho pa po siya rito hanggang ngayon para mabuhay ang pamilya namin kaya swerte po kami sa kanya..." sagot ko naman.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon