Kabanata 6

299K 10.7K 4.8K
                                    

Kabanata 6

UNANG araw pa lang sa unibersidad ay pagod na pagod na ako. We did a lot of work today, siguro dahil sa hindi ko pagpasok nang ilang taon ay nanibago ako kaya pakiramdam ko'y pagod na pagod ako.

Isa pa, second week na rin ngayon kaya marahil ay umpisa na ng paghihirap. Hindi na rin uso ang pakilala, iba-iba ang mga mukha ng nakakasalamuha ko at wala pa akong nakikilala.

Kanina rin ay nagpa-exam tungkol sa mga myths and tales sa literature at hindi naman ako nahirapan doon. In fact ay mataas ang nakuha ko, advantage ko na rin siguro ito dahil ito ang hilig ko.

I love reading, I am obssessed with Greek Gods and Goddesses. I love tragic yet beautiful stories of these tales. Advantage iyon dahil maalam ako sa larangang iyon. Nalaman ko rin na ang pangalan ko at apelyido ay may ibig ipagkahulugan o hindi kaya'y may role sa mga nababasa ko.

"Miss Aceso!" Natigil ako sa paglalakad ng makita ang isang lalaking tumatakbo palapit sa akin.

"Sir..." Bati ko sa instructor namin kanina sa literature.

"You did well on your first day today..." aniya habang nakangiti. He was wearing glasses, nakapolo siyang kulay pula at naka-slacks na itim.

"Salamat po," Sabi ko.

"Drop the Po," aniya. "We're almost on the same age, right?" Tanong niya.

"Po?" Tanong ko ulit.

How did he know?

"Oh!" Napakamot siya ng batok at ngumiti. "I saw it on the index card you gave me earlier."

Namilog ang mata ko pero tumango rin pagkaraan.

"Gano'n po ba? Uh, twenty-two pa lang po ako. Natigil sa pag-aaral kaya ayon," sabi ko naman sa kanya.

"I'm twenty-five,"sabi naman niya sa akin.

Tumango naman ako at niyakap ang mga libro ko. Wala pa rin akong uniform dahil kakapasok ko palang kaya nakasimpleng longsleeves lang ako at pantalon.

Sumabay siya sa paglalakad sa akin.

"Fleureah Kaia, right?" Nilingon ko siya at marahan akong tumango.

"I am Anthony," inilahad niya ang kamay sa akin. Napatingin naman ako roon pero tinanggap ko rin.

"Sir Anthony," sabi ko pero napangiti siya at umiling sa akin.

"No, no, we're not on class so you can call me by my name. Hindi naman tayo nagkakalayo ng edad," lumaki ang ngiti niya.

"Po? Nakakahiya naman atsaka—"

"Sige na, Fleureah. Ayos lang iyon, h'wag kang mahiya." Tumango ako at nag-iwas ng tingin bago bumaba ang tingin ko sa orasang pambisig ko.

Alas-syete na pala ng gabi!

"Uuwi ka na?" tanong niya nang makitang humiwalay ako sa kanya at nag-antay ng masasakyang traysikel pauwi.

"Opo..."

"May sasakyan ako, saan ba ang bahay mo?" aniya at luminga sa paligid.

"Huh? H'wag na." Mabilis kong sabi at iwinagayway ang kamay. "Kaya ko naman umuwi atsaka ayos lang ako."

"I insist," he smiled at me. "Ihahatid na kita sa inyo, mukhang wala nang mga traysikel na daraan dito, e. Punuan na."

"Hindi na..." sabi ko at akmang magsasalita siya ay biglang may pumaradang sasakyan sa harapan namin. Natigil ako at nagulat nang makitang lumabas si Kuya Iñigo sa loob ng kotse.

"Kuya!" gulat kong sabi. He smiled at me at kaagad siyang napatingin sa tabi ko. I saw how his forehead creased when he saw Anthony, my instructor.

"Who are you?" ani Kuya.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon