Kabanata 3

288K 10.3K 2.3K
                                    

Kabanata 3

"GET out!" He's in fury. Bakas na bakas ang galit sa mukha niya nang sigawan ako. Nakita ko ang nagkalat ng pagkain sa lapag at marahang itinukod ang kamay ko para makatayo.

"Dash!" I heard the door opening. Mabilis na tumakbo si Kuya Iñigo patungo kay Dash na tumayo sa wheelchair niya. He calmed Dash down, kaagad naman na tumungo sa akin si Zeijan at inilahad ang kamay niya sa akin.

"Salamat..." Inalalayan niya ako.

"Get her out of here! Get that woman away from here!" Dash shouted in rage.

"Dash! What the hell are you doing?!" Galit na sabi ni Kuya Iñigo habang hawak ang braso nito.

"Ilabas n'yo siya! That woman shouldn't be here!"

"Ano bang problema mo, Dash?! Reah haven't done anything to you!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Zeijan. Napaatras ako dahil doon at nakuyom ko ang kamay ko.

"Wala? Wala siyang ginawa?" mariing tanong ni Dash. I saw how his jaw clenched, ang mga kamay niya ay nakakuyom na halos makita ko na ang mga ugat roon.

"Hindi n'yo ba alam kung ano ang ginawa sa akin ng babaeng 'yan?"

"What are you talking about? Kararating lang ni Reah sa bahay na 'to at—"

"She's the reason why this shit happened to me!" sigaw niya.

I can feel my heart constricting in pain, naramdaman ko ang kirot sa puso ko dahil sa sinasabi niya. At tulad niya, I am mad, not at him but at his situation and suffering.

"Dash, ano bang sinasabi—"

"She's the reason why I lost everything! Ang babaeng 'yan ang dahilan kung bakit nakakulong ako rito at walang magawa!" sigaw niya. "Because of her I was so fucking useless!"

Napaluha ako sa narinig ko at kinagat ang labi ko para mapigilan ang hikbi.

"Dash—"

"Tang ina, siya ang dahilan kung bakit ako nabulag!" Naipikit ko ang mata ko nang mamasa ito.

"Dash!" Kaagad na lumapit muli si Kuya Iñigo sa kanya pero hinawi lang siya ni Dash. I saw him leaning on the wall for support pero bakas ko ang galit sa kanya.

"Dash," mahinahong sabi ni Zeijan. "We're sorry for what happened to you but Reah—"

"What now? Kinakaawaan n'yo ako?" natawa siya at sinabunutan ang buhok.

"Naaawa kayo sa 'kin dahil bulag ako?" tanong niya. "Pity me, then! Iparamdam n'yo sa 'kin kung gaano ako kawalang-kwenta! Show me how much you fucking pity a blind useless man like me!"

I saw how his brothers tried to calm him pero itinutulak niya lang ito. Kahit wala siyang nakikita at halos mabuwal na ay kita ko ang paninibugho niya. And I was hurting too, dahil pakiramdam ko ay ako nga ang dahilan sa nangyari sa kanya.

"Dash—"

"Go! Pity me! Kaawaan n'yo ako at ipagtanggol ang babaeng 'yan!" Nahawakan siya at napigilan sa braso ni Kuya Iñigo.

"Dash, I'm sorry..." mahinang sabi nito at nakita ko ang pagbagsak ng balikat at pagyuko ni Dash.

"Kasalanan ko..." mahinang usal ko. Napalingon sa akin si Kuya Iñigo at Zeijan at nakita ko ang pagkunot ng noo nila. "I'm sorry..." mahinang sabi ko.

"Reah..." tawag ni Zeijan sa akin pero umiling lang ako.

"S-sorry, Dash..." sinsero kong sabi. I feel like I really need to tell him how sorry I am.

"What now? Hihingi ka ng simpatya?" Pumikit ako at umiling.

"H-hindi..." I heard his sarcastic laugh, marahas na hinawi niya ang kanyang mga kapatid na nakahawak sa braso niya at galit na pinasadahan ang buhok.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon