Kabanata 26

432K 10.3K 6.8K
                                    

Kabanata 26

"H'WAG na h'wag ka nang pupunta sa bahay na 'yon!" Napabuntonghininga ako at napaupo sa upuan namin.

"Nay..." I whined.

"Sinasabi ko sa 'yo, Fleureah! Noong una ay gusto ko ang pamilya na 'yan pero nang dahil sa party na iyan ay hindi ka na pupunta roon sa kanila!" she demanded.

Napabuntonghininga akong muli at umayos ng upo.

"Wala silang ginawa sa akin. Nahulog lang ako sa pool tapos—"

"Hinulog ka sa pool! Ang sabi ni Krista ay pinatid ka raw ng bisita roon kaya ka nalaglag!" pagalit niya sa akin.

"Nay," sabi ko pa. "N-niligtas naman po ako atsaka—"

"Ano? Kung ano-ano ng sinasabi sa 'yo ng mga bisita ro'n? Dahil kanino? Doon kay Dash?" aniya sa galit na tono kaya napatingin na lang ako sa kamay ko sa hita ko at natulala roon.

Pagkatapos naming kumain kanina sa bahay nila Dash pagkagising ay kaagad kaming pumarito sa bahay. Tita Lena is doing good, nagpapahinga na lang daw ito at wala namang seryosong naging problema.

Dash offered to take me to our house at pumayag na rin ako dahil nang umayaw ako noong una ay mas nauna pa siya sa aking naglakad kaya 'yon, magkasama kaming pumunta rito sa bahay.

"Have you sleep well last night?" tanong sa akin ni Dash habang naglalakad kami pauwi sa bahay. Nilingon ko siya at pagkatapos ay ngumiti ako.

"Oo," I answered. "E, ikaw?"

"I sleep well too, great, actually." He smiled at me. I saw him bite his lip to suppress his big smile at nang makitang nakatingin ako sa kanya ay napanguso siya at napailing.

"Bakit? M-may dumi ba sa mukha ko?" I asked him.

Tumigil siya at sumulyap sa mukha ko. He was staring at me like it was his first time seeing me kaya nag-init ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin.

"Kaia?" he tapped my chin kaya napatingin ako sa kanya.

"H-huh?" napakurap ako. I saw him smile again then he shook his head afterward.

"Nothing, I just can't stop looking at your morning face," he chuckled.

Napanguso naman ako at tinanggal ang kamay niya sa baba ko at tumawa siya at sumabay ng lakad sa akin.

"Starting today, manliligaw na ako sa 'yo." Napatigil ako sa paglalakad sa sinabi niya at umawang ang labi sa gulat.

"H-huh?" My heart pounded, pakiramdam ko ay may kung ano sa tiyan ko at nakagat ko ang labi ko.

"Sabi ko, liligawan kita..." he smiled cutely.

"Uh, ano kasi..." pumilantik ang puso ko at nakagat ang labi. "T-talaga? Weh?"

He burst out laughing, the sound of his voice alive and gentle.

"Yes, my Kaia," he smiled at me but I didn't anticipate any of these so I was visibly panicking.

"H-hindi pa ako ready! A-ano, friends muna tayo..." sabi ko sa kanya. I saw his eyes shined at napanguso siya bigla, nagtatago ng ngiti.

"Friends muna?" he smiled, amused with a hint of playfulness.

I narrowed my eyes at the emphasis of his last word. Nakuha niya iyon kaya nabawi ang ngisi niya sabay kibit-balikat.

"Well, I'm fine with that. Kahit ano basta may label, hmm?" Ngumisi pa siya.

Nag-init naman ang pisngi ko at nagbaba ng tingin.

"Friends muna, meaning pwedeng more sa susunod," he chuckled.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon