Kabanata 16

281K 10.1K 5K
                                    

Kabanata 16

CLOSE friend? Close friend. Bakit close friend lang?!

Kanina pa ako tulala habang nagle-lecture ang prof ko sa harapan. Lutang na ako nung nakaraang gabi pa, since Dash asked me to be his friend, not just a friend.

Close friend ang nais!

Napabuntonghininga ako at sumulyap sa professor ko na sige lang sa pagsasalita. He was lecturing about the origin of myths and I was just hearing it, naaral ko naman na kasi 'yan kaya wala talaga ako sa mood.

Ever since that night Dash told me about that, para na akong bangag.

That night, I agreed to be his friend. With just a simple, "Sure". That's how the night ended.

Pagkatapos naman kasi ng araw na 'yon ay hindi na kami masyadong nagkikita sa bahay sa mga sumunod na araw. May pasok na rin kasi siya at minsan hindi umuuwi.

Who knows? Baka magkasama sila ni Rheallyn?

Magkasama nga lang ba? Paano kapag may ibang ginawa?

Look who's torturing herself? Hi, it's me!

When I heard the word: Dismissed ay kaagad na akong tumayo at hinagilap ang bag ko. Two weeks have passed and school was kinda great, lalo na at gusto ko ang course ko pero s'yempre, nalipasan na rin ako ng panahon kaya 'yon, medyo tinatamad na.

I should be working now but because of some matters, ito ako ngayon. But at least, nakakapag-aral ako.

That's what's important. Kahit naman nahuhuli, iisa lang ang goal. Ang makapagtapos, it doesn't matter how long it took for the journey.

Kaagad akong lumabas ng classroom at inayos ang bag ko sa likod. I gently loosened up my necktie habang naglalakad.

May break ako ngayon and unfortunately, I don't have any friends. Well, some talked to me pero wala akong nakakasamang matagalan dahil nga sa irregular ako.

I opened my locker to put my things but stopped when I saw a piece of red rose inside.

Inabot ko ito pagkatapos kong ilagay ang mga gamit ko sa loob.

My forehead creased as I was scanning the rose. Kinuha ko ang maliit na sticky note roon at binasa.

Glad to see you again.

-T

My forehead creased.

Who's this?

"You like it?" A voice made me jump out of shock. Mabilis akong lumingon at umawang ang labi ko ng makita ang lalaki na nakatayo sa tabi ko.

"T-Trevor?" I blinked when I saw him smile at me.

"I gave you that, nagustuhan mo ba?" Napatingin ako sa rosas na hawak ko pabalik sa kanya.

"Ikaw?" He nodded and smiled at me. "Paanong... Paanong nandito ka?" I was shocked.

His lips twitched.

"Hmm, let's say that, I followed you." Bigla akong naubo sa sinabi niya.

"What?!" I exclaimed.

"Sinundan nga kita," he chuckled.

Sinara niya ang nakabukas kong locker at nakatulala lang ako sa kanya. Hindi ako nakapagsalita nang lumapit siya sa akin at biglang hinila ang kamay ko paalis sa lugar na iyon at nakarating kami sa mga canteen. Pinaupo niya ako sa upuan and then he sat in front of me.

Napatingin ako sa kanya pabalik sa rosas na dala ko. I still can't believe this! He followed me? That's absurd!

He's absurd!

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon