BL Special Chapter

369K 10.1K 2K
                                    


Blind Love Special Chapter

PAGKAPASOK ko ng bahay ay tahimik ang paligid, which was unusual. Kadalasan kasi ay maingay rito pagdating ko, lalo na kapag dating ni Dash galing sa flight niya.

He's always playing with the kids every time he had a chance. Kaya nakakapagtakang walang ingay ngayon ang bahay.

"Dash? Marcus? Daru?" I called them.

Naglakad ako papasok at kaagad akong nangiti nang sumalubong sa akin si Skye.

"Hey, boy," I greeted.

He barked. Tumungo naman ako at napatawa nang dumagan siya sa hita ko at pilit na nagpapakarga.

"Ikaw, may anak ka na, nagpapa-baby ka pa rin kay mommy?" tanong ko.

He barked again, getting more and more playful. Mas napatawa ako at naupo sa carpet at hinaplos ang ulo ng alaga namin.

"Nasaan sila?" I asked him. He barked again at nang tumayo siya at tumakbo ay sumunod ako sa kanya.

Umakyat kami sa hagdanan at nang tumapat siya sa pintuan ng kwarto namin ni Dash ay napangiti ako.

"Thanks, Skye," I smiled and patted his head. Tumahol siyang muli at lumapit ako para buksan ang pinto.

"And that's it, Psyche is curious about her husband's face so she went out to get a lamp to see his face," natigil ako nang marinig ang boses ni Dash.

Pumasok ako sa kwarto nang tahimik at sumunod naman si Skye na natahimik din.

Sumilip ako at naabutan na nakaupo ang mag-aama ko sa kama namin.

Dash was sitting on the bed, his back facing me. Nakasandal naman si Marcus sa headboard ng kama at ang bunso naming si Darshana ay nasa kandungan ni Dash.

"Papa, ano pong nangyari pagkuha niya ng lamp?" Macky asked his Dad. Tumakbo naman si Skye sa may higaan nito sa gilid at nanahimik.

"Hmm, she entered her husband's room," ani Dash. Nakita kong nagpumilit na tumayo si Daru sa hita ni Dash at kumapit sa leeg nito.

"Tapos..."

My daughter's blue eyes widened when she saw me. Iniabot niya ang kamay niya sa akin at tumawa kaya napangiti ako.

"Yes, Daru?" inabot ni Dash ang anak na nangungunyapit sa leeg niya.

Daru pointed me. Umiling naman ako at inilagay ang daliri ko sa labi kaya ngumiti ang anak ko at mas tumalon-talon.

I suppressed my laugh. Nakita kong napatingin din sa akin si Macky at akmang magsasalita pero agad akong umiling sa kanya.

"Why, Daru? Papa is telling you a story, come on," sabi niya habang sinusubukang kalmahin si Daru.

Mas tumalon-talon pa ito kaya umayos ng upo ang asawa ko.

"Are you bored?" he asked.

Hinubad ko naman ang blazer ko at naglakad papunta sa pwesto ni Dash na nakatalikod mula sa akin.

"'Pa! 'Pa!" Daru exclaimed. Dash laughed.

"Come on, baby, why?" Inabot niya si Daru.

"'Ma!" She exclaimed.

"Si Mama?" Dash asked at binalingan si Macky na nakangiti sa akin ngayon.

"Marcus, call your Mom, ask her where she is. Gabi na, dapat kanina pa nandito 'yon," aniya. Mas nangisi ako at mas lumapit.

I tiptoed and put my face near his from the back.

He smells nice, halos mahalikan ko siya. Mas naging hyper si Daru sa ginawa ko kaya mas lumawak ang ngiti ko.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon