Kabanata 11

259K 10.5K 4.2K
                                    

Kabanata 11

"REAH, hindi ka pa ba kakain?" Nilingon ko si Kuya Iñigo nang magsalita siya sa tabi ko.

"Hindi po, busog pa naman po ako," napatitig naman siya sa akin bago bumuntonghininga at humila ng upuan papunta sa harapan ko.

"Dash won't be happy kung hindi ka kakain," aniya.

Napabaling naman ako mula kay Dash na hanggang ngayon ay hindi pa nagigising pabalik kay Kuya.

"Ayos lang po talaga ako, atsaka kumain po ako kanina."

Dash's operation took a couple of hours to be done and we're glad that it was a success. The operation was escalated correctly, without any complications. Hindi pa nga lang masasabi kung tagumpay na talagang maituturing habang hindi pa nagigising si Dash at hindi pa nakikita ang mga mata niya.

"Sige, I'll leave the food here. Kapag nagutom ka kunin mo lang, huh?"

"Salamat po."

"I'll bring my wife home, kukunin pa namin 'yong mga bata sa Dad niya," tukoy niya sa Dad ni Thallia.

"Sige po, mag-iingat kayo." Tumayo siya at ginulo ang buhok ko bago sumulyap kay Dash.

"Magigising na rin 'yan, h'wag ka na masyado mag-alala..." aniya at ngumiti bago lumapit sa asawa na nakaupong natutulog sa sofa.

"Baby," I heard him calling his wife, lumuhod siya sa may harapan ni Thallia at hinaplos ang mukha nito at kaagad kong nakita ang pagmulat niya.

"Hmm?" Thallia hummed, her one eye opened.

"Let's go home?" malambing na tanong ni Kuya dito. I smiled. Magka-ugali sila ni Dash.

"S-sige," disoriented na sabi ni Thallia. Kuya Iñigo sighed at miski ako ay nagulat nang biglang buhatin ni Kuya si Thallia.

"Iñigo!" Thallia exclaimed. Mahina namang tumawa si Kuya at napakapit naman sa leeg niya si Thallia.

"I'll carry you, sige, tulog ka pa," ngumisi si Kuya at natawa naman si Thallia pero sumandig din sa dibdib nito.

"Una na kami, Reah, hmm?" lumingon sa akin si Kuya habang buhat niya si Thallia. Ngumiti naman ako at kumaway at pinagmasdan silang lumabas mula sa kwarto.

Sa isang presidential suite inilipat si Dash matapos ang operasyon at simula pa kagabi ay hindi ako umuuwi at binabantayan ko siya. He was asleep for almost half a day now, mag-gagabi na at umuwi na sila Kuya na kasama ko kanina sa pagbabantay. Hindi ko pa rin nakikita si Zeijan ngayon at maging sina Sir Ejercito at Ma'am Lena ay nakausap ko saglit pero para kumustahin lang si Dash.

I stared at Dash who's sleeping peacefully. May benda ang mga mata niya at mukhang malalim ang tulog niya. Under observation pa sa ngayon si Dash, mino-monitor pa rin ang kalagayan niya since hindi pa siya nagigising but the operation did well.

"Dash..." hinawakan ko ang kamay niya at hinagkan ito ng marahan. "Miss na agad kita." Tumungo ako at hinaplos ang mainit niyang palad.

"Makakakita ka na," mahinang sabi ko sa kanya. "Sana alalahanin mo lahat ng sinabi ko sa 'yo, huh?"

"You should take care of yourself, h'wag kang iinom tapos alagaan mo si Skye natin," mahinang sabi ko.

Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na hindi maging emosyonal dahil sa kanya.

Natatakot kasi ako at nalulungkot. Hindi ko rin alam kung magsisisi ba akong tinanggap ko ang offer noon ng mga Sandejas o hindi. Magsisisi ba ako dahil sa nasasaktan ako ngayon o masasayahan dahil kahit papano'y nakasama ko si Dash.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon