Kabanata 28

396K 10K 6.3K
                                    

Kabanata 28

"CONGRATULATIONS, Ate!" Malaki ang ngiti ko nang marinig ang boses ng kapatid kong si Allia.

Ang mga kaklase ko ay nasa entablado at nagpapalitrato kasama ang mga kaibigan nila at ang kanilang pamilya.

"Salamat, Allia!" Lumapit ako at yumakap sa kanya.

"Congrats, Ate!" Nang mag-angat ako ng tingin ay napangiti akong lalo ng makita ko si Johann na nakatayo sa harapan ko habang may bitbit na bulaklak para sa akin.

"Salamat!" I cheered at kaagad siyang niyakap. "Mabuti at nakarating ka."

"Sorry, Ate, huh? Kung na-late ako. Traffic kasi pero kasama ko ang asawa't-anak ko nasa labas lang sila may binili." Tumango ako.

"Salamat talaga." Tinanggap ko ang bulaklak na iniabot niya at nang makita ko si Nanay na nakangiti sa akin ay kaagad akong tumakbo at yumakap sa kanya.

"Nay..." bulong ko habang yakap siya. Narinig ko ang pag-iyak niya at mas niyakap pa ako. Mas nangilid lang ang luha ko.

"Anak! Anak, congratulations!" Malambing niyang sabi at doon ko na hindi napigilan ang pagkawala ng mga luha.

"Nay, salamat sa lahat, sa sakripisyo mo." Sabi ko habang yakap siya. "Para po sa 'yo ang lahat ng achievements namin. Maraming salamat po." I sobbed.

"N-naku ang anak ko, mahal na mahal ko kayo ng mga kapatid mo. L-lahat ng pagsisikap ko'y para gumanda ang buhay n'yo," she sobbed. "Ayos lang ang paghihirap ni Nanay basta nakikita ko kayong masaya."

"N-nay, pangako ko, pag-iigihan ko ang pagtatrabaho ko para matulungan pa kayo. Salamat po." Mahinang sabi ko at niyakap siya nang mahigpit.

Nang maghiwalay kami ay kaagad kong tinanggal ang medalya ko at isinabit sa leeg niya, nanlalabo ang mga mata.

"Reah, anak," she sobbed at napasinghot ako at muli siyang niyakap.

"Salamat, 'Nay. Salamat po."

Nang maghiwalay kami ay kaagad kaming pumunta sa may stage para magpakuha ng litrato.

"Congrats, Reah!" Kuya Iñigo cheered nang makababa ako sa stage.

"Salamat, Kuya!" Masayang sabi ko at yumakap sa kanya. Gano'n din kay Thallia, Zid at Zeijan na talagang nag-abala pa para lang makapunta sa graduation ko.

It was ecstatic. Ang pakiramdam na makapatapak ka sa entablado at ideklarang graduate ka na ay isa sa pinakamasayang pakiramdam na naramdaman ko.

It was fulfilling, na finally ay may na-achieve na ako sa buhay ko.

I succeeded because of the help of my family, the Sandejas and my friends. Kung wala sila ay marahil wala ako rito.

At salamat din sa sarili ko...na pilit nagsumikap para makapagtapos.

"Yieee! Si Reah-tot graduate na!" Zeijan cheered with a silly tone, as if he's singing.

"Thanks, Zeij!" I cheered at niyakap siya.

"Finally! Magiging teacher ka na! Ang galing naman no'n!"

"Pangarap ko talaga 'yon and finally! Makakapagturo na ako!" I said happily, as if it was still a dream.

He grinned and nodded pero natigil ako nang may makitang galos sa mukha nya.

"Oh? Anong nangyari? Ayos ka lang? Anong meron d'yan?" Turo ko sa may pisngi niya at sa may gilid ng labi.

He seems surprised but then smiled like it was nothing.

"Uh, nabangga lang kung saan. Gwapo ako pero medyo may pagkatanga." Pagbibiro pa niya.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon