Kabanata 5

300K 11.1K 5.8K
                                    

Kabanata 5

"EXCITED ka na ba mag-aral?" Tatawa-tawang sabi ni Krista habang sinisiko ako.

"S'yempre naman!" I cheered at mahigpit na humawak sa bag ko sa balikat.

Na-iimagine ko na kapag papasok na ako! Nae-excite ako!

"Edi matutuloy na 'yong pagiging teacher mo niyan!" aniya. Ngumiti ako at tumango.

"Oo, laking pasalamat ko nga kina Kuya Iñigo at kung hindi dahil sa kanila hindi siguro ako makakapasok..." Masayang sabi ko.

Late na kasi ko sa enrollan, nagsimula na ang klase isang linggo na ang nakalipas at ngayon lang ako nakapag-enroll.

Hindi kasi pumasok kaagad ang budget ko at kung 'di dahil sa tulong nila ay baka postponed na naman ako.

Hindi rin naman kasi naasikaso kaagad ito dahil busy rin sila Sir Ejercito sa Manila at ngayon lang nagkaroon at sino ba naman ako para magreklamo?

Ang swerte ko nga at kahit bente-dos na ako ay makakapag-aral pa ako!

Kung tutuusin nga ay hindi na sila tumatanggap ng mga enrollees dahil umpisa na ang klase pero masaya ako at naihabol pa ako. Thanks to Sandejas' connections, I guess.

Nakapasok pa rin ako sa Sta. Monica University!

"Aba, Kuya na raw, o!" Humagalpak si Krista at hinawi ang kulay itim niyang buhok.

"Parang 'yon lang," natawa ako pero nahihiya pa rin.

"Hala, pabebe siya, o!" Dinutdot niya ang pisngi ko. "Kuya talaga? Ibang level na 'yan!"

"Sila naman ang nagsabi na tawagin ko siyang Kuya kaya tinawag ko atsaka..." sumulyap ako sa magkabilang-gilid ng kalsada at inantay na hilahin niya ako sa kabilang side ng daan.

"Hanggang ngayon takot ka pa rin tumawid?" tanong niya. Ngumiti naman ako at tumango.

"Nakaka-paranoid kasi ang mga sasakyan, baka biglang may bumulusok palapit tapos masagasaan ako at magka-amnesia..." Paliwanag ko at kumapit sa braso niya.

Humagalpak siya.

"Nilamon ka na talaga ng mga pocketbook na nababasa mo, 'no?" Iling niya. "Sa kwento lang nangyayari iyon, loka!"

"Hindi mo naman masasabi, 'no, atsaka malay ba natin..." Nagkibit-balikat ako.

We've decided to eat at our favorite mami house here in Sta. Monica.

Iyong mamihan ni Aling Chena. Masarap kaya doon kami madalas kumakain. Inilibre ko siya dahil sa sumahod naman ako sa pagiging waitress ko na sideline. Nakakamiss rin ang trabaho kong iyon pero wala naman na akong choice.

Wala na akong time para doon. Una, kailangan kong mag-aral at pangalawa'y kailangan kong alagaan si Dash.

Ikalawang semester ko na rin kasi sa third year ngayong pasukan. Third year, first semester ako sa kursong Education, major in English noong tumigil ako at pinauna ang kapatid ko.

Bale, isang taon kalahati o dalawa na lang ay graduate na ako.

"Adrian!" Kaagad akong nanigas sa kinauupuan ko at natigil sa pagkain ng biglang sumigaw si Krista.

"Uy, Krista!" Narinig kong sagot ni Adrian. Napatingin kaagad ako kay Krista at pinanlakihan siya ng mata pero ngumisi lang siya at kumaway pa.

"Halika rito, nandito si Reah!" She called him.

Nangunot ang noo ko at minura na siya sa isip ko pero ang loka-loka ay tinawanan lang ako at kinindatan.

"Krista!" I hissed pero huli na ng maramdaman ko ang kamay na umakbay sa akin.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon